Malinis Ba Ang Gatorade Ko?

Anak ng tokwa. Ilang beses na ako nakainom ng gatorade na nakalagay sa ganitong bote ng hindi nag eeffort buksan ang takip. Hindi naman ako superhero na ubod ng lakas para hindi man lang makaramdam ng unting friction pag nagbubukas ng bagong bote. Nakakagigil. Nakakabwiset. Bakit wala pa akong naexperience na ganun sa bote ng softdrinks? Naranasan mo na din ba ang naranasan ko?

Teorya:

Domeng:  Meron ng 1.5 liter na bote ng gatorade.

Nardo:  So?

Domeng: Mangolekta tayo ng maliliit na bote ng gatorade tapos refillan na lang natin para may tubo tayong mas malaki.

Nardo: Aha! magandang idea yan! pero ba’t sa gatorade?

Domeng: Kasi mas mahal yun kumpara sa iba. Mas malaki ang tubo.

Nardo: E di gawin din natin sa softdrinks.

Domeng: Hindi pwede sisingaw yun baka mapansin ng mga tao kumpara sa gatorade na parang juice lang. Di nila masyado mahahalata.

Nardo: E di sa Nestea Ice Tea!

Domeng: Hindi pwede. Wala naman silang 1.5 nun e.

Nardo: E di C2 na lang. May 1 liter na ata sila e. Ilagay natin sa maliliit na bote tas ibenta din natin.

Domeng: Ok. Cge.

Dalawang beses na ako nakabili ng gatorade na de refill sa MRT edsa station malapit dun sa henlin dun sa may maliit na loading centre. Nakabili na din ako 1 beses ng C2 na ganun. Nakakatakot. Baka hindi man lang kasi nila hinugasan yung bote bago refillan. Baka may Hepa yung uminom dun bago ako. Baka na contaminate na ng foreign objects yung iinumin ko.

Next time na bibili kayo ng plastic na boteng drinks, dahan dahan sa pagbukas. Kutuban niyo muna. Madali namang malaman kung sira na yung selyo ng cap e. Wag na tayo mag risk uminom sa ganun. Papalitan mo na lang kaagad at sabihin niyo sa pinagbilhan. Mas safe parin talaga bumili sa mga convenient store kesa yung diyan lang sa tabi-tabi kapalit ng kaligtasan sa kalusugan.

Dadating ang panahon na gagawa na sila ng paraan para hindi mahalatang nirefillan lang nila yung bote. Pwedeng lagyan ng unting adhesive o painitan lang nila ng unti yung plastic caps. Mag stock na lang kayo sa bahay mula sa mga supermarkets para makamura. Magingat lang palagi. Wag lang inom ng inom.

metaporista

0 thoughts on “Malinis Ba Ang Gatorade Ko?

Leave a Reply