Tayo pala sa huli

Tayo pala sa huli

Tayo pala sa huli

ni Metaporista


Tayo pala sa huli

Panaginip lang dati

Saya`y di maikubli

Biglang napapangiti

Sa isip ay sumagi

Mapalad akong tangi

Sa bait mo at ganda

May papantay pa nga ba?

Wala na, tiyak, wala

Ako sayo`y nagtapat

Ikaw sa aki`y sapat

Kamay nati`y naglapat

Hindi karapa’t dapat

Puno ako ng lamat

Wala akong panapat

Ngunit ako`y nilingap

Ako`y iyong niyakap

Tinupad ang pangarap

Ngayon ay iingatan

Prinsesa ko at santan

Hindi ka iiwanan

Lingid sa`yong kaal`man

Hindi pagsasawaan

Na ikaw ay pagmasdan

Dinig ng kalangitan

Ang aking sinumpaan

Tapat  na walang hanggan

Tayo pala sa huli

Tama ang pakiwari

Para sakin `yong labi


Ito ay lahok para Saranggola Blog Awards 2015 – Kategoryang Tula (Diona)

sa pangunguna ni Sir Bernard Umali

Featured image link from i.telegraph.co.uk

Saranggola 336x280

One thought on “Tayo pala sa huli

Leave a Reply