Ang Lihim ng Dubai

photo by jaydee pan

Minsan mo na bang naitanong..

‘Bakit ang daming kailangang trabahador sa Dubai?’

‘Hindi pa ba sapat ang bilang ng mga trabahador doon at kailangan pa nilang maghanap ng taga-ibang bansa?’

‘O baka mas makakatipid sila pag pilipino ang kukuhain nilang trabahador?’

‘O baka mas magagaling lang talagang magtrabaho ang mga bayani nating pilipino kesa sa mga kalahi nila?’

———————————————-

Ang Dubai ay isa sa pitong emirates (states) ng United Arab Emirates. Ikumpara natin ito sa ating Metro Manila para mas makita niyo kung ano ang kalagayan niya.

Land Area:

Dubai: 4114 km2

Metro Manila: 638.55 km2 —    (kulang-kulang 6.5 times na mas maliit sa Dubai)

Population:

Dubai: Approximately 2,262,000 as of 2008

Metro Manila: Approximately 11,553,427 as of 2007  — (Higit 5 times ng populasyon sa Dubai)

Gross Domestic Product:

Dubai: US$ 82.11 billion as of 2008

Metro Manila: US$53.13 billion as of 2009

Ayon sa numero, makikita na 6.5 times na mas malaki ang Land Area ng Dubai kesa sa Metro Manila pero 5 times na mas maliit ang populasyon nito(2008 ng Dubai at 2007 ng MM). Masyadong masikip ang Metro Manila kumpara sa Dubai kung ang pag-uusapan ay ang dami ng populasyon nito.Pero sa liit ng populasyon nila ay mas malaki pa rin ang kanilang GDP kumpara sa Metro Manila.

Bakit?

————————

Meron tayong 3 uri ng Resources:

1. Renewable– Mga hindi nauubos

  • Araw (sun), Hangin

2. Potentially Renewable– Mga pwedeng maibalik sa mabilis o sa matagal na panahon

  • Fresh air, Fresh Water, Fertile Soil, Halaman at Hayop

3. Non-Renewable– Nauubos at limitado lang ang dami

  • Langis, Metallic at Non-Metalic Mineral

——–

Ang sagot sa tanong na ‘Bakit?’ ay dahil ubod ng yaman ng Dubai sa langis… Oo, alam kong alam niyo na yun.. Pero sabi ng mga eksperto, ang langis, bilang isang Non-Renewable resources ay mauubos na sa kanilang lupa sa loob ng 20 taon.

At pag nangyari iyon, mawawalan na sila ng source ng income..

KAYA.. para makabangon sa peligrong mangyayari sa kanilang bansa sa darating na mga taon, nag-isip sila ng paraan ng ibang pagkukuhanan ng kita.

At yun ay yung Sikretong pang-apat na Resources. Yun ang tinatawag natin na ABSTRACT RESOURCES. Ang halimbawa niyan ay ang magagandang mga tanawin.. na kahit titigan mo ng titigan ay hindi mauubos. Sa madaling sabi, TURISMO ang kanilang payayabungin para isalba ang kanilang malapit ng malunod na ekonomiya.

Paano ka dadayuhin ng mga turista kung laging fully booked ang mga hotel? —E di magtayo ng maraming magagandang hotel at building. (Para maging posible at mapadali, kailangan ng magagaling na trabahador, kaya maraming trabaho)

 

 

 


Paano ka dadayuhin kung meron naman sa mga bansa nila ng mga lugar na makikita nila sa inyo? — E di gagawa kami ng kakaiba! Gagawin namin ang pinaka-mataas na building sa buong mundo! Gagawa rin kami ng ubod ng gandang Man-Made na Isla! Gagawin din namin ang pinakamalaking Airport! Titiyakin naming sulit ang kanilang pagpunta sa Dubai! (Kaya mas maraming trabaho)

 

 

 

 

 


————————————————-

Kung tutuusin, ang Pilipinas ay ubod ng yaman sa ABSTRACT RESOURCES. Ang problema, hindi lang naaalagaan at pinapaganda ng maayos. Isipin niyo, ginawang solusyon ng Dubai ang pagpapaganda ng kanilang lugar at para magawa nila iyon ay kailangan nilang lustayin ang malaking halaga samantalang tayo, andyan na, ayan na sa harap mo ohhhhhh, pero anong ginagawa natin?! Isipin niyo kung gaano tayo kapalad, isipin niyo kung gaano na sana tayo kayaman ngayon.

