Kuntento ka na ba sa buhay mo?



 

 

 

gluttony

 

 

Habang nasa review center, napag-usapan namin ang mga plano sa aming magiging buhay. Ang iba ay nagbabalak agad mag-masters o panibagong degree, ang iba nagbabalak agad na magtrabaho para kumita at makatulong sa kanya-kanyang pamilya, ang iba magtatayo ng negosyo at ang iba automatic daw na ABROAD. Ilan din ang nagbalak na lumusong agad sa pag-aasawa at ilan sa kanila ang nalulunod na ngayon.

 

Masarap daw ang mamuhay sa Filipinas. Wala naman sigurong kokontra doon. Pero syempre, masasabi lang nating masarap mamuhay  sa bansa natin pag may sapat o labis na perang panggastos, magandang trabaho o negosyo, masaya ang samahan ng pamilya at payapa`t ligtas ang tirahan. Pero kung magpapakatotoo tayo, isa lang talaga ang pinaka-magandang dahilan para tumira sa filipinas : PERA. Tapos ang usapan.

 

Kinakapos ang karamihan sa atin dahil sa kung anu-anong kadahilanan. Kesyo mababa ang sahod, kesyo corrupt ang gobyerno, kesyo mahal ang gasolina, kesyo hawak pa rin daw tayo ng amerikano sa leeg, kesyo illuminati agad lahat ng mayaman at kesyo dalawin daw tayo ng kalamidad, sakuna at terorista.

 

Ang kakuntentuhan ay isang malaking factor sa pag-unlad kung iisipin ngunit isa rin itong malaking dagok kung susuriin.

 

Kapag naging kuntento na ang tao na mabuhay lang sa mundo, walang magiging pag-unlad at pagbabago. Dati, sapat na ang magkaroon ng tanim at alagang hayop sa bakuran para mabuhay. Noon, nakakain naman na ang mga gulay kahit walang vetsin at ginisa mix. Noon nabubuhay naman tayo ng pag-iigib lang sa balon at hindi na kailangan ng sistematiko at magastos na water, plumbing at drainage system. Noon nabubuhay naman tayo ng walang computer at internet. Noon ay hindi naman kailangan ng de-makinang sasakyan na magastos sa gasolina at langis. Noon hindi na kailangan ng baril para igalang ka sa pagbabantay sa iyong bayan. Pero ngayon, lahat ng yan ay nabago dahil HINDI nakuntento ang mga tao noon. Patuloy silang naghanap ng paraan para mapadali at mapasarap ang buhay ng lahat.

 

Nagiging masama rin naman minsan pag wala tayong kakuntentuhan. Nag anak ka na ng 12 at gusto mo pang dagdagan kahit wala ka namang permanenteng trabaho. Nagtrabaho ka ng 16 hours dahil busy sa trabaho pero dinagdagan mo pa ng 5 hours dahil gusto mong yumaman agad ng sobra. Nanalo ka na sa sugal pero ayaw mo pang tumigil hanggang sa maubos lahat ng napanalunan mo. Nakakasama rin ang kahayukan, kabakawan at kagahamanan. Hindi maiiwasang mag-iba ang tingin ng iba sayo kapag nakikipag-agawan ka sa pagkain kahit naka 2 balik ka na ng pagsandok.

 

Normal daw sa tao ngayon ang hindi pagiging kuntento sa mga bagay-bagay. Ang iba ay nag-aabroad dahil hindi kuntento ang kinikita sa filipinas. Hindi sila kuntento  na mapagraduate ang kanilang anak sa kung saang eskwelahan lang kaya todo kayod kahit mapalayo sa pamilya.  Ang iba ay kuntento na sa itlog at gulay araw-araw pero nung nagkaroon ng unting grasya ay bibili agad ng baka at baboy. Dati ay kuntento na sa pag-commute sa jeep tapos nagkaroon lang ng konting pera ay gusto na agad bumili ng kotse o kaya ay bumili agad ng bahay.

