HAMPAS

Angstorynyo.blogspot.com
Pic by Chris Herald De la Paz

Hampas

ni

Metaporista

Panindang nakasabit, laruang nakalawit

Nanukso sa ilang batang subukang mangupit

Nagpumilit na iwasan ang pagkaka-inggit

At sa murang edad ay natuto nang pumikit

“Laruang nakasabit, di ko na makakamit..”

Sambit ng paslit na may singhot at luhang bitbit

Kasabay nang pamimilipit ng tiyang masakit.

Ngunit bakit  ang iba’y  tamis at hindi pait?

Ngiti ang kanilang baon at di pagmamalupit?

Mag-asawang nagsumikap, nagplano’t nag-isip

Tiniyak na anak nila’y may makakai’t madadamit

Sa doktor ay madadala sa tuwing magkakasakit

Karapatang edukasyo’y kan’lang maisusukbit

Buhay nila’y di paglalarua’t isasabit

    –

Munting laruan nga’y kanilang pinagkakait,

Ang ngiti ng bata’y naging bigas at pang-hithit

Mang-aaway, maninisi at t’yak mananakit

Pag pinilit, kinulit at pag iyong ginalit

Latay sa balat ang tiyak na daling ikakabit!

Munting mga kamay na laruan sana’ng bitbit

Imbis na ang pasko, ang hampas mo ang sumapit.

______________________________________________________________________

Tulang lahok sa patimpalak ng Saranggola Blog Awards 3

Tula para magulang na tinuring na isang laro ang buhay pag-aasawa at tinuring na laruan ang kanilang mga anak.

0 thoughts on “HAMPAS

  1. ang hirap isipin na walang choice ang mga bata sa bawat pagkakataong ipinapanganak sila mula sa mga magulang na walang pagmamalasakit at iresponsable. dati, alam natin ang kasabihang walang ama o ina ang makatitiis sa anak.

    pero nagbabago nga yata ang panahon maging ang mga lumang kasabihan.

    goodluck sa sba,tol met!

    ps. makahulugan sa lahat ng anggulo yung bata sa larawan.

  2. this is brilliant! ^^.
    and very true.
    sana (fingers crossed) na before magluwal ang mga parents ng baby, isipin muna nila kung kaya nila mabigyan ng hindi man marangyang buhay pero ung may makain, matirhan at mapagaral.

    goodluck! u did a great job here!^^,

Leave a Reply