 

Banaue Rice Terraces

 

 

Boracay

 

3 Bagay na mahalaga:

1. Infrastructure — Artistic.. Safe.. Economic..

2. I-rehabilitate at mas pagandahin ang mga Tourist Spots natin — Ang problema pagkasakay pa lang nila ng Taxi sa NAIA paglabas ng airport sasalubungin na sila ng mga mga basura sa tabi-tabi. Mag-lalangoy sa beach, sasambulat sa kanila Diaper ng baby na nakarolyo pa.

3. Safety ng mga Turista — hindi sila pumunta dito para ma-hostage at mamatay.

Ang lihim ng Dubai? nagkakaisa silang tunay.

–Metaporista

http://en.wikipedia.org/wiki/Dubai

http://en.wikipedia.org/wiki/Philippines

http://en.wikipedia.org/wiki/Metro_Manila

0 thoughts on “Ang Lihim ng Dubai

    1. Oo tama ka. Sobrang dami pa. Actually kahit wala ng gastusing malaking halaga ay marami na tayong Abstract Resources. Kahit yung tipong pagmamalasakit na lang mismo ng mga tao na alagaan yung lugar ay ok na.

  1. ang ganitong issue,laging nauuwi lamang sa tatlong napaka importanteng issue na mukha na ng suliranin ng ating bayan noon pa man.ito ay ang kawalan ng:

    1. self discipline.

    2. pagkamaka-bansa

    3. sapat na edukasyon

  2. miss na miss ko na sa bansa natin sir M, sa kagaya kong nasa ibang bansa mas appreciated ko ngayon ang bayan natin at mas lumalawak ang aking kaisipan kung ano ang kulang sa atin bilang isnag bansa.

  3. siguro, kung ang ugali ng mga pilipino ay katulad nating mga wordpress bloggers na nagkakaisa, na tumatanggap ng puna ng iba, at open minded, tiyak, aasenso ang pilipinas.

    hmmm… metaporista for chairman! ahoo ahoo!

  4. Proud ako sa likas na ganda ng Pilipinas. Minsan nalulungkot din ako sa kinahinatnan natin sa ibang aspeto.
    Pansinin ang mga paliparan at pantalan.Kulang sa pag-aalaga.

    Tunay na maganda ang iyong sinulat. 🙂

  5. Ang galing naman ng writer na ito. Talaga nga namang kapuna-puna ang dfami ng bilang na kailangan ng Dubai sa mga nagdaang panahon t sa tingin ko ay sa mga darating pang panahon. Very informative ang blog na ito.

    1. Oo may punto ka diyan. At isa lang ang tinutumbok niyan. Kung may disiplina ang lahat, walang polusyon, populasyon (na sobrang bilis sa pag-lago) at lalong lalo na ang korupsyon.

