Ensaymadang dos isa, ano nga ba ang lasa?

Boyet, anak,  gising na.. Baka maunahan ka ng truck ng basura.. Ibili mo ng pandesal tong 3 piso ko, tig-iisa tayo ng tatay mo..


Nay ito na po yung pandesal.. Nakain ko na po yung sakin habang naglalakad pauwi.. Nalinis ko na po yung gitara at ampli ni tatay.. Babalik na lang po ako maya-maya pagkabenta ko po ng mga makukuha ko ngayon.. Ibibili ko narin po ng gamot si itay pag makaka 15 pesos po ako..


Darling, pakibangon mo nga ako.. Si boyet nasan? Samahan mo na ako sa kanto at sisikat na ang araw.. Lunes ngayon kaya siguradong maraming magdaraan dun ng umaga.. Sana maka 10 pesos ako bago mag alas-8 para makabili siya ng materyales para sa proyekto nila sa iskul.. Sayang naman kung hindi siya makakapagpasa.. Paki tabi na lang yung pandesal ko.. Malamig ang hangin.. Baka may bagyong paparating.. Ipabaon mo na lang kay boyet para siguradong makakain siya mamayang tanghalian..


——————-

Mommy look! He’s playing a guitar like kuya oh.. Ma, pahingi ng barya mo ilalagay ko sa plastik na bote nya.. Sige na ako na maglalagay.. Please..


Naku wala akong barya(kahit nagkakalansingan na ito sa bulsa niya), next time na lang anak.. I’ll buy a pack of cigarettes pa for your dad e.. Come on, lakad na, promise next time.. Come on lets go na anak.. O, ito piso put it there na so we can go na..


——————–

Alas-8 na ata.. Nakaka-3 piso pa lang ako.. Parating na siguro si boyet ko..


Tay! Answerte ko! saktong 15 pesos po ang napa-kilo ko sa junk shop.. Ito na po ang gamot niyo.. Nanghiram na po ako ng payong sa kapit-bahay natin baka ho kasi ulanin kayo dito mamaya..


Anak pasensiya ka na.. Nakaka-3 piso pa lang ang ako.. Kulang pa ang pera ko pambili ng materyales na kailangan mo..


Tay, ayos lang po iyon.. Sa susunod na lang po siguro.. Itago niyo na lang po iyan tay para ho sa pandesal natin bukas.. Papasok na po ako..

——————

Tutugtog akong magdamag..

Tutugtog ako hangga’t kaya ko..

Ikaubos man ng aking laway..

Ikapudpod man ng aking kamay..

Pasensya na boyet ko..

Hindi pinag-kalooban ng paningin ang tatay mo..

Ito lang ang kaya kong gawin..

Para tayong tatlo’y patuloy na may makain..

Sa bawat hipan sa aking harmonica..

Sa bawat tipak sa aking gitara..

Kayong dalawa ng iyong Ina ay aking naaalala..

Ang mga panlalait  ng iba sa akin..

Ang mga tawa nilang walang paninimdim..

Wag mo na sanang patulan at pansinin..

May araw rin na darating..

Na ako’y kanilang hahanap-hanapin..

Pag sila’y nakadama ng bagabag tulad ng sa atin..

–Metaporista

0 thoughts on “Ensaymadang dos isa, ano nga ba ang lasa?

  1. nakakalungkot na kwento pero pinangibabawan ng husay mo sa pagsusulat.

    napakamalikhain,malawak na isip.dahil bibihira ang nababasa kong tumatalakay sa sektor ng lipunang nakakaligtaan.

    ang ganda nito.

  2. di ko pinanuod. maawain ako sa mga ganitong sitwasyon. pag may nadaraanan akong mga pulubing tumutugtog dati, nagbibigay ako kahit alam kong sa sindikato mapupunta.

    makabagbag damdamin ang iyong akda. mahusay ang pagkakasulat mo, metaporista.

    1. nakakapanliit ang post mo na to. pero in a good way. kasi habang pinoproblema ng iba ang pangkain nila araw araw, lovelife ko lang ang concern ko.

      thanks for reminding your readers that there is more to life than our own petty problems.

  3. Yong butil at mais lamang ang nabasa ko pa sa ngayon. Hindi pa buo pero napakagandang analohiya nito.

    Sinusuportahan kita sa adhikain mo, sana din ‘yong iba.

    Hindi ako mabuting damo pero sa dami ng mabuting damo sa paligid ko, baka mamunga ako ng mais.

Leave a Reply