Pag hindi ka na sanay, magsanay ka ulit

Ika nga, Walang permanente sa mundo. Lahat nagbabago. Pwedeng pagbabago na positibo at negatibo. Nasa atin yun kung anong pipiliin natin. Hindi lahat ng talunan ay nananatiling talunan. Hindi lahat ng pinakamagagaling ay nanatiling magaling. Sa mag-asawa, hindi puwedeng papalamig ang pagtitinginan. Dapat ay panatilihin ang liyab. Kung hindi sinasadyang mamatay ang apoy, sindihan nyo ulit. Sana lang ay hindi hinihipan ng isa habang sinisindihan naman ng isa. Kung kelangan mag-adjust, mag-adjust ka. Yun ay kung kaya mong ibaba yung pride mo at hindi puro hangin sa ulo ang laman niyan. Isipin mo ang mga sinakripisyo niya para lang makuha ka. Isipin mo ang pinanindigan niyang bagay para lang sayo. Kung nararamdaman mong parang may nagbabago, agapan niyo agad. Yun ay kung ayaw niyong magkahiwalay. Masakit at nakakaiyak pag nararamdaman mong lumalamig ang samahan. Kabaliktaran ng nararamdaman mo pagkatapos mo siyang makasama buong  araw na puno ng saya. Pag hindi ka na sanay, magsanay ka ulit. Hindi kailangang sa iba. Sa kanya lang dapat. Magsanay ka. Masanay ka. Magsakripisyo ka ulit. Yun ay kung mahal mo talaga siya.

–Metaporista

Leave a Reply