Ang Mangkok na Kahoy (Moral Story)



Mangkok na kahoy
Mangkok na kahoy

Ang Mangkok na Kahoy (Moral Story)

Isang gabi, naghahapunan ang mag-anak. Naka-upo  sa mesa ang lolo, tatay, nanay at anak na 5 years old.

Habang kumakain sila ay nabagsak ng lolo ang kutsara habang sinusubo ang kanin. At maya-maya ay nabasag naman niya ang mamahaling babasaging mangkok at nagkalat ang sabaw at kanin sa kanilang sahig. Palagi itong nangyayari dahil malabo na ang mata ng lolo at nanginginig din ang mga kamay.

Sumigaw ang tatay

“Ano ba naman yan! Sawang-sawa na ako sa kakalinis ng mga nababasag niyo! Kakapulot at palit ng kutsara niyo ! Ang dami niyo na ring nasasayang na pagkain! Mabuti pa ay kumain na lang kayo sa mangkok na kahoy at doon kayo sa sulok ng sahig kumain sa susunod.”

Kinabukasan ay doon na nga kumain ang lolo sa sulok ng sahig gamit ang mangkok na kahoy habang ang tatay, nanay at anak ay kumakain sa lamesa.

Pagkalipas ng isang linggo ay nakita ng tatay na may bitbit na kahoy ang kanyang anak at iba pang gamit.

Tinanong ito ng tatay.

“Anak, para saan yan?”

Sumagot ang bata “Tay, gagawa po ako ng mangkok na kahoy para sa inyo ni nanay para may kainan kayo pagtanda po ninyo”

Tumulo ang luha ng tatay at agad na humingi ng tawad sa lolo at muli ay sinama na nila siya sa hapag-kainan bitbit ang pang-unawa at mas maalab pa na pagmamahal.

Paliwanag:

Pagtiyagaan ang mga nakakatanda. Mahalin sila at alagaan gaya ng pag-aalaga nila sayo nung sanggol ka pa lang at halos di padapuan sa lamok. Ang unang utos na may gantimpala ay ang pagsunod at pagmamahal sa magulang. Lumingon ka sa iyong pinanggalingan kahit gaano ka pa kabusy sa iyong buhay. Baka di mo na sila nakakamusta. Kailan pa nung huli mo silang mahal mo sila?

-Metaporista

0 thoughts on “Ang Mangkok na Kahoy (Moral Story)

Leave a Reply