Gamot sa Sore Eyes


Alam mo bang ang english ng kuliti ay “Stye”?

 

soreyesSore eyessore eyes

 

 

Kali-kaliwa ang mga taong nagkakaroon ng sore-eyes. Taon-taon na lang.

Asahan na natin na tuwing summer ay ordinaryo na ang sakit na ito kaya dapat prevention na ang ginagawa at hindi ang aantayin mong tamaan ka pa. Except lang kung talagang gusto ka niyang hawaan dahil sa pang-aasar mo at pinahiran ka niya ng muta sa mata mo o kaya ay sa kamay mo dahil alam niyang tuwing gumigising ka ay nagkukusot ka ng mata at di ka agad naghihilamos.

Ang sore eyes ay inflammation ng cover ng eyeball at inner eyelid dahil sa virus o viral infection.

 

diagram-of-human-eye

Nakakahawa ang sore eyes alam natin yun. Pero di lang yun nakukuha sa pagpunas ng muta sa mata ng kagalit mo. Pwede rin kasi makuha yun sa droplets tulad ng pagbahing at pag-ubo. Kaya mas mabilis kumalat ang virus ng sore eyes pag meron kang ubo.

Kaya dapat maghugas lagi ng kamay bago humipo sa mata pag meron kayong kasama sa bahay na may sore eyes. Tingnan niyo yung mga doctor kahit 100 pasyenteng may sore eyes ang pumunta sa kanila ay hindi sila nahahawa dahil maya’t maya ay hugas sila ng hugas ng kamay.

 

 

Ang sign na may sore eyes ka ay:

  • Pag-gising mo, isang mata lang ang kaya mong idilat. Ang isa mong mata ay nanlilimahid na sa mutang parang sipong natuyo.
  • Red eyes parang bangus na na red tide

Kung maagapan aabot lang ng 3 days pag hindi aabutin ng 14 days bago gumaling. Ang mahirap niyan ay pag di nalinis maige at na-impeksyon ay maaring magka-sugat ang mata at makaapekto sa paningin ng tao.

Maraming gamot sa sore eyes andyan ang tobrex, erythromycin, cellufresh, tobradex, chlorampenicol at maxitrol. Pero alam mo ba kung ano ang nararapat na gamot sayo? Hindi. Punta na kay doc at ihanda na ang 500 pesos para sa kanyang talent fee. Pero kung gusto mong sumugal, bahala ka.

Totoo bang nakakatanggal ng sore eyes ang gatas ng ina? Ewan. Pero medyo logical naman. Sabi kasi sa research, mas hindi raw nagkakasakit ang mga batang laki sa gatas ng ina kesa sa gatas ni yaya este sa powder na gatas. Ibig sabihin kontra bacteria pala ang gatas ng ina. Try niyo na rin. Wala namang masama at walang mawawala kung susubukan e. Basta patak lang ha.

Andyan na tayo, may sore eyes na. Ano na lang ang pwede nating gawin? Edi wag na hayaan pang kumalat.

  • Wag mag share ng tuwalya kung may Sore Eyes ka
  • Gumamit ng tissue sa pagtanggal ng muta o kung gagamit ng panyo, wag ng gamitin ulit
  • Umiwas din sa swimming pool na nilanguyan ng may sore eyes asahan mo na na mahahawa ka lalo na kung mas mataas na yung concentration ng urine kesa sa chlorine
  • Wag munang makipaglaro ng nanay tatay o sawsaw suka sa baby niyo
  • Mag hugas ng kamay maya’t maya bago humawak sa mata
  • Wag muna magsuot ng contact lens
  • Wag munang magmascara at maglagay ng eye shadow hangga’t di ka gumagalin
  • Wag ka munang pumasok sa trabaho dahil makakahawa ka lang

Sumasakit ba ang mata mo pag tumitingin ka sa mata ng taong may sore eyes? Akala mo kasi lumilipad na ang virus papunta sa mata mo.