 

Sumusunod at nag-aadvance daw ang kakuntentuhan ng tao sa natatamong talino, pera at kapangyarihan. Pag kumikita ka ng P12,000 a month, sapat na yan pang upa at pangkain pero medyo tipid lang. Pero pag napromote ka at naging P15,000 a month na ang sweldo ay natututo ng mag jollibee thrice a month. Pag naging P20,000 a month na, natututo ng mag Kenny Rogers, Tapa King, Starbucks at Sbarro. Isipin na lang natin ang matitipid mo kung kumikita ka na ng P20,000 a month at kuntento ka pa rin sa itlog at gulay.

 

Isa yan sa problema nating mga pinoy kaya walang maipon ang iba. May maganda ngang trabaho, magastos naman. Nasa abroad nga, magastos naman. May sarili ngang negosyo, magastos naman. Uulitin ko, normal lang na hindi tayo makuntento pero pag wala tayong limitasyon, baka mauwi lang sa wala lahat ng pinagpawisan mo.

 

Hindi lang pera ang makakapagpasaya sa pamumuhay natin. Isa lang siguro yun. Pero kung kapalit ng pagyaman ay pagpapabaya sa sariling anak, pangloloko sa kapwa at pagtatrabaho ng hindi mo naman gusto, hindi ka rin sasaya masyado.

 

Wag tayong makuntento at magsasawa sa pagpapaunlad at pagtuklas ng karunungan.

Pero kasabay nun ay makuntento tayo at mamaluktot hanggang kaya natin.. para makapag-ipon.

 

Kung ano man ang mapili mong landas, mag masters ka man o magtrabaho o mag-asawa agad, OK lang yan kung tingin mong yan ang makakapagbigay ng kakuntentuhan sa buhay mo. Minsan kasi, isang mabuting kaibigan lang ay buo na ang ating buhay. O kaya isang minamahal na tapat lang ay ok ka na. Minsan ay isang halik lang sa pinaka-iidolo mong artista ay pwede ka ng mamatay. Malalaman mo na lang na wala ka na pala masyadong kailangan idagdag o gawin sa buhay mo… At itutuon mo na lang ang buhay mo sa pagtulong sa iyong pamilya at sa iba na maabot ang kakuntentuhan nila sa buhay.

 

Pag busog ka na. Tama na. Ibigay mo na sa iba.

 -Metaporista

 

0 thoughts on “Kuntento ka na ba sa buhay mo?

  1. Isang malaking “tsek” ka dyan Kuya. Sa kabila ng pag-asenso sa buhay ay kasabay din nagbabago ang lifestyle kaya kahit na tumaas na ang sweldo ay maintaining balance lang ang nasa account.

    Kung noon solve na ako sa isang platong pancit canton at isang nilagang itlog, ngayon ay ganun pa rin naman! Hindi pa rin nagbabago. ^_^

  2. Problema ko ‘to ngayon. Kaso mas malaki ang problema ko kasi ako hindi lumalaki ang sweldo ko pero lumalala ang mga luho ko hahaha! Patay tayo jan. Kaya nitong mga nakarang araw nagiging hobby kong paulit-ulit itong basahin. Nakakatulong na magising ako e.

    http://www.rappler.com/move-ph/ispeak/30442-5-money-mistakes-20-somethings-should-avoid

    At ngayon dahil nasaba ko itong post mo, ibu-bookmark ko na rin ito at palagi kong isasampal sa mukha ko kapag medyo dumudulas ako. Masarap kasi maging greedy, masarap yung makuha mo lahat ng gusto mong walang katapusan pero ngayon ko nare-realize na mali iyon at dapat mas masarapan ako sa pagiging kuntento. Babalik na ako sa pagiging simpleng tao, susubukan ko. Kasi mahirap masyadong mapamahal sa mga materyal na bagay. Nakakatakot.

    Naaalala ko yung lyrics sa kanta ng Marina and the Diamonds…

    “Primadonna girl, yeah
    All I ever wanted was the world
    I can’t help that I need it all
    The primadonna life, the rise and fall”

    Napapadalas ang pagpadpad ko sa mga ganitong posts, dapat na ata akong gumising hahaha!

    Magandang araw, busog na po ako!

Leave a Reply