Ang Batang Hardinero (Moral Story)



Hardin
Hardin

Ang Batang Hardinero (Moral Story)

Isang araw, may batang nakitawag sa payphone ng isang sari-sari store. Nilapag niya ang kanyang 5 piso at inilabas ang papel na may nakasulat na numero at tinawagan niya ito. Ang may-ari ng tindahan ay nasa tabi lamang ng bata dahil nag-aayos ito ng mga resibo at naririnig niya ang kanilang usapan.

Bata: Hello mam, pwede niyo po ba ako bigyan ng trabaho? Ako na lang po ang magtatabas ng damo at halaman ninyo.

Mam: Ah pasensya na pero meron ng nagtatabas ng damo at halaman ko.

Bata: Mam! Magaling po ako at kalahati lang ng ibinabayad niyo sa inyong hardinero ang sisingilin ko!

Mam: Kuntento na ako sa aming hardinero at hindi ko siya ipagpapalit

Bata: Mam! Lilinisan ko na rin po ang buong paligid ng inyong bahay pati ang bubong para araw-araw na kayo ang may pinakamaganda at malinis na bakuran! Parang awa niyo na po!

Mam: Ah hindi na. Tiwala na kami sa aming hardinero at magaling kasi talaga siya. Bye.

Binaba na ng bata ang telepono at lumakad na ito papalayo nang bigla itong tawagin ng may-ari ng tindahan.

May-ari: Bata, narinig ko ang usapan niyo at napahanga mo ako sa hindi mo agad pag-suko. Kung gusto mo, dito ka na lang mag-trabaho sa akin at gagawin kitang hardinero.

Bata: Ah hindi na po.. Salamat na lang po..

May-ari: Akala ko ba gusto mo ng trabaho? Nagmamakaawa ka nga kanina ah.

Bata: May trabaho na po ako. Gusto ko lang po malaman kung masaya sila sa resulta ng aking trabaho. Ako po yung hardinero nila.

Paliwanag:

Minsan tanungin mo ang sarili mo. Kung may tungkulin na inatang sayo ay nagagawa mo ba ng maayos? Reality check lang. Baka mamaya ay sumusobra ka na pala sa panlalamang o sa pag petiks. Kung gusto mo mapaangat o mapabuti ang sarili mo, magsikap ka pa lalo. Baka mamaya hindi na masaya ang asawa mo at napipilitan na lang ngumiti dahil sa laki ng mga pagkukulang mo at pagpapabaya mo sa kanya at sa inyong mga anak.

Metaporista

0 thoughts on “Ang Batang Hardinero (Moral Story)

Leave a Reply