Utak Sponge

brain sponge

Nakumpara ng mga dalubhasa ang utak ng mga infant sa isang sponge. Sa formative years (birth-6yrs. old) daw ng bata ay hinihigop nito lahat ng makikita niya’t maririnig. Kaya critical daw ang stages na ito sa mga bata. Ang sponge ng mga bata mula pagkasilang ay tuyong-tuyo pa. Ang mga kaalaman ay yung fluid na hinihigop ng bata. Kung ilulublob natin ang utak ng bata sa tubig ay makakahigop ito ng maraming kaalaman. Subukan nating ilubog ito sa buhangin, halos walang mahihigop ang utak ng bata.

“Unlearn” — katumbas ng pagpiga sa sponge. Tulad din ng isang sponge, may limitasyon ang utak natin. Hindi mo masisisik sa sponge pag punong-puno na ito ng tubig. Kung gusto mo lagyan ng bago, pigain mo muna ito ng unti pagkatapos ay lagyan ulit ito ng tubig. Nagagawa natin ito ng hindi natin namamalayan. Hanggang ngayon ba ay naaalala mo pa ang mga scientific name ng mga halaman at hayop? Naaalala mo pa ba ang skeletal system ng tao? malamang hindi na. Dahil malamang, kung hindi mo kinalimutan yun, hindi mo na matututunan ang mga bagay na pinagaaralan mo ngayon. Kabisado mo pa ba unang cellphone # mo na dati’y kahit bagong gising ay kayang kaya ko sambitin? E ba’t ang ABCDEFGHIJKLMNOPQRSTUVWXYZ ay hindi mo pa din nakakalimutan? Kasi ung mga mahahalagang bagay ay nilalagay mo sa pinakagitna ng sponge mo. Sila yung pinakahuling bagay na puwedeng iire ng sponge natin. E ba’t minsan kahit pilitin nating kalimutan ang isang bagay ay hindi parin natin ito malimot? Dahil ang pagpiga sa isip ng isip ng tao ay hindi pwersahan. Dapat hindi mo iisipin na pipigain mo. Hayaan mo lang itong tumulo. Hanggang sa mapalitan ng bagong tubig.

Tig-iisa lang tayo ng sponge. Bawal itong tagalin at palitan. Pag pinalitan mo ang sponge mo, hindi na ikaw yun. Hindi tayo pare-parehas ng sponge. Pwedeng mas malaki ang sayo kesa sakin. Hindi rin tayo pare-parehas ng pinapahigop sa sponge. Pwedeng mineral water sakin at tubig canal ang sayo. Anlaki nga ng sponge mo, hindi mo naman pinapahigop ng tubig, wala din. Pinapahigop mo nga, tubig canal naman, wala din.

Paano ba mag unlearn? Libangin mo ang sarili mo pag bakasyon. Para pag pasukan, madami ka nanaman mahihigop dahil hinayaan mo munang patuluin saglit ang mga skeletal system at scientific names at ang mga hindi  gaanong importanteng tubig. Libangin ang sarili pag bakasyon. Pag bakasyon. Pagbakasyon at hindi tuwing pasukan. Kung mag lilibang ka magdamag kasabay ng pasukan, wala kang mahihigop sigurado.

Pasukan nanaman. Nakapagpatulo rin ako ng marami-rami ngayong bakasyon. Salamat sa inyo at sayo. Alam mo na kung sino ka dahil gumawa ka din ng paraan para hindi ka mapasama sa mga pinatulo ko.

–Metaporista

Leave a Reply