Alamat ng Butiki



common-wall-lizard-2531Source: http://www.naturephoto-cz.com

ALAMAT NG BUTIKI

 

Minsan sa isang kaharian may isang prinsesang pinagkakaguluhan.

Ang kanyang ganda’y walang kaparis at tunay na di mapapantayan nino pa man!

Nagkaroon ng paligsahan upang mapag-alaman

kung sinong lalaki ang dapat niyang pakasalan.

Marami ang sumali at nakipaglaban

iniwan ang kani-kanilang trabaho sa pagnanasang dapuan ng kaswertehan.

Natapos ang araw at napagpasyahan

Ang nanalo’y walang iba kundi ang binatang si Juan!

Nguni’t dala ng pag-aalinlangan,

Ang prinsesa’y humiling ng isa pang kahilingan.

“Juan? Ako ba’y minamahal mo ng lubusan?

Iibigin mo ba ako’t habang buhay na pagsisilbihan?

Dalhin mo ang puso ng iyong Ina upang iyong mapatunayan!”

Dagling umuwi si Juan at ang Ina ay pinuntahan.

Siya’y tahimik na naglakad at ang kanyang mahal na Ina ay sinunggaban!

Pikit matang tinapyasan ang dibdib hanggang tiyan!

Ang puso ay dinukot at isinilid sa lalagyan!

Nagmadali siyang tumakbo pabalik sa kaharian

Ngunit siya’y nadapa! At nalaglag ang lalagyan!

Ang puso’y gumulong at agad niyang nilapitan

Biglang may boses na kanyang napakinggan

“Anak, masakit ba? Anak, Ayos ka lang?”

Gumuhit ang kidlat mula sa kalangitan

At si Juan ay agad na tinamaan!

Siya’y naging butiki na walang kabuluhan!

Huli na ang pagsisi upang siya’y mabigyan

Ng kanyang hinihingi na kapatawaran

Kaya paghalik sa lupa ang tanging paraan

Upang ang Ina na minsan’y gumulong

ay kanyang muling mahalikan.

 

Metaporista

 

(Source: Lola Yumi & Pot)

 

0 thoughts on “Alamat ng Butiki

  1. Magcocoment lng po. Magaling magaling. Ang sulat ni Yolanda ay nakakagising. Halatang ngresearch ka pa para ipunin ang mga inpormasyon. Hndi nga lng nabangit ang bidang Villiamor ladies at DSWD.hehe
    indeed nkakatuwa

Leave a Reply