Lovebirds

 

Love-Birds

Isang mahiwagang tanong, mamamatay ba talaga ang lovebirds pag nawala o namatay ang kapares nito?

Isang maliit na parrot, makulay, loyal– yan ang deskripsyon ng bawat taong makakakita nito. Hindi mo raw sila pwedeng bilhin ng solo kundi dapat laging mag kapares para hindi raw ma-stress at magpakamatay. Nasa 1k peso daw ang halaga nila. Ang LB daw ay loyal sa kanyang mate, as in pako na siya sa kalaguyo nya. Walang bawian, walang lokohan at pawang kamatayan na lang ang makakapaghiwalay sa kanila. Hindi lang daw sa mate nya loyal ang LB kundi pati sa nagaalaga daw nito o keeper.Β Hindi ka raw pwedeng mag-alaga ng LB pag di ka marunong magmahal. Sensitive daw kasi sila.

Gusto kong malaman kung totoo ba talaga lahat ng raw at daw na patungkol sa kanila. Kung kasing yaman lang ako ni Chavit at kasing bangis lang ako ni Hitler, pinag-experimentuhan ko na ang mga LB sa petshops. O kung may nakagawa na ng experimentong ito, pakisabi naman sakin kung ano ang naging resulta.

Oo kahanga-hanga ang LB sa kanilang katapatan pero tandaan mo, tandaan niyo, ibon sila at tao tayo. Hindi porke’t nasawi ka Β sa pag-ibig o namatay ang pinakamamahal mong kapartner ay magkakaroon ka na ng lisensya para magpakamatay. 1000pesos lang din ba ang katumbas ng buhay mo? Kung oo sige, bilisan mo uminom ka ng 1 litrong bactidol. Sige, iwanan mo ang 4 mong anak at ipasa mo sa 6 years old mong panganay ang responsibilidad mo. Sige, iwanan mo ang nanay at tatay mong nagpapagamot na umaasa lang sa sweldo mo. Sige, iwanan mo ang malaki mong utang sa kapit-bahay mong galing abroad na nagtiis ng 10 taon na mag-isa kahit di niya makapiling ang pamilya niya para lang may maipon at mapang-aral ang kanyang anak. Isa kang duwag. Isang malaking duwag. Kung masawi ka sa pag-ibig, malas mo. Ganun talaga yun minsan. Kung nasawi naman ang iniibig mo, napaaga lang siya kesa sayo pero dadating din naman yun parehas sa inyo. Kung kasing babaw ng LB ang pag-ibig mo, magpakamatay ka na. Iba kasi kaming mga tao kumpara sayo. dali. bilis.

— Metaporista

0 thoughts on “Lovebirds

  1. aray ko ang bigat ng dating story nito ah especially sa last part.

    kami nakapag-alaga na LB, yes kailangan laging may kapares. pero hindi ko alam yung s a[art na dapat marunong magmahal. kasi kung yun ang batayan bat lagi kami namamatayan ng LB ay loser pala kami. hahaha

    ang sabi sa amin ng isang batikan sa pag-aalaga niyan. isang factor yung environment. ayaw nila ng maingay eh yun ang madalas na hindi namin magawa kasi laging maraming tao sa amin plus factor pa ang bungangera kong pamangkin.

    pero tama ka rin sa tinuran mo na iba ang love ng LB sa mga tao. mabuhay!

  2. hahah. =) hindi pa ako nakapag-alaga ng LB kaya di ko talaga alam kong totoong mamamatay sila pag wala ang isa o baka marketing strategy lang yan para dalawang LB bilhin mo. heheh. =) kung totoo man yang tungkol sa LB na yan, eh mga suicidal pala yang mga yan eh, di dapat tularan..=) kapag nagmamahal ang tao, dapat alam niya kung paano magmahal, eh kung nagpakamatay siya dahil “mahal”l niya raw ang iba, ibig sabihin di siya marunong magmahal, kasi di niya mahal sarili niya. =) ewan ko kung may sense. =) heheh

    gandang araw metaporista! =)

    napadaan at dadaan pang muli. =)

    1. Suicidal daw talaga yung mga LB kat. Mahalin mo ang iyong sarili tulad ng pagmamahal mo sa iba. Kung mahal mo ang iba, ayaw mo silang mawala sayo. Kung magkatulad ang pagmamahal mo sa kanila at sa iyong sarili, dapat ayaw mo ring mawala sarili mo. Lahat talaga ng sobra masama kahit pag-dating sa ibig.
      Salamat ulit sa pagdaan. πŸ™‚

  3. Maraming salamat Metaporista.

    Nagpapahayag at nanggigising sa pusong lasing at bulag sa kalakaran.

