Tapat na Asawa


May tatlong lalaki na sabay-sabay na namatay sa magkakaibang lugar.  Pag-gising nila nasa harap na sila ng sabungan ni San Pedro sa langit.

‘Andito kayo ngayon sa harap ko para desisyunan ang inyong magiging kapalaran..’ Bungad ni San Pedro. ‘ Tatanungin ko kayo isa-isa at pag kasinungalingan ang isasagot niyo, ibubulid ko kayo sa impyerno!’

Tinanong na ni San Pedro ang unang lalaki

‘Ilang beses mo niloko ang asawa mo?’

Sumagot ang lalaki

‘Nalalaman po ninyo, kahit isang beses sa buhay ko ay hindi ko niloko ang asawa ko..’

‘Dahil totoo ang iyong sagot at naging tapat ka sa iyong asawa, bibigyan kita ng mansion dito at Limusin para sa iyong service.. ‘

Sumunod naman ay ang pangalawang lalaki

‘Ilang beses mo niloko ang asawa mo?’

nahihiyang sumagot na..

‘Apat na beses ko po niloko ang asawa ko sa buong buhay ko.’

‘Dahil inamin mo ang katotohanan pero hindi ka masyado naging matapat sa asawa mo, bibigyan kita ng 5-storey apartment at BMW pang transpo mo’

Tinawag na niya ang huling lalaki at tinanong

‘Ilang beses mo niloko ang asawa mo?’

Nanginginig na sumagot ang lalaki na..

‘Siyam na beses ko po niloko ang asawa ko.’

‘Dahil nagpakatotoo ka kahit hindi ka naging tapat sa iyong asawa, bibigyang kita ng isang unit sa condo at mazda 3 pang service’

5 oras pag katapos ng pagkakabigay sa kanila ng kanilang gantimpala ay nakita at narinig ng pangalawa at pangatlong lalaki na umiiyak ng malakas ang unang lalaki at dahil sa pagtataka ay nilapitan nila ito.

‘Pare! ba’t ka umiiyak?! Nagkaroon ka na nga ng mansion at limusin umiiyak ka pa?! Ikaw na nga ata ang pinaka-pinagpala sa atin e!’ pagtataka ng pangalawang lalaki.

‘Ano bang problema mo?’ Tanong ng pangatlong lalaki.

‘Masama ang loob ko e.. Ang sama-sama.. Ang sakit-sakit…’

‘Aba’y bakit nga????!!!!’ sabay na tanong ng dalawa.

‘Nakit.. nakit.. nakita ko kasi.. kasi yung.. yung asawa ko kanina.. naka-BIKE..’

 

crying

 

-Cramzy

0 thoughts on “Tapat na Asawa

  1. Baka naman ganito, nung tinanong yung asawa nya ang sabi ni Misis: Nanloko po ako ng sampung beses. Pero ang totoo ay naging matapat sya. Pero dahil nagsinungaling sya binigyan sya ng bike.

    O kaya, nag-e-exercise lang si Misis kaya naka-Bike.

    Ang punto ko? Wala. Hehe. Meron. Mag-usap muna sila, huwag muna manlumo at umiyak, baka isa lang itong malaking misunderstanding.

    CHOS! Ang totoo, naaliw ako sa kwento, ang dami ko pang sinabi. 🙂

    1. di siya nagsinungaling kasi pag nagsinungaling nga raw ibubulid sa impyerno.. hahaha.. malay mo nga naman kung nageexercise lang yung babae at nanghiram lang ng bike.. hehehe katuwa ka naman salbe!

  2. haha. natuwa nman ako. pero naisip ko din, akala ko umiyak yung lalaki kasi faithful sya sa asawa nya pero pagkita nya sa lupa, hindi pala.pero baka nga ganun. hindi tapat sa kanya yung asawa nya!

    ang cute ng kwento! like!

    love,
    katingera

  3. nung una akala ko kaya sya umiyak dahil naawa sya sa asawa nya, tapos binasa ko ulit..ayun!..

    e di, i-share nya nalang ang kanyang mansion at limusin, everyone deserves a second chance.. naks!

    hehehe, pero natuwa ako sa comment ni salbe.

    1. second chance anini? yung syam na beses nga na nanloko ng asawa naka mazda 3 e, isipin mo na lang kung ilang beses sya niloko ng misis nya para bike lang ang nakuha. tsk

      pero pwede nga din ung sinabi ni salbe, baka sinabi ni misis na niloko nya ang mister nya kahit hindi nman. toinks lang.

  4. ahahah. 🙂 baka yung bike eh bonus lang din sa mansion at limousine kasi matapat na siyang asawa, pinagsilbihan pa niyang mabuti husband niya(parang yung mga nakakabit na free shampoo sa binibili mong conditioner). 😉 hahah

    likey! 🙂

    gandang araw met! 🙂

Leave a Reply