Kelan ka pa huling nakakain ng Sardinas?

Kelan ka pa huling nakakain ng sardinas? Kahapon lang? Last year? 5 years ago nung panahong wala ka pang matinong trabaho?

Sino ang karaniwan mong nababalitaang namamatay sa sakit sa puso, ang mayayaman o ang mga mahihirap?

Ang pagkasobra sa matataba o malalangis na mga pagkain ay nakakasama sa ating katawan tulad ng paborito mong chicharon, taba ng baboy sa sinigang, taba ng baka sa bulalo at beef pares at iba pa at higit sa lahat, ang all-time favorite na Lechon Baboy.

Hindi lahat ng taba ay masama sa katawan tulad ng coconut oil, fish oil at iba pa. Karaniwang kilala ang mga mabubuting mga langis sa pagbibigay ng Omega-3 sa ating katawan. Ang Omega-3 ay isang fatty acids na esensyal sa ating katawan. Oo, ito yung naririnig natin sa patalastas ng Century Tuna.

Ngayon, kung ikaw ang tatanungin, anong mas gugustuhin mong kainin? Tuna o Sardinas?

(Pumili ng iyong totoong sagot..)

Bilang isang normal na tao, kung bibigyan ako ng chocolate at kailangang mamili ng isa lang sa Snickers at Cloud 9, natural na mas pipiliin mo ang Snickers. Aba’y syempre libre iyon at alam naman nating mas mahal ang snickers kaysa sa Cloud 9. Isa pa, mas nasasarapan ako sa Snickers.

Ganito rin ang kalagayan ng mga kababayan nating mahihirap. Kung papapiliin tayo kung Century Tuna na lapad vegetable oil o 555 Sardines na berde, aba’y malamang sa malamang ay Tuna ang pipiliin nating ulamin. PERO, may kamahalan ito kaya’t ang mga mahihirap na wala namang kakayahang makabili ng tig-trenta pesos na de latang tuna ay bibili na lang ng sardinas.

Pero bakit kahit sardinas lang ulam nila ay mas malakas ang resistensya nila at karaniwang mas mahaba ang buhay kesa sa mga mayayaman? Yun ay dahil mas mayaman sa Omega-3 ang sardinas kesa sa Tuna! Pinaka-mayaman sa lahat ang Salmon na isda sa Omega-3 pero ubod ito ng mahal.

Isa pa, ang Tuna ay malalaking isda na walang kaliskis. Samantalang ang Sardinas ay maliliit na isda na may kaliskis.

Dahil maliit na isda lamang ang sardinas, mayroon itong kaliskis, maliit ang tiyansa nito na makakuha ng mga toxins sa karagatan tulad na lang ng Mercury at Lead. Ang mercury ay isang karaniwang dahilan ng brain damage at karaniwan itong nakikita sa biological water. Ang malalaking isda gaya ng Tuna ay mas delikadong kainin kumpara sa sardinas dahil mas malaki tiyansa nilang makakain at ma-expose sa iba’t ibang klaseng toxic sa katubigan.

Ngayon, ibig ko bang sabihin ay mabuting kumain ng de latang sardinas lagi?

Hindi rin makakabuti ang pagkain ng mga de latang pagkain dahil meron na itong preservatives. Bagaman ang preservatives ay nakakatulong para mapanatiling sariwa, malasa, maayos at masustansiya ang ating pagkain, ang mga kemikal na hinahalo dito kung minsan ay nagdudulot ng masasamang epekto sa katawan. Kaya, mas inirerekomenda ang mga sardinas na nasa bote dahil mas sariwa iyon.

 

Swerte ang mahirap dahil kumakain sila ng sardinas kahit sawang-sawa na sila sa lasa nun dahil naaalagaan ang kanilang puso maige.  Darating din ang araw na tatangkilikin na rin ng mayayaman ang pagkain ng sardinas. Alam kong darating iyon.

Oo alam kong mahal niyo ang aso niyo pero wag niyo na silang ipagmalasakit sa pagkain ng Omega 3 na galing sa sardinas.. dahil tiyak, gagalisin ang mga yun.

 

–Metaporista

 

0 thoughts on “Kelan ka pa huling nakakain ng Sardinas?

  1. Salamat, katoto. May natutunan ako. At nagustuhan ko ang kabalintunaan sa pagitan ng kinakain natin at kung ano ang yaman natin. Katuwang puna. Nasa dulo talaga ang “huling paghuhusga.”

    Napadaan lang po. Ayos dito.

  2. hahaha! un pala silbi ng kaliskis. ayus sa paliwanag ah, inabangan ko sa ilalim kung mag-eendorse ka ng brand ng sardinas, pero picture lang ang nandun.

  3. tol met,napaka informative nito ah.

    mas papatok siguro ang sardinas kapag may libreng toothbrush at toothpaste silang ka bundle.hahaha!

    ang sardinas,katulad ng galunggong,dati silang simbolo ng masa…ngayon kasi,chichirya na lang at asin.

Leave a Reply