Ang cellphone pala ay parang buhay ng tao



Naisip ko lang.. Ang cellphone pala ay parang buhay ng tao.. Kabisado na natin ang pag-pindot at di na tayo tumitingin minsan pero di maiwasang magkamali pa rin kahit gaano tayo kagaling.. Minsan na wrowrong send tayo at kahit gusto mong bawiin di mo na mababawi pa at ang solusyon lang ay “sorry” o kaya ang pag-aming nagkamali ka ng send.. Mahirap gamitin ang buhay pag wala kang load (pera) wala kang baterya (may sakit).. Oo mahirap pero pwede mo pa ring gamitin kung titiyagain mo lang at pahahalagahan.. Wala ring gustong pinakikialaman ang cellphone nila kung hindi importante tulad ng pribadong buhay ng tao.. Dahil ang cellphone tulad din ng buhay, sa isang pagkakamali’t iglap, ay pwedeng mawala sa atin.. Pwedeng-pwede ka gumamit ng malinis na cellphone at pwede rin namang mamihasa sa madumi mong cellphone. Isipin mong may cellphone ka pero di mo magamit dahil iba ang kumocontrol at gumagamit nito tiyak mabubulong mo sa sariling “ano ako robot?”. Tandaan, hindi lang ikaw ang may cellphone.. Dahil walang silbi ang cellphone mo kung wala kang ka-text.. Ano pang silbi ng buhay mo kung ikaw lang ang mag-isa sa mundo?

 

-metaporista

(06-15-11)

0 thoughts on “Ang cellphone pala ay parang buhay ng tao

  1. at huwag kakalimutan, sa madalas na pag gamit, kailangan din nating mag charge. 😀

    napaka-gandang paghahambing,tol met. kamusta ka? ingat!

  2. Nung minsang masira ang cellphone ko parang balewala lang kasi naitabi ko pa naman yung sim card, lalo pa’t naka-save dun lahat ng importanteng contacts ko. Kaso lang yung sim card nadukot kasama ng wallet ko. Nakakapanghinayang na nawalan na ako ng komunikasyon sa isang babaeng ka-textmate ko. Siya pa naman yung tipo na lagi kong napaghihingahan ng problema.

    Minsan na rin akong natutukan ng baril ng dahil sa cellphone. Buti na lang alerto ako at tinabig ko palayo ang baril, nasapak nga lang ako. Parang buhay nga lang talaga. Maaaring masira, mawalan ng saysay, nakawin at bawiin.

    Ingat lague pare. 🙂

    1. agree ako s apag kakahambing moh….

      pag nawalan nga tau ng cellphone ang unang unang gusto nating kunin ay ang sim card nito, dahil dun naka store lahat ng mga contacts natin…

      kumusta ka na?

      ingats palagi….

  3. Ang Cellphone ay sumisimbolo rin ng katayuan ng tao, Kung naka BB at iPhone4 ka – tiyak nasa mayamang antas ka, Kung gamit mo pa ay may antenna, mga units na 5210, 2210, 3310, etc. -nasa katamtaman at mababang uri ng antas ka. Meron namang mapagpanggap na mga ilusyonada tulad ng mga China Phones at Copy Cats – sila ay mga sakit sa ulo ng lipunan tulad nga mga manloloko, sinungaling atbp.

    – Napadpad lang po. Haha 🙂

  4. ang cellpohone kasi pwede naman natin yan iwasan at kung tapos n kayo sa pag aaral gawin niyo n ang lahat ng dapat mong gawin

    ingat lague:}:}

Leave a Reply