 

Ito ang mabisang gamot sa sore eyes: Tumitig sa incandescent bulb ng nakahiga for 30 mins o 1 hour straight. Hilamos. Titig. hilamos. Titig.

141 thoughts on “Gamot sa Sore Eyes”

    1. aabot po talaga yan ng ganyan katagal.. hanggang mga 14 to 16 days pa po iyan.. pag lumampas po dun ay bumalik po ulit kayo sa doc niyo.. pero syempre dapat katabi niyo pa rin sa mga susunod na araw ang alcohol niyo para di mahawa ang iba niyong kasama. mag hugas din kayo ng kamay palagi at hangga`t maari po ay tissue ang gamitin niyong pantanggal ng muta. kasi pag towel, ang tendency ay mapahid niyo ulit sa mata niyo yung virus.

  1. mag 4 days na po ang sore eyes ko tanong ko lang po ilang days po ang normal na pag galing ng sore eyes at nakaka apekto poh buh ang pag punas sa loob ng mata kapag may sore eyes ang tao?

    1. Inaabot yan ng 1 week to 10 days.. pero pag di maayos ang pag-linis mo, inaabot yan ng 2 weeks.. mas tatagal kasi pag nalipat pa sa kabilang mata yung sore eyes.. kaya kapag 1 mata pa lang ingatan at linisan mo lang palagi.. mag bitbit ka rin ng alcohol lagi para di mo mapasa sa iba.. Wag mong punasan ang mata sa loob.. hilamusan mo lang ng tubig at ipahinga at wag ng iexpose pa sa mga bata na pwedeng mas magpalala nito..

  2. anu po ba ang magandang panghugas sa mata?at paano po ba ang proper na paghugas nito? at okey lang po ba ang visine para sa pang lunas nito?

    1. Ang akin po ay ito, kung kaya niyo pong gumastos ng 500 pesos para magpunta sa doctor ay gawin na ninyo.. kung hindi naman po talaga ay linisan nyo lang lagi ang mata ng baby nyo at wag nyo hayaan siyang kamutin ang mata niya.. mahirap magpatak ng gamot sa baby kung hindi nirekomenda ng doctor kasi hindi naman magsasalita si baby mo kung makati ba, masakit ba o kung ano. Linis lang lagi. 2 weeks o 15 days natural din namang yan mawawala..

  3. Hayyy…my sore eyes was starting since tues.when i woke up,i noticed to the mirror that my right eye was not in a normal size and slightly itchy then i went to my work,im a secretary at carsale,our location is beside the road so,many vehicles is there…then when i saw my eyes on my compact mirror,my right eye was starting to be pink…then wed.i decided to absent coz my eyes was getting itchy,swollen and teary til now…the only medicine that i used is visine only…i dont know when will be my eyes are getting ok…

    1. ganyan din po ang nangyari saken …pero monday po ito nangyari ..kala ko po namumula lang po ito dahil sa init tapos sabi po ng kaibigan ko na sore eyes na ito tapos po bumili c mama ng chloramphenicol 98 pesos lang pu iyon pero effective po ito gagaling po ito after 2 or 3 days ..

    1. Mas ok po ang cold compress para mabawasan yung sakit at pangangati.. Bili kayo ng ice cube o tube tapos ilagay nyo sa maliit na plastic ng yelo na babalutan nyo ng face towel tapos ibabad nyo na sa mata niyo. Mas nakakarelax ito at medyo madidilat niyo na ang mata niyo ng maayos for several hours. Pwede pa rin naman kayo mag work kung kailangan talaga. Mag-shades na lang kayo at magbitbit lang ng alcohol para di makahawa ng iba.