    Lovebirds…ibon sila, sino ang nagturing na ganun na nga?

    May kahalagahan din, na ang pag-ibig ay tinutuon sa isa pa, hindi lamang para sa sarili.

  4. Yun lovebird namin sa bahay, matagal nang namatay yun kapartner nya. Pero buhay pa rin cia hanggang ngayon.

    Metaporista, brutal ka. Nakakatuwa.

    1. Wow. LB na kung umibig ay parang tao? Ibang klase yung LB niyo. Matibay ang loob at siguro, alam niya na mas malulungkot at manghihinayang kayo kung susunod pa siya sa kapartner niya. Salamat osang este kuhracha. πŸ™‚

      1. di naman sa brutal ako. Nakakaasar lang kasi yung mga tao na parang wala ng bukas kng makaiyak. Yung mga taong magbabanta na magpapakamatay sila pag di sila nagkaayos. yung mga gusto ng sumunod agad sa kabaong ng kanilang namayapang asawa. ang akala kasi nila, yung nawala lang ang nagmamahal sa kanila ng totoo. hindi nila alam na kung sakaling susunod sila sa puntod ay mas maraming magluluksa at mas maraming malulungkot. Kung gaya ng LB na pagpapakamatay lang ang natitirang solusyon para matapos na ang kalungkutan, matagal na sanang walang tao sa mundo. Andami kong sinabi. Baka sa 1 litrong bactidol ka lang na brutalan haha..

        1. di sa 1litrong bactidol… sa way ng pagsasalita mo ako nabrutalan. o siguro sa way ng pagbabasa ko? hmmm… napaisip naman ako. hahaha.

          oo, OA sila. ayos lang lumuha at magpakapatetik minsan. pero yun, halos magpakamatay ka na… katanga lang! sowi sa mga tinamaan. hehehe.

  5. honga kung ganon lang kababaw ang pagmamahal mabuti pa ngang magpakamatay na lang… love is all around, maraming dahilan para magmahal ulit… para maging masaya ulit. πŸ™‚

  6. suicidal minsan ung iba, lalo na’t ngpapakalunod na sa isang damdaming akala nila wala nang pag-asa. kaya minsan talaga mas okey na tignan ang isang relasyon ng “malayuan”.

    ayoko magmahal tulad ng mga LB…
    pero gusto ko mag alaga ng LB. weeeee

  7. hmmmmm ang babaw nga ng kanilang pagmamahal, paano wala naman kasi silang anak o pamilya na iniisip, iniisip lang nila sarili nila at kapares nila. yun yun eh ehehehe

  8. shaks mukhang natamaan ako konti hehehe buti nlng natauhan ako bago ako naging isip love birds heheh,,nice entry..
    pamukaw sa mga sawi sa love na tulad ko ^_^

  9. Buti na lang hindi ako ginawang LB. naging DB ako hehehe! Nice post. Given the chance magiging tao pa rin akong Nagmamahal!

  10. Hindi ako naniniwala sa lovebirds. Negosyo lang yun para kumita ang petshop. Siempre pang-akit na rin sa mga lovers kuno. May positive side naman yung mga LB… nga lang ibon lang talaga sila at hindi katulad ng tao. Sa tingin ko nature na ng LB na mamatay kapag mag-isa kasi sila yung uri na kailangan may nakakasama o kaya yung nasa grupo. Ikulong ba naman sila na dadalawa lang… kapag nawala yung isa, paktay na. Para silang mga social birds. Di tulad ng mga agila at iba pang mabangis na ibon… mga predator at loner. Hehe… wala naisip ko lang.

    Marami na akong kapitbahay na nagpakamatay dahil sa love. Marupok sila. Kulang sa guidance. Malalim ang pagmamahal nila pero mababaw ang kapit sa buhay.

