Ang Sunog na Sinaing (Moral Story)




Pic from http://dregm.wordpress.com/
Pic from http://dregm.wordpress.com/

Ang Sunog na Sinaing (Moral Story)

Isang gabi, umuwi ang tatay ng isang bata at dumiretso ito sa sofa para humiga dahil sa sobrang pagod.

Nagmadali naman ang nanay ng bata na maghain upang makakain ang kanyang mister pero dahil sa dami ng inaasikaso ay nasunog niya ang sinaing.

Pagka-upo nila sa lamesa ay humingi ng pasensiya ang misis sa kanyang asawa dahil sa sunog na sinaing.

“Ano ka ba? Yan nga ang paborito ko diba dahil yan ang bagay sa ulam na may sabaw.” Paliwanag ng tatay sabay ngiti.

Pagkatapos kumain ay humiga na ulit ang tatay sa sofa at nilapitan siya ng kanyang anak at nagtanong.

“Paborito mo ba talaga ang sunog na kanin?”

Sumagot ang tatay.

“Anak, hindi lang naman ako ang pagod galing sa trabaho kundi pati ang nanay niyo. At wala naman dapat na masaktan dahil lang sa minsang sunog na sinaing.”

Paliwanag:

Unawaan lang dapat lagi sa mga mag-asawa. Minsan sa simpleng pagpapaubaya o pagpapalipas ay mapapakita natin ang ating malawak na pang-unawa. Mas lalo ka nilang mamahalin. Makikita kasi nila na sulit na ikaw ay pasayahin.

-Metaporista

0 thoughts on “Ang Sunog na Sinaing (Moral Story)

Leave a Reply