Naranasan mo na bang pag-agawan?

Nakababa ka na ba ng tren sa LRT Jose Abad Station? kung oo, naranasan mo na siguradong mapag-agawan.. Pag-agawan ng mga tricycle driver  na nagaabang sa mga pababang pasahero.. Kung ikaw yung pasahero masarap na pagagawan ka dahil akala mo sikat ka tuwing bababa ka ng tren.. Sa parte naman ng 2 o pataas na bilang ng nagaagawan sayo, isa lang ang matutuwa sa kanila pagkatapos mong mamili at ang mga hindi mo napili ay maghahanap na lang ng iba para kahit papaano ay sumaya at may makain.. Ganito din ang eksena pag pumunta ka ng palengke, pagawaan ng mga cellphone, Dangwa, Department store ng SM lalo na sa bilihan ng medyas at brief at maraming-marami pang lugar. Ok lang sana kung ganito lang kumpara sa nangyari sa pag-agaw kay Helen ni Paris kay Menelaus. Libong barko ang lumarga para lang mabawi siya. Libong buhay ang nawala. Libong tao ang namangha.

Sa buhay, marami ng mga bagay ang permanenteng pinag-aagawan ang mga tao tulad na lang ng ticket sa first day ng Twilight at Avatar. Bus sa mga terminal tuwing magmamahal na araw at magpapasko. 50% off na mga damit sa SM. Spratly Island. at higit sa lahat, ang pinakamataas na upuan sa Pilipinas, ang upuang kasalukuyang inuupuan ni GMA na kahit hindi pa tapos ang termino ng nakaupo ay pinapatalsik na. Nakakaadik daw ang upuan na ito na para bang ayaw mo ng mawala sayo dahil naging parte na ng buhay nila ang kapangyarihan, karangyaan at paggalang na makukuha nila pag-upo dito. Kung sino man sana ang maupo, wag sanang masyadong maadik tulad kay Ninong Marcos na namuno ng 20 taon. Oo nga siguro’t alam niyo na nasa inyong kamay ang pagbabago ng pilipinas pero ang kamay niyo’y mapupudpod at mapapagod din na pag pinagpatuloy niyo pang gamitin ay hindi na maglalabas ng magagandang bunga.

Minsan nang pinag-agawan ng mayayamang bansa ang Pilipinas, alam nating lahat yun. Ngayon, tayo na ang naghahabol ng tulong nila.  ika nga ni Bob Ong..

“..sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e
nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka.”

-Metaporista

Leave a Reply