Testiko

Testi ko


Naalala mo pa yung isang testi ko sa iyo?

Na sabi kong i-approve mo..

Pag handa na ang mga tao na tanggapin,

ang ating isang malinis na sikreto..

Siguro nalimutan mo na?

Dahil FB na ngayon ang nangunguna..

Wala ng oras para balikan..

para tingnan at sulyapan,

ang matatamis na hakbang na ating sinimulan..

Bakit ko pa nga ba gusto na iyong balikan?

E andun ang iyong nakaraan at ako’y masasaktan lang..

Dahil siguro’y natanggap ko na naman..

Mga panahong kinikilig ka pa, sa inyong mga munting kwentuhan..

Kung pait man ang natikman mo sa akin ngayon,

at tamis ang nadanasan mo sa kanya noon,

Wala akong magagawa dahil inipit ako ng panahon.

Gustuhin ko mang pangunahan ay di pa rin masimulan,

dahil ang istrikto nilang isip ay walang mauunawaan.

Naalala mo na ba ang isang testi ko sayo noon?

Magbilang ka ng taon, sigurado, maaapruban mo na rin iyon..

Wag kang magtaka kung ba’t ambagal ng panahon..

Hawak kasi nila ang oras at pinababagal nila iyon..

Walang hanggang ekstensyon,

kahit alam na nilang mayroon ng direksyon..

Wag kang mag-alala,

tititigan ko na lang sila.

Alam ko wala akong mata,

kaya pikit na lang akong tatanga.

Mag-aantay na ang aking testi,

Maapruban at mapanindigan mo na.

–Metaporista

0 thoughts on “Testiko

  1. Isang naiwanang nagpumpon noong panahong ginigiliw ang araw at gabi.
    Isang magdamag na pagtitig pa lamang sa bituin ay langit na.
    Ngayo’y pag-alala na lamang ba ang magdurugtong sa TestiMo?

    Hi Met

  2. ang friendster at ang kanyang testimonial.

    kung anumang hiwaga ang naiwan sa mga limot na pahina niya at testing di pa naaprubahan,malamang naman na sinang ayunan niya yun ng lihim o tuluyang winalang bahala upang maiwasan na umasa ka o masaktan.

  3. nakakatuwang balikan ang simula ng mag patok na SNS ngayon sir, ang FS, at talagang paramihan ng friends at ng testimonials at comments, mga alaalang masarap balikan, minsan naman ayaw na.

    bilangin man ng ilang taon ang pagkapending ng testi na yun, alam kong nabasa niya ito.

    sabi nga one click matters. baka hindi pa panahon para i-click ang button ng approve. sa takdang panahon.

    be blessed sir!

  4. ang panahon ay lumilipas at nagbabago
    gaano ka mang kahalaga’y maaring magbago
    siguro’y hindi sya para sa iyo
    may nakalaang iba para sa isang tulad mo.
    .
    hindi ko nais na ika’y saktan
    nais ko’y tanggapin mo ang katotohanan
    ang bumilang ng taon para sa isang click
    hindi siguro tama para sa isang chick…^_^

Leave a Reply