  4. Etong sore eyes ko pang 6th day na ngayon. Sa right eye lang nung una ngayon meron na sa kaliwa. Pag natutulog kc ako at naka tagilid sa kaliwa biglang tutulo yung luha from my right eye papunta sa left eye, ayun nahawa na. Tobrex ung nireseta sakin nung doktor sa Makati Med. Di xa mahapdi ipatak. Then nagpatingin ako kahapon sa ibang doktor, ang sabi Visine Red ang gamitin ko. Sobrang hapdi naman nya ipatak. As in, luluha ka sa sobrang hapdi. Okay lang ba yun? I mean, sign ba yun na nalilinis nya o mas Okay ung Tobrex na di masakit pag pinatak?

    1. malapit na gumaling yan.. ipahinga niyo na lang at wag iexpose sa mga maalikabok na lugar.. lagi ring maghugas ng kamay.. since pagaling na yan, ang main focus mo dapat ay hindi na makahawa pa sa mga kasama mo sa bahay..

      1. eii namamaga pa rin po siya at namumula ang loob ng mata ko .. pero pag gising ko maii muta nga po pero ndi po sobrang dame .. kinakabahan po ako baka po umabot ng isa pang linggo ang sore eyes ko … nag papray na nga lang po ako kaii jesus na sana pagalingin nia na po ang sore eyes ko..

  5. sana po masagot nio ang napakadami kong tanong kc nababahala na po ako dahil ndi pa po ito gumagaling .. maraming salamat po at sinasagot nio po ang lahat ng aking mga katanungan .. ^___^ :]]

  6. ano po b ang sagot sa tanung ni milen pareho po kc kmi ng kaso dati po tobramycin ang gngamit ko ngayon po gatifloxacin mas mahapdi po ito pag pinatak kesa sa tobramycin ibig po b sabihin pagaling na po ba ito???

      1. ako gumaling lang ng 3days anak ko kc tatlong beses sa isang araw kung pinapaliguan at kada my hawakan pinahuhugas ko ng kamay at sabunin ko maige sipagan lng talaga maya maya maghugas o.i na nga ako e pero 3days lng at diko pinalalabas ng bahay at di kmi nahawa thank god yun lng gawin nyu kaysa magpa doktor pa.sipagan lang mag linis lagi sa katawan

    1. ang pagseself medicate ay isang sugal. kaya mas mabuti nga, gaya ng sabi ko na kumonsulta kayo sa doktor. Merong binabagay na tao kada pampatak. Ngayon, yung hapdi logically ay hindi indication ng gumagaling. Kunwari may sugat ka at nilagyan mo ng agua oxinada, bubula at mahapdi.. hindi dahil mahapdi kaya nakakapagpagaling.. nagkataon lang na mahapdi talaga ang kemikal na yun.. Pag pinatakan mo ba ang sugat mo ng kalamansi ibig sabihin pagaling na iyon? di ba hindi.. Ba’t pag betadine hindi naman mahapdi pero madali namang gumaling ang sugat. Ngayon, kung magtatalong linggo na ang sore eyes mo, baka malakas ang baktirya/virus na tumama sayo o di kaya hindi mo inalagaan ng maayos at ipinahinga ng maayos ang mata mo. pag umabot pa yan next week kahit inaalagaan mo naman talaga ng maayos gaya ng sinulat ko, pumunta ka na sa doktor para sigurado. pero pag tingin mong naglilighten na, pagaling na yun.

  7. Eh paano po ung sa case ko? 2 weeks na po akong meron sa sore eyes hindi na po makati yung infected eye ko pero yung eye lid ko maga pa rin po tapos nagmumuta pa. nakakapabagal po ba ng pag-galing pag lagi din nagpupuyat?

    1. Ang pagpupuyat po ay nakakapagpahina ng ating immune system.. Kaya nga po ang mga call center sa atin ay maganda ang health benefits dahil malaki man ang kita, ang kalusugan naman ang kanilang tinataya.

