Di ko na kailangan ng Time Machine

Kasabihan Tungkol sa Oras

Mabuti pa ang sirang orasan, tumatama ng 2 beses sa isang araw kesa sa orasang gumagana pero mali naman ang set ng oras. –Basta taga-BTS


Ang mga lalaki ay naghahanap ng panahon para pumatay ng oras, habang ang oras ay tahimik silang pinapatay –Dion Boucicault

Marahil ay binabalaan ka na na wag mong hayaang dumulas sa iyo ang gintong oras; Pero ang mga gintong iyon ay nagiging ginto lamang dahil hinayaan natin itong dumulas lang — James Matthew Barr

Ang oras ay parang hangin. Dinadala ang magaang, at iniiwan ang mabigat. —Domenico Cieri Estrada

May isang uri ng magnanakaw na hindi pinaparusahan ng batas, ito rin ang magnanakaw na nagnanakaw ng pinaka-mahalagang bagay sa tao : Oras —Napoleon I, Maxims, 1815

Kung gaano katagal ang minuto ay depende kung nasaang parte ka ng pinto ng banyo –Zall’s Second Law

Ang oras ang pinakamahusay na taga-pagbigay ng payo sa lahat –Pericles


Ang oras ang pinakamalayong distansiya sa pagitan ng dalawang lugar –Tennessee Williams

Ang pagsisisi sa nasayang na oras ay higit na makakasayang ng oras –Mason Cooley

Ang oras ay isang pandikit sa pusong nabiyak, ngunit ang pag-ibig na nasa hangin ang nagpapatuyo sa pandikit —J. Franklin


Ang oras at panahon.katulad ng tubig sa ilog na walang humpay sa pag agos.laging may takda kung hanggang saan lang tayo makakasabay kaya dapat,gawing makulay ang limitadong pagkakataon na iyon. –Duking

———————————————————————

————————————————

————————

———–


Pasensiya na kayo sa aking pagsasalin ng mga kasabihang ito sa tagalog ha..

Naisip ko lang bigla kung gaano ba talaga kahalaga ang oras sa buhay ng isang tao lalo na kung marami kang deadline na hinahabol. Hindi ko alam kung uunahin ko ba munang mag-laba ng damit na 3 linggo ng nakatambak dahil sa ngayon ay 3 na lang ang natitirang damit sa cabinet ko o uunahin ko ba munang maghugas ng pinggan kong 3 linggo ng iniipis at 1 linggo ng dinadaga.

Kung minsan nakakapagsisi kung bakit ka ba pinanganak sa mundo lalo na pag puros pait na lang natitikman mo palagi. Pero hindi ko naman sinisisi ang oras kung bakit ako agad nabuhay noong 22 years ago kahit naย  hindi pa uso ang digicam, panahon na sipa lang at habulan ang libangan at panahon na mabibili lang ang shampoo sa piling tindahan.. Dahil kung pinahirapan man ako ng oras nitong mga nagdaan, wala akong maisusumbat dahil nakilala ko siya na pinagkatiwala niya sa aking ng lubusan..ย  Wala ng dahilan para mangarap pa akong maging totoo si doraemon dahil hindi ko na kailangan ang kanyang time machine. Dahil kung ako ang papipiliin, ang buhay ko pa ring ito ang aking dadamputin.. kahit kung minsan ay puno ng dilim at kahit ang ilang mga pangarap ay hindi ko na marating..ย  Dahil sa kanya, di ko na kailangang antayin pang maimbento ng isang baliw na tao ang time machine.



–Metaporista


0 thoughts on “Di ko na kailangan ng Time Machine

  1. bat nagkaganun ang pusa?nawalan na ng tenga at naging kahawig na ni doreamon ang kulay?

    salamat sa pagsasalin.buwan naman kasi ng wika ang agosto.

    ang oras at panahon.katulad ng tubig sa ilog na walang humpay sa pag agos.laging may takda kung hanggang saan lang tayo makakasabay kaya dapat,gawing makulay ang limitadong pagkakataon na iyon.

  2. hala! gusto kong mag-alaga ng pusa na ganyan ang kulay..hahaha

    tama, ang oras di na pwedeng ibalik pero di dapat panghinayangan kong ito man ay naibahagi ng mabuti o hindi dahil sa hulihan may aral na matutunan para sa susunod ang mali ay maging tama.

    di man maibabalik pero pwedeng magbigay ng pangalawang pagkakataon dahil ang oras ay bumabalik din sa kanya-kanyang panahon.

  3. nakaka-relate ako lalo na sa parteng ‘to…
    “Kung minsan nakakapagsisi kung bakit ka ba pinanganak sa mundo lalo na pag puros pait na lang natitikman mo palagi”

    in time kuya. in time..magiging oks din tayo ๐Ÿ™‚

  4. … mahalaga talaga ang oras, kaya habang buhay tayo, mapait man o masaya.. i – appreaciate naten ito.. sabi nga ng kanta

    In His time in His time

    He make all things beautiful in His time ๐Ÿ˜‰

    padaan… i lab your post ๐Ÿ™‚

  5. napakahusay! haylabet!!
    ang oras ay sadyang napakahalaga.. at kung ndi nmn tumatakbo ang oras, kailanma’y tyo’y maiistak lang sa iisang araw, gawain, at lugar, at mgiging paulit ulit lamang ang mga pangyayari..
    kaya nmn lets enjoy and dance with the time…. ๐Ÿ™‚

  6. Hindi baliw ang taong makakaimbento ng time machine bagkus siya ang mababaliw dahil sa siguradong magiging hunted siya ng mga tao sa buong mundo.

    At saka bakit naman hinintay mo pang ipisin ang mga pinggan mo? ๐Ÿ˜†

    Anyway…may kasabihan din na “Experience make a man” at hindi tayo magkakaroon niyan kapag walang oras na lumilipas.

  7. This is actually the past. In the present, you used a time machine to come back to this point in time and correct a mistake you did. Unfortunately, your memory of events from this point to the present was erased in the process.—*

Leave a Reply