Pagbabago sa Trapiko

TrapikIsang salita na binibigkas ng daang libong Pilipinong bumibiyahe araw-araw sa ating lansangan tuwing peak hours. Isa rin itong palusot ng libong estudyante sa school kung bakit sila late kahit halatang hindi sila nakaligo dahil taas-taas pa ang buhok at may muta-muta pa.

Bakit nga ba binibigyan ng pokus ang mga batas natin na panlasangan ngayon?

1. Matagal na nakakapanamantala ang iba dahil sa mga batas na hindi naman mahigpit na ipinapatupad na nagiging sanhi minsan para magka-trapik.

2. Mas nagiging produktibo ang oras at buhay ng mga tao pag walang trapik.

  • Maaga makakauwi ang magulang at asawa galing trabaho at mas magkakaroon sila ng oras para magkasama-sama. Tandaan na ang pamilya ang pinakamaliit na yunit ng lipunan na dapat nating pangalagaan at pausbungin.
  • Mas masarap magbiyahe  papunta sa mga pasyalan at bakasyunan pag walang trapik. Nakakatulong ito sa turismo ng ating bansa.
  • Hindi mo na kailangang gumising ng masyadong maaga papasok ng school at trabaho para makaiwas sa trapik. Mas mahaba ang tulog ng tao, mas lumalakas ang resistensiya sa sakit, nakakawala ng eye bags at iwas hapontukin.
  • Walang trapik = Tipid sa gas. Yung 1 litrong gas na masasayang mo dahil sa trapik ay pwede mo ng ipambili ng 1 kilong bigas. At yung 1 litrong gas na sanang ico-combust mo ay makakatulong para mabasawan ang pasan ng mga dahon ng puno at halaman na walang tigil sa pagbibigay ng sariwang hangin.
  • Hindi ka na magpipigil ng ihi na karaniwang sanhi ng UTI. Kaalinsabay nun, hindi na rin papanghi ang gulong mo at pader nila.

3. Araw-araw halos natin ginagamit ang lansangan kaya dapat ligtas itong daanan.

4. Mas maraming biyahe ang magagawa ng mga jeepney, taxi at bus drivers. Mas marami na rin ang madedeliveran ng mga delivery truck kaya mas tataas ang kanilang kakayahan para makapag-paaral ng anak at mabigyan sila ng mas magaang na buhay. Makakatulong ito sa pag-angat ng ating ekonomiya.


Ngayon pa lang ay naoobserbahan ko na ang ilang mga pagbabago sa ating lansangan. Bagaman marami pang hakbang ang dapat gawin para tuluyan itong maayos, may isang pinakamabilis at pinakamalaking hakbang na hindi hawak ni Pnoy kundi nasa ating lahat. Yun ay ang sama-samang pag tanim ng disiplina sa ating mga sarili. Pag gagawin natin lahat iyon, makikita natin ang magiging magandang bunga ng ating itatanim sa napaka-ikling panahon.

–Metaporista

0 thoughts on “Pagbabago sa Trapiko

  1. magandang araw,metaporista.

    naobserbahan mo ba ang pagbabago sa trapiko?tingin ko may maliit na disiplinang umusbong sa puso natin nung narinig ng mga filipino ang mensahe ng bagong pangulo.

    yumabong pa sana yun.magandang simula ang trapiko.

    wala nang wang wang,dahil wala na si weng weng.

Leave a Reply