Honesty: Value that we Filipino should rediscover

Oo. Minsan ng naging natural sa mga Pilipino ang pagiging matapat. At hanggang sa magpahanggang ngayon ay hindi parin ito ganap na naibabalik.

Parang sa school lang yan..

“Kung bobo ka, hindi solusyon ang pagiging dishonest..” — Engr. Raul Asis

Bobo ka na nga tapos dadagdagan mo pa ng katarantaduhan, e ano ng mangyayari sayo? Ang solusyon daw diyan ay perseverance, hardwork, punctuality at patience.

Perseverance — Magsikap ka. Magaral ka. Kung di mo maintindihan, paglaanan mo pa ng mas mahabang oras.

Hardwork— Wag yung asa ka lang sa gawa ng iba. Nag-aantay ng bayabas na malaglag sa bibig. Ikaw mismo ang gumawa. Pagpawisan mo.

Punctuality— Kung papasok ka sa klase mo na lagi kang 30 mins. late, (lalo na kung quarterm ka) madaming mahalagang bagay kang hindi nadampot. Ang masama pa, binayaran mo yung mga dapat sanang dadamputin mo.

Patience— Wag mainitin ang ulo. Wag maging mainipin. Hindi parusa sa sarili kung magaaral ka ng isa o dalawang oras kada araw. Maging matiyaga ka lang.

Sa huli’t huli, honesty is the best policy pa rin. Walang mapapariwara dahil sa pagiging tapat.

Yan ang pinagsisikapan ng mga iilang pilipino ngayon. Ang maibalik ang moral na matagal na nating naibaon. Mahirap itong hukayin dahil marami ng dumi ang tumabon dito. Pero kung lahat tayo ay tutulong sa paghuhukay, saglit lang ay maibabalik na natin ulit iyon.

— Metaporista

0 thoughts on “Honesty: Value that we Filipino should rediscover

Leave a Reply