Best of Porkchop Duo Jokes Compilation (Warning: Mature Audience Only)



Choppy and Porky

Ang Porkchop Duo ay isa sa pinakakilalang Stand-up comedian sa Pilipinas. Malamang ay hindi na sila naabutan ng mga kabataan ngayon. Natabunan na nga sila ng pinilakang tabing pero marami pa rin naman ang patuloy na nakakaalala sa naiwan nilang mga patawa. Ang katunayan, kahit paulit-ulit lang naman halos ang kanilang mga linya ay nakakatawa pa rin sila at lubhang hindi rin maipagkakaila ang kanilang talento sa pagkanta. Pinanganak at laking Tondo sina Romeo G. Vargas aka “Choppy” at Renato P. Gomez aka “Porky” (Yung Chubby). Ang mga compilation ng joke sa ibaba ay ilan lamang sa mga tumatak sa mga Filipino na nakaabot ng kanilang kasikatan sa 34 bansa na kanilang napuntahan.

Ang kanilang website ay makikita sa link na ito porkchopduo.com at nagkalat din naman ang kanilang link sa youtube kaya madaling balikan ang kanilang mga pagpapatawa. Tandaan ang kasabihan na “Laughter is the best medicine”.

Life after death

Choppy: Halimbawang mamatay ka, two things may happen to you

Porky: Ano yun?

C : Pwede ka maging alabok ng lupa o pataba ng lupa. Pag ikaw ay naging alabok ng lupa masuwerte ka. Liliparin ka ng hangin – free trip around the world hangga`t may hangin at pag ikaw naman ay naging pataba ng lupa two things may happen to you.

P : ano yun?

C : Pwede ka maging magandang bulaklak o maging matayog na punong-kahoy. Pag naging bulaklak ka, masuwerte ka – hahalikan ka at aamuyin ng magandang dalaga at kung ikaw naman ay maging punong-kahoy two things may happen to you again.

P : Ano yun?

C : Pwede ka maging tabla o pwede ka maging papel. kapag naging tabla ka maswerte ka dahil ikaw ay magiging pundasyon ng naglalakihang gusali gaya ng sa Makati at kung ikaw naman ay maging papel, two things may happen to you again.

P : anu-ano?

C: Pwede ka maging papel na sulatan o toilet paper. Pag naging papel na sulatan ka, maswerte ka dahil isusulat sayo ang magandang tulain, awitin pati na ang saligang batas. Pag naging toilet paper ka naman, two things may happen to you again.

P: Ano yun?

C : Pwede kang gamiting pamunas ng babae sa likuran o sa harapan. Pag ginamit ka sa likuran maswerte ka dahil konti na lang ay malapit ka na sa langit-langitan at pag ginamit ka naman sa harapan ay pinakamaswerte ka dahil doon mo masasabi na there is happiness after death!

P : Wow! Ang sarap pala mamatay!

C : Pero pansamantala lang yun. Dahil pag flinush ka na doon na magsisimula ang impyerno mo!

Magaling na doktor

Porky : Minsan nagpacheck-up ako sa doktor sumakit yung balakang ko. Sabi ko may nararamdaman ako. Sabi niya umihi daw ako sa botelya at ibigay ko sa kanya. Sabi ko “Dok paiihiin niyo agad ako hindi niyo pa ako nachecheck-up”. Sabi niya basta daw umihi ako. Pagbigay ko, sabi ng Doktor “Kelan pa tong sakit mo sa balakang?”

Choppy : Grabe ihi lang nalaman na agad ang sakit mo sa balakang?!

Porky : Oo nga e! Ang galing talaga pero naisip ko baka nakatsamba lang. Kaya nung sumakit yung tuhod ko, bumalik ako ulit. Ang ginawa ko, umihi na ako sa botelya tapos kinuha ko yung ihi ng anak ko sa arinola tapos yung sasakyan ko na tumutulo ang langis, kinuhanan ko rin at hinalo sa bote. Tapos heto na, dumaan na ako sa doktor sabi ko “Dok may nararamdaman ako ulit” sumagot siya “May dala ka bang ihi?” Sabi ko “Yes Dok” sabay abot.

Choppy: O e di hindi na nahulaan?

Porky: E nahulaan pa rin e.

Choppy: Anong sabi?

Porky: Sabi “Yung rayuma mo delikado na yan tapos yung anak mo 3 buwang buntis i-pacheck up mo na at yung makina ng sasakyan mo ipachange oil mo na kakatok na ang makina ng sasakyan mo!”

Pedrong Sakristan sa Simbahan

Porky : Dati may kwento sa simbahan. Si Pedro nangupit ng 50 pesos habang nangongolekta ng kontribusyon. E sakto nakita nung Pari. Ang ginawa nung pari pinaiwan si Pedro pagkatapos ng simba. At nung wala nang mga tao, pinasama siya ng Pari sa confession room. Tapos ayun na, nakaupo na sila pareho.

Pari: Ngayon Pedro, wala ka bang ikukumpisal?

Pedro: Ha? Wala naman akong ginawang kasalanan eh.

Pari: Sige na ipagtapat mo na! Magkumpisal ka na!

Pedro: Wala naman akong ikukumpisal at kakakumpisal ko lang nung isang linggo e.

Pari: Talaga bang ayaw mo magsalita?

Pedro : E ano nga ang kasalanan ko?

Pari: Ilabas mo na ang singkwenta pesos na dinukot mo.

Pedro: Ano po?

Pari: Imposibleng hindi mo marinig e screen lang ang nakaharang sa pagitan natin! uulitin ko, ilabas mo na ang singkwenta pesos na dinukot mo!

