Husband ver.1.0

Isang babaeng desperada ang humingi ng tulong sa Technical Support.

——

Dear Technical Support,

Nung nakaraang taon in-upgrade ko ang Boyfriend ver.5.0 pa Husband ver. 1.0 at napansin ko na ang bagong system ay nagsimulang magbago ng mga bagay na hindi ko inaasahan tulad na lang ng pagbibigay ng bulaklak at alahas na maayos at perpektong gumagana noon sa Boyfriend ver.5.0.

Dagdag pa doon, maraming mahalagang program ang natanggal tulad na lamang ng Romance ver. 9.9. Maraming bagong nadagdag tulad na lang ng NBA ver.5.0 at PBA ver.3.0. Hindi na rin gumagana ang Conversation ver.8.0 at ang House Cleaning ver.2.6 ang program na halos sumira na sa buong system dahil sobrang madalas magamit. Pinapagana ko yung Nagging ver.5.3 para maayos ang problema pero hindi ko mapagana.

From: Mrs. Desperada

—————————————————————————

Agad namang sinagot ng Technical Support ang sulat ni Ms. Desperada

Dear Mrs. Desperada,

Laging tandaan na ang Boyfriend ver.5.0 ay isang entertainment package, samantalang ang Husband ver.1.0 ay isang operating system. I-input mo ang command na “C:/I THOUGHT YOU LOVED ME” at mag-install ka ng Luha ver.6.2. Sigurado na ang Husband ver.1.0 ay otomatik na mag-bubukas ng program na Guilty ver.3.0 at Flowers ver.7.0. Pero tandaan mo na pag madalas mo itong gagawin, ang Husband ver.1.0 ay magpapatakbo ng ibang programa tulad ng Tahimik ver.2.5, Happy Hour ver.7.0 o kaya ay Beer ver.6.1. Ang Beer ver.6.1 ay isang masamang programa na magdudulot ng malakas na paghilik. Wag kang mag-iinstall ng Mother-In-Law ver.1.0 o kaya ay magre-install ng ibang Boyfriend Program dahil hindi suportado ang mga programang ito at posibleng makasira sa Husband ver.1.0.

Sa madaling sabi, ang Husband ver.1.0 ay isang napakagandang programa, pero limitado lang ang memory nito at hindi agad-agad natututo ng bagong mga applications. Ipinapayo ko sayo na bumili ka ng pandagdag na software para mapag-buti ang pag-gana nito. Personal ko sayo na inirerekomenda ang Hot Food ver.3.0 and Lingerie ver.5.3

Truly yours,

Technical Support

–Cramzy

0 thoughts on “Husband ver.1.0

    1. Pwede pero mukhang imposible yan. Sabi nga nila, lumalabas daw ang tunay na ugali ng tao pag kinasal na. Pero kung matagal naman na kayong magkarelasyon (Boyfriend/girlfriend) ay makikilala niyo na ang isa’t isa at magpapakasal lang kayo kung sa tingin niyo na sigurado na, wala ng bawian.

      Ang babae ay sensitive. Minsan makalimutan lang ng lalake ang anniversary date ay nagtatampo na. Lalo na pag wala itong natanggap na bulaklak at chocolate o regalo. Nakakalimot na ba talaga ang lalake?

      Dapat panatilihin ang liyab ng pagsasama. Dapat consistent. Kapag nararamdaman na ng babae na parang nagbabago sa kanila yung lalaki, alamin nila kung bakit.. Baka naman kasi ang babae ay nagkukulang din sa pag-aasikaso. Oo, mapaghanap ang mga babae… ganun din ang lalake..
      Sabi nga Hot Food ver.3.0 and Lingerie ver.5.3 ang sikreto dun.. hahaha

Leave a Reply