    1. ok, ganito. May dalawang paraan ng pag-galing ng sore eyes. Una ay yung medical approach at yung pangalawa ay ang natural way. Sa pagpili kung alin ang dapat iprioritize sa dalawa, ang dapat na 1st choice natin ay ang medical (pagpapatingin sa doctor at gamot). Ang sagot ko sa tanong mo, pwede pero hindi. Pwede, kasi ang dagat ay may asin. Hindi, dahil ang sikat ng araw at mga buhangin ay pwedeng tumama sa mata mo. Mas maganda kung magpakulo ka ng tubig at lagyan mo ng tamang dami ng asin. Isalin sa palanggana at gawing maligamgam ang tubig sa pagdagdag ng malamig na tubig. Ipanghilamos ito sa mata. Pwede ring isawsaw ang bulak at ipatong sa mata. Makakatulong lang ito na marelieve ang hapdi at kirot pero hindi nito direktang pupuksain ang bacteria na talagang pangkaraniwang sanhi ng sore eyes.

  8. metaporista ung akin prng d nmn sore eye kc d nmn aq ngmmuta eh kaso mskit at prng ang bigat ng mata q ngluluha lng xa anu bng gmot q d2 dapt plz. indi 2loi aq mkpgtrabaho plzz 2lungan nyo aq

  9. Nakakabuti po ba ang pagpatak ng calamansi sa matang may sore eyes…. ano po ba ang pwdeng gawin d2… kz po ako may sore eyes 5 days na po ito….. nagluluha po kz madalas…..

  10. 6 days npoh sore eyes q poh hndi p poh xa mgaling pero 2days n xa mkati bkit hanggang ngaun hndi p poh nwwala ung pammula nya poh,.gamot q chloramphenicol kc savi nila mbisa raw pero bkit naabot ng 6days poh?tulongan nyo nman aq qng anung dapat qng gawin at mpagaling na agad,gusto kuna kc mg work.,

    1. Mam lanie, hindi pa po kasi nahihinog yan. Kaya hindi pa po pwedeng pitasin at tanggalin. Ganyan po talaga ang soreyes. Ingat na lang po tayo sa susunod. Sundin niyo na lang po kung ano po ang mga dapat gawin.

    1. Meron. Pwede kang maghalo ng aloe vera extract sa malamig na tubig at ipanglinis sa mata. Pwede rin maglagay ng hiwang pipino sa mata para marelax. Pwede ring magkadkad ng apple at ilagay sa mata. Marami pa ring iba.

  11. metaporista ung sore eyes ko po nag simula nung linggo 1 mata lng tapos lagi akong nag aalcohol tapos nag papakulo ako ng tubig tapos dinadampi ko lng sa mata ko…namumula cia anu kiang gamot dto??kc my field trip kmi sa saturday eh…

    1. Mahirap manghula kung anong gamot ang dapat para diyan. Punta ka ng doctor kung willing ka magbayad ng 500 pesos sa 10 mins. Na serbisyo. Kung low budget naman, antayin mo na lang na mawala. Ang gawin mo tuloy mo lang yan hygiene ng alcohol maya maya sa kamay. Kung umabot yang soreyes sa fieldtrip niyo, mag shades ka na lang. At magdala ng hand sanitizer o alcohol. Ang pinaka maganda mo lang na magagawa ay enjoyin ang once a year na fieldtrip na hindi mo sila mahahawaan.

  12. mura lng mag pa check up dto samin eh.hndi nmn 500.nung nilagy ko ung ointment sa tama ko hindi na cia nag mumuta….pero namumula parin.puede ba akong mag swimming kc meron kming ung field trip nmn my ksamang swimming eh…

    1. Naku swimming ba? Sa ocean wave ba yan? Mataas ang posibilidad na makahawa ka dahil ikaw ang carrier ng virus. Kung pwede nmng wag ka na maglangoy, wag na lang. Mamicture ka na lang sa mga kaklase mo at magpabayad ng chippy na malaki yung red. Kung gagaling yan bago ang fieldtrip, walang problema.