Pedro: Ano po? Talagang di ko po marinig e.

Pari: Imposibleng di mo marinig!

Pedro: Kung gusto niyo po diyan ako sa loob at dito kayo sa labas.

Nagpalit na sila ng pwesto

Pedro : O ngayon, sabihin niyo nga po kung naririnig niyo ako. Sino yung babaeng lumabas sa kwarto niyo kagabi?!

Pari: Tama ka nga Pedro! Talaga palang di marinig dito!

Meralco Collector

Choppy: Meron akong barkada na collector ng Meralco sa subdivision. Kumatok siya sa malaking bahay. Pagkatok niya naka nighties lang yung babaeng sexy at maganda. Nagpakilala siya bilang isang collector.

Collector: Ako po yung collector ng Meralco. Overdue na po kayo at kailangan ko na po kayo singilin.

Babae: Naku, wala pa yung mister ko e. Kung pwede bumalik ka na lang bukas.

Choppy: E di bumalik kinabukasan yung kabarkada ko. Kumatok ulit tapos pinagbuksan siya ulit nang pinto nung babae ngayon naman naka panty at bra na lang.

Collector: Mam, kailangan ko na pong kunin ang bayad ninyo baka po maputulan na kayo.

Babae: Naku, wala pa yung mister ko e. Kung pwede bumalik ka na lang bukas.

Choppy: E di bumalik yung tropa ko kinabukasan. Pagkatok niya, panty na lang ang suot nung sexy at magandang babae at walang bra!

Collector: Mam alam ko na ang sasabihin niyo, wala pa rin ang mister niyo at babalik na lang ako kinabukasan.

Choppy: Inunahan niya na agad yung babae tapos maaga siya bumangon. Alam niya na daw ang mangyayari kasi nung unang araw naka-nighties lang tapos kinabukasan ay panty at bra lang tapos kinabukasan ay naging panty na lang at walang bra. Kaya kinabukasan pumunta siya dun sa bahay nung sexy at magandang babae at tumayo sa tapat ng pinto nung babae pero bago siya kumatok, hinubad niya yung pantalon niya tapos binaba yung brief tapos hinawakan niya yung sandata niya at tinutok sa pinto tsaka siya kumatok. Bumukas yung pinto.

Porky: Naku e di nakahubad na rin yung babae?!

Choppy: Ay hindi! Lumabas yung lalaki na asawa nung babae. E ang laki ng katawan tapos sumigaw “Bakit anong kailangan mo?”

Porky: Naku lagot!

Choppy: hindi makakibo yung kabarkada ko. Tinatagan niya yung loob niya at naka-isip siya ng paraan. Sinigawan din niya yung lalaki “Pag di kayo nagbayad, iihian ko ang bahay niyo!” Ayun nakalusot!

Human Anatomy

Choppy : Porky nung estudyante ka ano ang paborito mong subject?

Porky : Ah yung Human Anatomy ang pinaka-paborito ko

Choppy : Kung talagang paborito mo yun magtatanong ako patungkol dun kailangan masagot mo.

Porky: Oo kaya kong sagutin yan basta Human Anatomy.

Choppy : Ok. Simulan na natin. Ano ang brain?

Porky : Yan ang ginagamit natin sa pag-iisip.

Choppy : Magaling! mukhang may alam ka nga talaga. Ano naman ang heart?

Porky : Yan ang nagbibigay ng buhay sa lahat ng parte ng katawan natin.

Choppy: Mahusay ka pala Porky. E ano naman ang Vagina?

Porky: Ah e diba lugar yun sa Amerika?

Choppy : Hindi. Virginia naman yung sinasabi mo e. Dali sagutin mo.

Porky : Hmmmmm… ahmmm. teka.. teka lang ha.. hmmm nasa dulo ng dila ko yun kagabi e!

Ano sa hapon ang..?

Ano sa hapon ang dahon?

Honda

Ano sa hapon ang uod?

burate

E ang ahas?

maraking burate

Ano sa hapon ang is this your car?

Otomoto?

Ano sa hapon ang is this your car?

otokoto?

Ano sa hapon ang is that your noodles?

Mikimoto?

Ano sa hapon ang kalbo?

Bembol roko

Ano sa hapon ang baboy?

Kamokamo

Ano sa hapon ang pogi?

kamokako

Ano sa German ang..?

—————————————–

Ano sa German ang Chokolate?

Vanhoutten

Ano sa German ang bakla?

Sipsiphouten

Ano sa German ang matandang dalaga?

Takotsahouten

Ano sa German ang matandang binata?

Laylaynahouten

Ano sa German ang playgirl?

Opensahouten

Ano sa German ang hostess?

Sawasahouten

Ano sa German ang biyuda?

Sabiksahouten

Ano sa German ang tomboy?

Walanghouten

Ano sa German ang dalaga?

Bitinsahouten

Ano sa German ang buntis?

Dahilsahouten

E nakapanganak na?

Baliksahouten

Ano sa German ang madre?

Galitsahouten

Ano sa German ang pari?

Bigonghouten

Ano sa German ang lalaking nilalayuan ng mga babae?

Bahohouten

Ano sa German ang sugar daddy?

Huthouten

Ano sa chinese ang..?

Ano sa chinese ang magandang gabi?

Koe Lai Ping

Ano sa chinese ang magandang umaga?

Ping Lai Koe

Ano sa chinese ang Washington?

Tonshingwa

Ano sa chinese ang sira ulo?

Wangbu

Ano sa chinese ang hindi na virgin?

Wanglu

Ano sa chinese ang ipakita mo ang aking ina?

Siomai Mami

Leave a Reply