1 istu 1

1 is to 1

 

MaisAlam niyo ba na ang bilang ng buhok ng isang mais ay equal sa bilang ng buto nito?


Subukan niyo bilangin para mapatunayan niyo sa inyong sarili. Basta ako sinasabi kong totoo yun. 1 istu 1 talaga sila.

Alam niyo rin ba na ang mais ay isang uri ng damo?

Kaya siguro merong masamang damo ay dahil merong mabuting damo.

Ang mais ay dilaw. Ang dilaw ay si P-noy. Ang mais ay  mabuting damo. Mabuti dahil may pakinabang ito at hindi nabuhay para lang manguha ng sustansiya sa lupa na sana’y mapupunta sa ibang halaman na mapapakinabangan ng tao. Mga damong pawang lupa rin o kambing o kalabaw o baka lang ang makikinabang. Ang mais ay hindi nagiisa. Binubuo ito ng maraming butil na nagbibigay ng maraming oportunidad na makatikim ng mais. Puwedeng ang mga butil na ito ay kainin ng tao o pwede rin nilang itanim para magbunga ito ng iba pang mais. Ang maganda sa mais, nabibigyan nya ang mga tao ng pag-asa na makatikim ng tamis at sarap. Pag-asa na unti-unting nawawala sa mga pilipino. Para magbunga ang puno ng mais nating pilipino, suportahan natin siya sa pamamagitan ng pagdilig at pagbigay ng kanyang kailangan para sa ganun ay magkaroon siya ng kakayahan para maibigay sa bawat 1 pilipino ang ating kailangan. Ibigay mo kung anong dapat mong ibigay sa Puno ng mais at malamang, tayo rin naman ang makikinabang. Yun ay kung ang Puno ng mais na ating inaalagaan ay patuloy na magbubunga at hindi ningas-kugon lang.

–Metaporista

0 thoughts on “1 istu 1

  1. wow.. may natutunan ako.. pero yung pag bibilang ng buhok ng mais at buto nito saka nalang naniniwala na ko sayo hehehe

    tama ang iyong sinulat napakagandang analogy mais at Pnoy.

    suporthan natin sya. 😉

    padaan ha?

  2. aaminaddo akong ddi ko masyadong gusto ang kulay dilaw, dahil ang kulay na nagbibigay sakin ng buhay ay berde.

    ngunit kung ang dilaw ay maging pansamantalang kulay na magdadala sa tao sa tuwid na landas..pwede ko itong yakapin at ibahagi ang dala nitong sinag.

  3. hmmm, black talaga gusto kong kulay. =) kasi palagi akong pinapagalitan ng nanay ko kapag narumihan ang mga damit ko,at di kitang marumi damit ko pag black kulay ng damit ko. heheh. =)

    alam mo, di sumagi sa utak ko na pwede pa lang ihambing si Pnoy sa mais kaya orig talaga ang post na to. =) tama ka nga namn, dapat talaga nagtutulungan eh, dapat sinusuportahan na yong namumuno at hindi nagsisisihan eh. =) Sana umunlad ang Pilipinas, sana makatulong ako sa pagpapaunlad ng Pilipinas. =)

    gandang araw metaporista! =)

  4. ang ganda ng mga pagkakahambing.kinakikitaan ng pag-asa.

    dapat na sigurong ipamahagi ni pnoy ang mga butil ng mais sa mga manggagawa ng hacienda luisita.sa bawat butil na mapapasakamay ng bawat mag sasakang napag kaitan,katumbas iyon ng butil ng pag-asa at tiwala para sa nagsisimulang pamahalaan.

    magandang araw,metaporista!

    1. well said boss.. sana nga ipamahagi na niya ang mga lupang iyon.. para sa gayon ang mga magsasaka doon ay tuluyan ng makaahon.. hindi lang sa kahirapan boss kundi pati na rin sa sinapit nilang masamang karanasan noon.. magandang araw din.. 🙂

  5. Ang mais bow! hehehehe wala na kong masabi ngayon ko lng nalaman na ganun pala yon kung ilan ang buto nya yon din ang buhok nya pag wala kong magawa bibilangin ko yan ahahaha

Leave a Reply