Limang Minuto (Moral Story)



bench-fall-leaves-park-hd-wallpaper

Limang Minuto (Moral Story)

Isang araw, may babaeng umupo sa tabi ng isang lalaki.

“Yun nga pala yung anak ko. Yung lalaking naka-stripes na green.” sabi ng babae.

“Yun naman yung anak ko. Yung babaeng naka-pink na nagbabike.” sagot naman ng lalake sabay tingin sa kanyang orasan at tinawag na ang kanyang anak para umuwi.

Sumagot ang kanyang anak — “Papa, 5 minuto na lang pleaseeeee”

“O sige, 5 minuto at uuwi na tayo ha.” sagot ng tatay.

Pagkalipas ng 5 minuto ay tinawag niya ulit ang kanyang anak.

“Papa, please last na 5 minuto na lang talaga” pakiusap ng kanyang anak.

Sumagot ang tatay – “Ok, sige anak.”

Nagtaka ang babaeng katabi niya at nagtanong sa kanya.

“Napaka-mapasensyoso mo namang tatay.” Sambit ng babae habang nakangiti.

Sumagot ang lalaki –

“Alam mo, may anak akong lalaki na nasagasaan ng lasing na driver ng truck habang nagbabike sa kalsada. Hindi ko siya laging nakakasama dahil sa trabaho.. Ngayon, kahit ano pa ang kapalit ay ibibigay ko para lang makasama ko siya ng limang minuto. At simula noon, nangako ako na hindi iyon mauulit sa natitira kong anak. Akala niya ay nakakalamang siya pag humihingi siya ng dagdag na limang minuto. Ang totoo nun, ako ang nakakalamang dahil limang minuto pa ang nadaragdag para mapanood ko siyang nakangiti, malaya at masaya.”

Paliwanag:

Sulitin ang bawat sandali na kasama mo ang mga mahal mo sa buhay. Hindi mo alam kung kelan sila mawawala o kung kelan sila mahihiwalay sayo. Ipakita mo ang pag-ibig mo at dapat laging bukas ang puso mo sa pagpapatawad.

Metaporista

Leave a Reply