Skip Train

 

Kahapon may nakasabay akong koreana paakyat sa isang LRT station na laging binabaha. Maliit siya ngunit makikita mo sa mukha niyang nasa 35 na ang kanyang edad. Sabay ang aming pagtapak sa hagdanan mula sa baba hanggang sa huling hakbang papunta sa guard kung saan pinauna ko siyang pacheckin ng bag. Bagaman pinauna ko siya ay nauna pa rin akong nakapasok sa sakayan dahil meron akong stored value ticket. Nakita kong paparating na ang tren 1.5 segundo pagkatapos kong maipasok ang aking ticket. Nakita ko sa aking peripheral vision na nagmamadali na siyang naglabas ng barya sa counter. Dumiretso na akong naglalakad ng kampante sa bandang gitna ng bigla na lang akong nasagi sa balikat ng nagmamadaling koreana na nagmamadaling tumakbo sa dulo kung saan eksklusibo ang sakayan para sa mga babae. Nagpigil ako ng tawa dahil alam kong skip train ang tren na dumaan sa amin. Dumirediretso pa rin siya hanggang sa maabot nya ang dulo. nagaantay na tumigil ang tren at magbukas ang pinto. Malamang napahiya siya sa sarili niya. Nakita ko siyang hinihingal at matamang naghihintay ng susunod na tren na titigil para sa amin.

Naisip ko lang, nangyayari iyon sa lahat ng tao. Minsan inaasahan natin ang mga bagay na gusto nating mangyari sa ating buhay. Mali. Kadalasan pala. Akala natin ay para sa atin na. Yun pala mawawala pa.

Akala mo swesweldo ka na sa kinsenas yun pala naholdap yung magpapasweldo sa sayo..

Akala mo pasado ka na yun pala mag reretake ka pa ng final exam..

Akala mo bakasyon ka na yun pala tambak pa ang trabahong gagawin mo..

Akala mo aabot ka pa sa pag punch ng time card yun pala sobra na ng 1 minuto..

Akala mo luto na yung loob ng relyenong bangus yun pala balat pa lang ang luto..

Akala mo milyonaryo ka na dahil tumama ang 6 digits na tinayaan mo sa lotto yun pala last week pa yung diyaryong pinagtinginan mo ng numerong nanalo..

Akala mo pasado sa board exam yung anak mo, yun pala, yun pala… yun pala… waaaaaaaaaaaaaaaaaaa…

Pero hindi lang lagi kasawian yun. Marami rin sa mga yun ay tagumpay. Yung tipong akala mo skip train o kaya puno ang tren ng pasahero, yun pala sa istasyon nyo muna unang kukuha ng pasahero ang driver.. makakaupo ka at maiibuka pa ang iyong mga paa.

Akala mo wala ka ng ipapakain sa pamilya mo mula bukas yun pala magpapadala ang mga kapatid mo na nasa abroad ng pera..

Akala mo babagsak ka sa board exam dahil lagi kang dina down ng magulang at buong pamilya mo dahil ilang taon ka ng nag cocollege yun pala, top notcher ka pa at naofferan ka agad ng magandang trabaho..

At ang pinaka malaking himala na pwedeng mangyari sa tao..

Akala mo hindi mo siya mapapasagot, yun pala nakaya mo..  Hindi dahil nilasing at nabuntis mo o pinatutukan mo ng shotgun kundi dahil nalaman niya na ikaw, ikaw lang pala ang nag-iisang tao na ginawa ng diyos para sa kanya..

–Metaporista

Leave a Reply