    1. Naku. Andami sigurong pagala-gala dyan sa street nyo pag gabi. Naka-kadena ang pana. Hirap maglakad. Sumisilip sa bawat bintana ng mga kalapit na bahay. Hinahanap ang taong dahilan ng kanilang pagpapatiwakal. Nagsisisi sa labis nilang pagmamahal. Umaasang maibabalik ang nakaraang nakakintal.

  11. para sken, lahat ng nilalang may kani-kaniyang paraan para ipakita o ipadama ang pagmamahal nila. merong nasusuklian merong iniiwan.
    waaaa..

    hirap nakong mg judge!! πŸ˜‰

  12. lovebirds talaga eh.

    hindi pa ko nakapag alaga ng ibon.komplikado rin pala sila.totoo nga.love is in the air.nagugulat ako sa maraming naging pakahulugan ng pag ibig.astig talaga!

  13. Nakagpag-alaga na ako ng Love Birds. Actually meron pa din kaso parents ko na nag-aalaga dahil walang pwesto dito sa bahay namin.

    Hindi ako naniniwala na nagsusuicide ang isang love bird kapag namatay ang kapartner. Maraming factors yan. Isipin mo may sakit ang partner mo. Tapos namatay siya. Yun pala nahawa ka din. Ayun next ka na. Gets?

    Isa pa, territorial ang mating pair. Kapag maliit ang kulungan mo, papatayin nila ang iba nilang kasama. Kahit anak pa nya. Bird brain. Hehe.

    Hindi rin totoo na loyal sila. Kapag nilayo mo sila sa partner nila at isinama sa iba. Makakapag-move on din siya at maiinlab sa iba.

    Love Birds + Suicidal Tendencies = Perfect Match

  14. awww nakakalungkot na minsan humahantong sa masaklap na bagay ang kasawian ang pagkawala o pagkawalay sa iyong mahal….

    namarkahan ko na…apir!!!

  15. NADAAN SI YIN. NAGBASA. NAGHANAP NG KAPE. KULISAP MAGBABAYAD KA NG MAHAL. DALHIN MO KO SA TUKTOK NG SUSONG DALAGA.

    NA-RATE KO NA. DI NA KO KOKOMENTO.

    (GANITO LAHAT NG KOMENTO KO SA ENTRIES. ANG IMPORTANTE MABASA AT MAINTINDIHAN KO YUNG KUWENTO AT MA-RATE NG MAAYOS AT MATAPOS BAGO AKO HIMATAYIN SA GUTOM, HAHAHA)

    tol hindi ko maimetapor ang komento ko. padaan. ano ba ang metapor?

    1. Metapora o Pagwawangis – tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Ito ay tinatawag na METAPHOR sa Ingles.
      http://tl.wikipedia.org/wiki/Tayutay

      Halimbawa:
      1.) Ang buhay ay gulong: minsan nasa ibaba, minsang nasa itaas

      2.) Siya ay isang sampaguita sa kabanguhan.

      3.)Ang kaniyang mga mata ay bituin sa langit.

      4.) Siya ay isang leon sa galit

      5.) Siya ay isang posporo sa nipis.

  16. wow, love birds naman.. πŸ™‚

    hindi pa ako nakapag alaga ng ganyan, peru kapag nga daw namatay ang isa susunud na yung isa.. πŸ™ kalungkot nun, peru marami nakong naririnig na ganun nga.

    perstym po, πŸ™‚

  17. ngbbreed ako dati ng ganito. meron mga ngssuicide (yung mga sobrang attached talaga sa syota nila), pero meron din naman hindi (yung may mga kasamang tropa sa cage nila). siguro kanya-kanyang trip din talaga..tsk tsk..labo!

    1. Feather picking ang tawag jan. dalawa ang posileng dahilan.. Una ay ang medyo medical na aspeto tulad ng changes ng hormone level, external at internal parasite, malnutrition, internal disease at bacterial at fungal infection. Ang pangalawa naman ay ang stress.. Baka masyadong maliit ang kulungan siya at wala siyang kasama sa cage. Lagyan mo muna ng kasama opposite sex nya. Pag di pa rin nagbago, palayain mo na lang.. Normal sa ibon ang ganung kondisyon..

Leave a Reply