    1. Nagmumuta na rin yung isang mata? Mahahawa na yan.. Pero i follow up mo na agad ng ointment na bngay sayo baka sakaling maagapan. Minsan kasi unconsciously natin nakukusot pag tulog at gising. At isipin mo na lang ang pagitan ng mata natin kaya mahirap tlga ma prevent.

  13. tanong lang po, namamaga ang mga mata at nagmumuta at maputa ang mga mata ng anak ko, sore eyes na po ba yun? ano po mabisang home remedy na gamot para dito, nakakaawa kase ang bata, masakit daw…

    1. May history po ba ng allergy mga anak niyo at may nakain o naexpose sila doon? Kung hindi po, malamang soreyes na po yan. Kagagaling lang ba ng swimming? O baka may kaklase po sila o kalarong may soreyes, baka nahawa po. Linisan niyo na lang po at turuan sila na maghugas ng kamay at wag kamo kusutin. May mga gamot po dyan na pampatak o cream pero mas ok po kung yung doktor ang magrereseta.

      1. wala naman po history na allergy ang anak ko, basta paggising nya sa umaga eh makati na daw, hanggang namaga na nga, pa check up ko na lang sa doctor pero in the mean time, cold compress will be ok? saka lagi namin pinupunasan yung mga mata nya dahil luha ng luha…

  14. Magandang tanghali po metaporista!!!
    Ang 2 q pong anak sabay nagkasore eyes same eyes nila pagkagising nila puno ng muta mata nila. Pinaliligo q sila maaga. And 3x a day. Shower nila For first aid n ginagawa q. D n sila nagmumuta pero for sure tom dalhin q sila sa doctor.

  15. haixt 4 days na sore eyes q.. may tanung lang aq.. mas matagal bang gagaling ung sore eyes muh kpag titig k ng titig s salamin..?? sbi kxe nila na iiritate daw ung mata kea ganun??? ee every 5 minutes tumutingin aq s salamin… haixt sobrang namamaga n ung mata q.. ang sakit n din tlga nya,,,badtrip…. sna ndi n umabot ng 14 days ito… grrr

    1. Wala naman siguro masama kung titingin ka sa salamin. Ang masama lang siguro ay yung titingin ka sa salamin para kusutin ang mata mo which is dapat mong iwasan. Chill lang. Sundin mo lang yung procedure na kahit papaano ay makakatulong.

  16. Patulong naman po.. may sore eye po kasi ako nagsimula yung nung june9 eh june 12 na ngayon please suggest po kayo ng paraan para maalis agad to kasi po first day ng school ko hindi ako nakapasok dahil sa Sore eyes..sana po masagot nyo to –Jinella

    1. Hindi basta basta nawawala soreyes nella. Mas maganda kung punta ka sa doctor at pareseta ka ng pampatak sa mata na bagay sayo. Pagalingin mo na lang muna bago ka pumasok. Masakit kasi yan at di ka lang mkkpagconcentrate at siguradong makakahawa ka pa.

    1. Iwasan niyo na lang po na pahiran ng towel. Dampian niyo na lang po ng tissue para di po masyado masakit at magdulot ng iritasyon. Mas ok din po kung tissue ang gagamitin para po maitapon agad. Pag sa towel po kasi ay baka magamit pa ng iba at makahawa pa po kayo. Maghugas lang din po kayo ng kamay lagi lalo na po na humahawak po kayo ng pagkain para po mapanatiling malinis ang inyong mata. Kung patuloy po na lumala at di madaan sa hilamos, magpacheck-up na po kayo sa doktor para lang po masiguro ang kalusugan ng inyong mata.

  17. Yung sore eyes k nga 1 week n to ngaun d p din nttangal angkati2x p nman .. pmunta n kami s doctor me pnbling gamot tobramycin/zinnat parang ala epekto… nmmaga n ung mta ko….

