ABCD

ABCD– Apat sa mga paunang letra na ating natutuhang kabisaduhin noong tayo’y humakbang tungo sa pagkatuto ng pagbabasa..

Nakakatuwa, dahil ang una nating natutuhang mga letra ang magiging gabay natin sa pag-unlad..

Oo.. Hindi lang sila ginagamit sa exam na pang-multiple choice kundi para gabayan at madaling maalala ng tao ang natatanging sikreto..

A= Ability

B= Break

C= Courage

D= Discipline

Gusto mong umunlad? Aba’y simulan mo ng kabisaduhin ang katumbas ng ABCD na ito..

Dapat ay kakakitaan ng ABCD ang sarili mo. Subukan nating himayin kung isa ang mawawala dito..

BCD lang ang meron ka– May break ka, may courage ka, may discipline ka

PERO wala kang abilidad.. Kahit anong gawin mong pagpupumilit, kung wala kang abilidad talaga para magawa ang isang bagay, wala ka talagang magagawa. .  Kumbaga sa Singer na sabog ang boses, “mag-trumphet ka na lang”

ACD lang ang meron ka– May Ability ka, may courage ka, may discipline ka

PERO wala kang break.. Sayang ang ACD mo pag wala kang Break.. Break as in chance para maipakita mo ang iyong kakayahan. Maabilidad ka nga, di ka naman nag-aapply ng trabaho o nagtatayo ng negosyo, magagamit mo ba ang talino mo? Paano nila malalaman ang natatangi mong abilidad sa management kung sa Farmville mo lang ginagamit ang talent mo? Minsan-minsan ang Break ang kusang lumalapit sa atin. PERO ang nararapat at ang kadalasan, tayo ang dapat maghanap ng Break natin. Alam mo naman palang magaling kang kumanta, pag may pacontest, sumali ka. Wag mong antaying madiscover ka pa ng mga germs sa banyo mo tuwing kinakanta mo ang Faithfully sa banyo.

ABD lang ang meron ka– Meron kang abilidad, meron kang break, meron kang discipline

PERO wala kang courage.. Sabihin na nating ubod ng talino mo, boss ang tatay mo ng pribadong hospital na pwede kang bigyan ng malaking break at disiplinado ka.. PERO takot kang manggamot dahil takot kang magkamali sa pag-oopera ng tao at pagrereseta ng gamot, sa tingin mo uunlad ka? Kung takot kang pumiyok sa singing contest, makakasali ka ba? Kung takot kang mamamatay sa pagka-crash ng eroplano, di mo na ba itutuloy ang iyong pagpipiloto? Tanggalin natin ang daga sa dibdib. Ika nga ng nanay ko “Kung kaya nila, kaya ko rin!”. Ika naman ni Boy Condom “Think positive! Wag kang aayaw!”.

ABC lang ang meron ka– May abilidad ka, may Break, may Courage

PERO wala kang disiplina.. Matangkad ka at malapad ang iyong katawan, shooter ka sa tres tulad ni Reggie Miller, Kung dumakdak ka pa kawangis mo si Harper. Nakapasok ka sa PBA na isang malaking break. Buong-buo ang iyong loob tulad ni Pacman. PERO nung nakatikim ka na ng pera, dangal at dalaga, nalimutan mo na ang lahat pati ang iyong disiplina. Tumikim ka ng droga, inalipusta mo na ang iyong ina, sinumbatan ang iyong asawa at nanggulpi ka pa ng tuta. Sa umaga, imbis na mag-jogging wala kang ginawa kundi magpa-banjing-banjing. Sa praktis, imbis na magpapawis nagtatago ka sa sulok tas nagpapahid na lang ng langis. Ang disiplinang pang apat na susi sa kaunlaran ay tuluyan mo ng inalis. Inihasik, itinapon at iyo pang winalis. Parang estudyanteng gustong pumasa ng exam, nangakong di na mag-dodota magpakailanman, pero isang tawag lang ng kaibigan, sasama ka nanaman.

ABCD–  May abilidad ka, may break ka, may courage ka at may discipline pa

Tiyak, wala ng hahanapin pa.

Ang pinakamauunlad na tao ay mga taong ordinaryo, pero may extra-ordinaryong determinasyon.

(Inspired by Engr. Umali, President of Trans-Asia.. kaninang hapon)

–Metaporista

0 thoughts on “ABCD

  1. tama tama

    isa nanamang napakagandang post

    nakaka inspire..

    tama yun kailangan meron ka nyang apat na yan.. ako ang bagay saken dito ay acd.. kasi wala akong break toinks!

    sana dumating na yun para go go go na ang lola mo hihi 😉

    padaan ulit 😉

  2. Hang galing ng pagkaka xplain mo ng ABCD! dito muna ako tatambay mag babackread lng muna ako:-) pahingi na lng kape yung black please ahahaha

    hug kita sa blogroll ko ha:-)

  3. ah akala ko multiple choice ito, na-excite pa naman ako. hehehe pero kung nawala man ang excitement ko at least na-motivate naman ako.

    tama ka ang iyong explanation from a to d. kailangan i-hone natin ang ating ability, i-take ang ating break, be courageous at magkaroon ng discipline.

    sa lahat hirap na hirap ako sa huli. hayyy

    mabuhay!

  4. inspiring 🙂

    “A” lang ata ang meron ako. (yabang e ‘no?)
    basta. basta. gagawa ako ng sarili kong “B”
    at hahanapan ko ng paraan na magkaroon ako ng “C” at “D”.

    salamat sa post na ‘to ^^

  5. importante rin yung E.

    E as in entertainment.hahaha!

    its like sharpening the saw sa 7 habits.you have all the ABCD but eventually,kailangan mong humanap ng paglilibangan.

    sabi nga,all work and no play makes john a dull boy.

    nice post,metaporista!!!ang gaganda talaga ng post mo!!!

    1. mahusay!

      isang eye-opener sa bawat Pilipino!

      tama nga naman wag tayo makuntento sa “pwede na yan”

      as much as possible, kung kaya naman natin gawin, dun tayo sa “da best”.

      Sinasalamin ng ating mga gawa kung anung klaseng pagkatao meron tayo.

Leave a Reply