Panahon ng Tamang Pagbunot (Moral Story)



Image

Panahon ng Tamang Pagbunot (Moral Story)

 

Isang araw naglakbay ang mag-ama sa kagubatan.

“Bunutin mo nga ang dahon ng gumamela na yan” sabi ng tatay.

Nabunot ito ng bata ng walang kahirap-hirap.

Tinuro naman ng tatay ang isang tumpok ng damo at pinabunot niya ito.

Nabunot ito ng bata ngunit medyo nahirapan.

Tinuro naman ng tatay ang isang maliit na puno ng saging na papalaki pa lang at pinabunot niya ito.

Nabunot ulit ng bata pero pinawisan siya ng sobra at halos maubusan siya ng lakas.

Tinuro naman ng tatay ang malaking puno ng mangga at pinabunot niya ito.

Sumagot ang bata ng “Tay imposible namang matanggal ko yun!”

Tumawa ang tatay at nagpaliwanag

“Anak, gaya rin ng masamang ugali yan.. Kapag maliit pa lang ang bata at pinutol mo na ang kanyang masamang gawa at pananalita madali pa itong mabunot.. Pero pag nakalakihan na niya iyan ay kahit ano pa ang gawin mo ay hindi mo na iyon matatanggal sa kanya”

– ni Metaporista

0 thoughts on “Panahon ng Tamang Pagbunot (Moral Story)

Leave a Reply