Kasalanan mo na pag namatay kang mahirap

“Pag pinanganak kang mahirap, hindi mo kasalanan yun. Pag namatay kang mahirap, kasalanan mo yun.”

–Engr. Virgilio “bong” Santos

Madaming mga anak ang ibinubuntong ang kahirapan nila sa kanilang mga magulang. Kesyo, bakit nyo daw hindi muna sila pinaghandaan muna bago sila pinanganak. Kung ba’t daw kasi sa bisyo pa ginagastos ng kanilang  tatay ang pera imbis na itago na lang ito at ipunin. Oo, hindi talaga kasalanan ng bata kung pinanganak silang mahirap. Wala namang ideya ang bata kung anong buhay ang haharapin niya paglabas sa butas diba? Maswerte na rin kung makalabas siyang buhay at hindi tinunaw ng gamot na pampalaglag ang kanyang utak at katawan. Lalaki ang bata at magkakamuwang. Mabibigyan siya ng tiyansang matutong magbasa at magsulat. Malalaman niya ang kahalagahan ng pag-aaral at ng masamang epekto ng mga bisyo. Mamimili siya sa landas na kanyang tatahakin na pwedeng patungo sa kaunlaran o sa kabagsakan. Magkakapamilya siya at magkakaanak. Kung ano ang landas na tinahak niya, yun ang magiging basehan kung ipapangak din ba ang kanyang anak sa kahirapan. Kung gusto niyang ipadanas ang kahirapang kinamulatan niya sa kanyang anak, hindi siya magsisikap. Pag namatay kang mahirap kasalanan mo yun at wag na wag mo yun ibuntong sa iba. Binigyan ka ng pagkakataon. Binigyan ka ng tiyansa. Hindi mo pinili ang tama. Kasalanan mo yun.

— metaporista

by chris angelo perez

0 thoughts on “Kasalanan mo na pag namatay kang mahirap

  1. binigyan ng tiyansa? kelan pa naging “binigyan ng tiyansa” yung kailangan mong makapagbayad ng 25K per sem para makapagaral sa magandang paaralan? sa sistema natin, diploma ang pasaporte para magkaroon ng trabahong may makataong sweldo. unless na lang kung iaasa mo ang kinabukasan mo sa pagtitinda ng fishball sa kanto. walang tigil hanggang sa makaipon pambili ng makakain. sa mga huling sandali mo at mahirap ka pa rin, hindi mo kailanman magiging kasalanan iyon. sino ba naman ang gustong manatiling mahirap? nagsumikap, oo, ngunit hindi naging sapat dahil hangga’t may mga uri, ang mga naghahari-harian ay patuloy kang itutulak pababa.

    1. Madaming murang universities at nandyan ang TESDA na underrated pero napakalaking tulong sa mga taong may pangarap. Di mo kailangan pumunta sa mamahalin. Maraming naghahangad na yumaman agad dahil pag nagsimulang magtrabaho. Sila yung welga agad, reklamo kahit wala pa namang experience. Sabi nga nila, hindi lang isa ang daan papuntang Quiapo. Maraming daan para magtagumpay at iba iba yung ruta natin. Ang usapan lang ay kung masikap/masipag ka ba o puro asa na lang sa gobyerno, reklamo, emo, bisyo, tamad at asa sa kamag-anak abroad. Ang start ay dapat sa sarili natin. Depende rin ito kung ano ang depenisyon mo ng mayaman at mahirap. Para sa akin hindi mo kailangang magkaroon ng bahay sa Ayala Alabang. Yung mabago ko yung sarili ko from salat na salat to pagkakaroon ng basic needs ay isang malaking step na. Take note, mabago yung sarili dahil tinulungan ko ang sarili ko at hindi inasa sa gobyerno. Pag namatay ka sa edad na 65 yrs old at di mo tinulungan ang sarili mo, wala kang ibang dapat sisihin kundi ang sarili mo. Pero sabi nga hindi para sa atin, ang pinaghihirapan natin kundi para sa magiging anak natin.

      Kahit mag-aral ka at makapagtapos pero kung tamad ka wala ka ring mararating. Yung iba kahit di nagtapos, napagtapos naman ang kaniyang mga anak dahil para sa kanya, yun ang kayaman niya. Ang mapasaya at masiguro ang kinabukasan ang anak.

  2. sang-ayon ako sa mga sinabi ni metaporista.. correct ko lang.. na kay bill gates galing ang quote ni Engr. Virgilio “bong” Santos.. tinagalog lang…

Leave a Reply