Ang Baldeng May Biyak (Moral Story)



Taga-igib
Taga-igib

Ang Baldeng May Biyak

May isang binata ang nag-iigib sa ilog araw-araw para dalhin sa bahay ng kanyang amo. Mayroon siyang dalawang balde at mahabang kahoy na kanyang isinasampa sa kanyang balikat.  Ang isang balde ay may biyak kaya kalahati na lamang ang natitira pagdating sa bahay ng kanilang amo. Ang isang balde naman ay walang biyak at perpekto kaya buo lagi ang kanyang naibibigay sa kanilang amo.

Isang araw ay kinausap ng baldeng may biyak ang taga-igib habang nagpupuno ito ng tubig sa ilog.

“Pasensya ka na ha.. Nalulungkot ako dahil sa loob ng dalawang taon mong pag-iigib, laging kalahati lang ang naibibigay kong tubig.. Palitan mo na lang ako para marami kang maigib at makatipid ka ng oras sa pag-iigib..”

Tumawa ang taga-igib at sumagot na –

“Mamaya habang papauwi tayo, tingnan mo ang mga madadaanan nating magagandang bulaklak. Ok ba?”

Habang naglalakad sila pauwi ay pinagmasdan ng baldeng may biyak ang mga bulaklak at natuwa siya ngunit pagdating sa bahay ng kanilang amo ay nalungkot nanaman siya dahil kalahati lang ang natira sa kanyang tubig.

“O nakita mo ba yung mga bulaklak na dinaanan natin?” Tanong ng taga-igib. “Alam mo bang pag binibitbit ko kayong dalawa ay lagi kang nasa kanan. At alam mo ba na sa kanan lang tumubo ang pinakamagagandang  bulaklak? Gumanda sila dahil lagi mo silang nadidiligan. Sinamantala ko ang pagkakataon at nagtanim ako ng buto ng bulaklak dahil alam kong makakatulong ang tubig na binibigay mo sa kanila. At kung hindi dahil sa tulo ng iyong tubig ay walang magaganda at sariwang bulaklak sa lamesa ng ating amo na lagi niyang ipinagmamalaki sa kanyang mga bisita.”

Paliwanag:

Minsan sa buhay natin, may nagagawa tayong mali at lubos tayong nalulungkot, nadidismaya at nadedepress. Kung ano man ang dumating sa ating pagkabigo, damdamin mo pero wag mong patagalin. Move on sa buhay dahil malayo pa ang lalakbayin mo. Harapin mo lagi ang bukas na may panibagong pag-asa at pagkatuto sa ating mga pagkakamali. Akala natin wala tayong silbi at nawawala na ang confidence natin sa ating sa sarili. Pag dumating ang mga panahong yun, tumingin ka lang sa mga bulaklak na nakapaligid sayo. Sila yung mga kapamilya mo at kaibigan mo na nagiging dahilan kung bakit naihahakbang mo pa ang iyong paa at nakakapagpatuloy ka pa sa pagbangon araw-araw.

Metaporista

Leave a Reply