312

1. Buhay

2. Hanap buhay

3. Tungkulin

Pag-inuna mo ang 3 tapos 1 tapos 2, ideal ang buhay mo.

Pag-hinuli mo ang 3 sa buhay mo, aba mag-isip-isip ka na kung anong nangyayari sa buhay mo.

Para sa ilan madali ang 312, pero sa karamihan mahirap yun. Hindi tayo nabubuhay para lang yumaman at magkapera. Award lang yun kumbaga. Kaya ka nabuhay para sumaya. Sasaya ka ba kung wala ka ng oras sa asawa at sa mga anak mo? Pero sa pagpapakasaya, may automatic na mas mataas dun. Yun yung # 3. Yung # 3 na tinatalikuran lang ng iba pagkatapos sumpaan. Yung 3 na kumakain ng personal na oras. Yung 3 na dapat pasanin hangga’t nabubuhay ka. May kapalit naman yun e. Hindi mo pa lang siguro nararamdaman kung ano yun. Subukan mo yung 312 para maramdaman mo.

–Metaporista

0 thoughts on “312

  1. 312. Salamat hindi ba akong pwedeng mag-123? Parang nag-123 lang.

    Kapag bata pa tayo, ayaw nating kilalanin ang number 3 at number 2, dahil punong-puno tayo ng number 1.

    Dumarating ang taon kung kailan handa na tayong yakapin ang 312- merong nagtatagumpay pero meron din namang mailap ang 312.

    123 na nga lang.

Leave a Reply