Isang tagong paraan para iangat ang Antas ng Edukasyon sa Pilipinas

Minsan sa klase namin, tinanong ng prof  yung kaklase naming Persian kung alin ang mas pipiliin niya na iha-hire sa trabaho. Kung yung may 10 years Experience ba o yung matataas ang grade sa school. Nagulat kaming lahat sa sagot niya. Hindi dahil mali ang sagot niya kundi dahil alam niya ang Recto na lungga ng mga pekeng dokumento. Mas pipiliin daw niya ang may experience na 10 years dahil pwede daw magpagawa ng grades. Tama ang sagot, pero hindi niya na kuha yung gustong ipapoint out sa kanya.

Nakapunta ka na ba sa ibang bansa? May Recto din ba sila doon?

Mainit ang usapan ngayon sa korupsyon sa ating bansa. Ika nga ng isang slogan ng isang kandidato sa pagkapangulo, “Pag walang korup, walang mahirap”. Ang korupsyon ay isang klase ng daya. Kasama ba sa kurikulum ng ating paaralan kung paano maging korup? Parang napakadami kasi nilang mahuhusay sa subject na ito. Sana naman walang Master degree in Corruption na inooffer sa mga unibersidad natin.

May ginawang paraan ang gobyerno natin para linisin at maiwasan ang korupsyon sa bansa. Ang Philippine Anti-graft Commission.

Pero sapat na ba yun? Lilinisin lang ba natin sila kung kelan ubod na sila ng dumi. Pwede namang maiwasan yan diba? Ika nga e prevention is better than cure. Pero hindi lang korupsyon ang dapat nating tanggalin kundi ang pinagmulan nito. ang DAYA. Oo, at ito rin ang isang tagong paraan para iangat ang antas ng edukasyon sa pilipinas.

Kung babalikan natin ang Iskul bukol nina TVJ, makikita natin ang mga kalokohang kanilang ginagawa tuwing may pagsusulit. andyan na magpapalaman siya ng kodiko sa sandwich, ilalagay sa medyas, atbp. Kung masasanay ang studyante sa pandaraya, sa tingin niyo ba mapapaghusay nila ang kanilang pagaaral? Magiging tapat na empleyado o empleyo ba sila sa hinharap? Mayroon tayong tinatawag na oral recitation na hindi ginawa para malaman ang may pinakamagandang boses sa klase o kung sino ang pinaka-kabado, kundi , para malaman kung sino ang mga nakaintindi sa pinagaralan.

Ito ang ilan sa mga listahan ng pandaraya na ginagawa sa  school na sa tingin ko ay pwedeng pagmulan. Sana ay basahin ito ng Teacher at Professor sa Buong pilipinas. Kung sakaling mabasa mo ito, pakikopya na lang at ibigay sa kakilala mong Guro.

* Kodiko

  • Kadalang sinusulat sa isang maliit na papel na puwedeng ibulsa at madaling maitago
  • kung sa bondpaper kayo nagsasagot ng exam, sa bond paper na din nila sinusulat ang kanilang kodiko at nilalagay sa last page para hindi halata. Nanakawan na lang nila yun ng sulyap at hindi mo talaga mahahalata.
  • Minsan pinapa-accetate na ngayon ang kodiko at pinapa-reduce ang size. Medyo magastos pero, madali daw nila ito matago dahil clear ito.
  • Iniisteypler nila ang kanilang kodiko sa loob ng laylayan ng kanilang damit.
  • Gumagamit ng cellphone at I-touch o Calculator na programmable.
  • Sinusulat sa Palad at ibang parte ng katawan.
  • Icheck ang loob ng calculator.
  • Nirerecord ang boses sa recorder tas iple-play nila sa kanilang mp3 player habang suot ang earphone na akala mo ay rock n’ roll ang pinapakinggan.
  • Sinusulat ang word na mahirap i-spelling sa desk nila o sa likod ng upuan ng kaklase nila na nasa kanilang harap.
  • Katabi o malapit lang sa kanila ang bag kaya madali nilang mabubuklat ang kanilang lecture notes at makapandaya.
  • Nagbubulungan.
  • Nagpapasahan ng papel. Puwedeng i abot, pwedeng ipaabot at puwede ring ibato.
  • Kukuha lang daw ng bond paper sa bag tapos sisilip na din pala. Pag nakalimutan niya ulit yung sagot, kukuha daw muna siya ng ballpen niya dahil naubusan siya ng tinta, magbubuklat lang pala.
  • Nilalagay ang sagot sa CR. Magpapaalam kung pwedeng mag CR muna saglit dahil puputok na kunyari ang pantog niya.
  • Nangongolekta ng mga Exam ng mga tamad na Professor na ayaw gumawa ng bagong exam. Yun at yun lang din ang binibigay niya sa lahat ng studyante niya.
  • Naninilip ng sagot sa pamamagitan sa pagtago sa ulo ng taong nasa harapan nila.
  • Gumagamit ng sign language o ng hand at sound signal. “Pag kinindatan kita, true yun, pag hindi, false yun”
  • Magpapalate sa exam para makakuha ng tip kung anong lalabas na tanong sa exam.

Solusyon:

  • Bawal ang late sa exam
  • atleast 3 magkakaibang set ang quiz o exam
  • Iarrange sila na parang brick, para hindi sila makakatago sa nasa harap nila or kahit alternate.
  • gumawa lagi ng bagong exam. Kung multiple choice, I reaarrange.
  • Mag CR na sila bago mag exam at ipagbawal ang paglabas.
  • Ipalagay sa harap ang gamit at bawal silang humawak dun hangga’t hndi sila tapos.
  • I-check ang kanilang desk at likod ng upuan.
  • bawal gumamit ng MP3 player, cellphone atbp. pang katulad nito.
  • Icheck ang bulsa at laylayan ng damit.
  • Mag lagay ng hidden cam.
  • Bawal makipagusap sa katabi.
  • I-apply na mahigpit na bagsak na agad sila pag nahuling nandaraya.
  • Wag lalabas ang prof at dapat na magbantay lang. Wag sabayan ng Pagchecheck ng papers o iba pa na makakaapekto sa kanilang pagbabantay.
  • Dapat rumoronda ang prof dahil yung mga nakapwesto sa likod ay makakapandaya ng hindi mo mahahalata.

Napakadaming paraan para maiwasan ang Pandadaya ng mga studyante. Kung mga studyante nga sa school ay hindi maturuan ng pagsisikap at pagiging tapat, paano pa kaya ang mga may kapangyarihan na ngayon. Baguhin natin ang sistema sa pagbabantay sa exam. Minsan, kailangan ng unting higpit para maituwid ang isang balikong bagay. Wag hayaan ng prof na bigyan ng tyansa na makapandaya ang studyante nya. Dapat Ikondisyon na natin sila na hindi talaga sila makakapandaya kaya mas mabuti pang magaral na silang maige. Ang guro ang maghuhubog ng edukasyon ng kabataan. Kung meron mang isang tao na dapat na hindi magkulang sa pagpapatupad ng sistema, sila yun.

-Metaporista

0 thoughts on “Isang tagong paraan para iangat ang Antas ng Edukasyon sa Pilipinas

Leave a Reply