Esensiya ng Edukasyon

Ang mga batang Pinoy ay karaniwang minumulat sa buhay ni Cinderella. Mapalalaki man.

Mag-aral kang maige habang elementary at highschool ka para makapasok ka sa kilalang kolehiyo. Pag nakapagaral ka sa magandang kolehiyo makakakuha ka ng magandang trabaho. Pag nakakuha ka na ng magandang trabaho, bumili ka ng bahay, kotse at mag around-the-world ka. Mag-asawa ka at you will live happily ever after...

Nakalimutan na natin ang essence ng education. Hindi mahalaga ang kikitain mo.  Ang mahalaga ay kung ano ang iniwan mo sa mundo.

Maraming naniniwala na pagkuha ng kaalaman ang pinaka-target mo sa pagpasok sa school. Mali. Kaya ka pumapasok ay para hulmahin mo ang character mo. 2 lang yan. Una ay ang madali. To distinguish right from wrong. Ang pangalawa ay ang mahirap. To choose right from wrong.

Pag nag trabaho ka na, It all boils down here: Common sense at Character. Hindi ang mga formulas. Hindi ang mga scientific names.

Kung  ano ka ngayon,  bunga yan ng ginawa mo nung nagaaral ka. Ganyan mo hinulma ang sarili mo dahil yan ang pinili mo.

— Metaporista

Leave a Reply