  18. panglimang araw na po tong sore eyes ko pinatakan ko na po to ng visine gumagaling naman po kaso bumabalik uli ang pula tapos tuwing umaga po d ko mamulat ang mata ko

  19. panglimang araw na po tong sore eyes ko pinatakan ko na po to ng visine gumagaling naman po kaso bumabalik uli ang pula tapos tuwing umaga po d ko mamulat ang mata ko

  20. magandang araw may sore eyes po nung una kaliwang mata lang ngayon etong kaliwang mata ko nagmu2ta na pero dipa namu2la.. pero tung kanang mata ko mapula tapos mejo masakit pag pinipikit ko. tapos minsan eh nag nag luluha lalo pg gabi.. may nag sabi saken na kalamansi daw po.. pwdi pua gawing eye drop ang kalamansi ?

    1. Traditionally, ginagamit ang dagta ng tawa-tawa na pampatak sa mata. Pero hindi pa rin tiyak ang epekto nito pag pinatak sa mata. Para makasiguro, bumili na lang ng gamot. Kung walang pambili at handa kang isugal ang mata mo sa bisa ng tawa-tawa, wala kaming karapatan para pigilan ka.

    1. Depende po sa kalagayan ng sore eyes niyo. Ang mga doctor po ang pwedeng magpayo kung ano ang mabisang gamot ang para sa inyo. Kung wala namang pampacheck-up ay gawin ang mga kaukulang pag-lilinis at antayin na lang na gumaling.

  21. hi po may sore eyes po aku ngayun . .an0ng pwde kung gawit kasi makati sya at masakit.namamaga po y0ng mata ku at nag luluha.

    1. Ipahinga niyo na po muna at kinabukasan ay pakiramdaman niyo ang wallet niyo kung willing ba kayo magpareseta ng gamot sa doctor para inyong sore eyes. Kung hindi ay antayin na lang gumaling. Hilamos hugas ng mata at kamay at tiyakin na lang na wag ng makahawa pa ng iba.

  22. Hi! metaporista. Nung January 2 lang nagiba yung mata ko January 1 kinamot ko sya tapos nung paggising ko January 2 iba na ung mata ko parang sabog ba. tapos parang pakiramdam ng mata ko eh parang inaantok. makalipas ng 4 na araw ganon pa rin sya. Tapos ngayon Jan.6 ang dami ng muta sa mata ko at don ko na sya tinawag na sore eyes nga talaga. Ano kayang pwedeng gamot dito? O kaya magandang gawin muna? Tama ba yung tapalan ng bimpo na may yelo at ipatong sa mata???

    1. Pwede yun bro kaya lang ang purpose lang nun base sa experience ko ay para marelieve lang yung hapdi, pangangati at pagod ng mata. Pero di yun makakagaling dahil hindi naman niya napatay ang bacteria sa mata mo. Kaya mas maganda kung bumili ka ng pampatak. Hindi naman lalagpas siguro ng 150pesos ang mga pampatak. Itabi mo na lang pagkatapos para magamit ng mga mahahawaan mo. Yung nga pala, iwasan mo na lang din makahawa ng iba at antayin na gumaling para di ka na makasagabal pa sa kanila.

    1. Epektib yun sa akin dahil narerelax ang mata ko. Pero walang siyentipikong basehan yun kaya wag mo na lang paniwalaan. Pero maraming paraan para marelax ang mata. Try mo lang yung iba brod.

  23. Mag two weeks na po sore eyes ko. Una isa lang ang meron pero ngayon dalawa na po.. d na po ako nkakapagwork dhil dto.. ano po ba mbisang lunas? May nilagay na po akong visine pero mahapdi sa mata

  24. HAY po.. mag 2 wks na po ang sore eyes ko po.. anu po baang dapat ko ponggawin dto.. parati po akong nghihilamos ska nag try din ako sa cold compress mawawala ang kati po.. nag alala talaga ako dito eh. .

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s