  6. Para lang po hindi maligaw ang marami lalo na para sa mga kababaihan tungkol sa magandang pananaw, naririnig at kwento sa Dubai at umaasang makapagtrabaho sa lugar na ito at sa bansang UAE. Sa panahon pong ito at sa kalagayan ng lugar na ito sa ngayon, umaasa po ang Dubai na maibalik ang dati niyang estado kagaya ng magandang halintulad ng Dubai sa MM sa “Ang Lihim ng Dubai”. Hindi po ito ang tamang panahon para makipag sapalaran sa lugar na ito kung kayo ay pupunta dito ng VISIT VISA. Paalala lng po sa lahat ng nag nanais na pumunta sa lugar na ito, maari po lamang na alamin mabuti at kilalanin ang taong kausap ninyo, employer o nais mag VISIT visa sa inyo papunta dito LALO NA para sa mga KABABAIHAN, kung may kakilila kayong nandito na ay humingi ng opinyon ukol sa inyong pagpunta dito at wag mag atubiling magtanong sa kalagayan ng Dubai o ang bansang UAE. Ito po ay paalala ko lang LALO na ulit para sa mga kababaihan upang maiwasan po natin ang paggastos ng malaki sa walang trabahong dadatnan o sa mga kapwa nating pilipino na matagal nang nandito at mapagsamantala. Naiintindihan kong marami sa atin ang umaalis sa Pilipinas dala ang lakas ng loob at matapang na “bahala na” para sa nagbabakasakaling “pag-asa”. Sa linya po ng aking trabaho dito sa UAE masasabi kong mas nakikita ko ang ibat ibang klase ng pilipinong nandirito ngaun at dumating at kung ano ang ginhawa man o hirap ng buhay na hinaharap nila ngaun dito.

    1. Salamat ho ng marami sa pagbibigay ng warning sa mga kababayan natin lalo na sa mga kababaihan. Sa panahon po ngayon ay dapat hong maging sigurista muna tayo at wag sugod ng sugod. Salamat ho!

  7. Isa ang husband ko sa npkaraming Pilipinong nangarap mgtrabaho sa Dubai.. Pero dahil nakatagpo sya ng kasing sakim ng employer nya,, napilitan silang umuwi na lng ng bansa kahit hindi nakuha ang isang buwang sahod na pinaghirapan nila. Nagkaso sila sa Ministry of Labour pero sadyang malakas nag kapit ng damuhong employer. Iniisip na lang namin na may karmang dadating sa employer na ito.

  8. madali po sanang pagandahin ang mga lugar sa ating bansa, kaso ang pondo na dapat sanang ilaan para sa mga lugar na yan… sa bulsa lang ng mga may kapangyarihan napupunta… yun ang nakakalungkot sa ating bansa, makasarili ang mga nakapwesto sa gobyerno…

  9. Dito kc sa dubai konti lang namumuno. Alang mayor alang governor alang barangay chairman pero nasasaayos lahat. Kung Tutuusin mo yung isang emirate meron lang isang sheikh and then lahat ng kawanihan ng gobyerno centralized na. so meron talagang unity. Di katulad sa tin iba ibang opinyon ng bawat namumuno may nagkakampihan may nagaawayan so paano mo talaga sisimulan ang bawat magandang pagbabago sa bansa. Na sa halip magkabuklod buklod tayo mas nangingibabaw ang pagwawatakwatak.

  10. ofw ako d2 sa dubai at ngayon ko lng nalaman kung bakit pilit nilang pinagaganda ang u.a.e maganda ang naging paliwanag…at isa pa nabuhay ang pagkamangha ko sa ganda ng tanawin sa pinas. talagang nakakapanghinayang kung bakit hindi gano nabibigyan pansin ang pangangalaga sa likas na yaman ng bansa natin.

  11. wow ito ang pinas kaso paano tyo uunlad kung mrming kurakot s bansa ntin… kaya sana kso saan npu2nta ang pera sa bulsa ng mga pulitiko nah kurakot s atin….

    1. Yun nga ho ang problema natin, kung nagkakaisa lang ang lahat sa adhikain na buhayin muli ang pilipinas, sa turismo pa lang buhay na tayo. Napakayaman natin, di lang talaga nagagamit ng maayos.

  12. ang maganda lang sa dubai para sa akin ay ang pagiging malinis ng paligid at tahimik. pwede kang gumamit ng cellphone sa labas at di mo kailangan

    at kung di alam ng lahat, baon sa utang ang dubai. di masyadong maganda ang ekonomiya kumpara noong 2008.

    overall, dubai is overrated, imho.

  13. tol met,pwede mo bang maipahiram sa akin ang badge code mo ng gravatar?

    gusto ko lang isama dun sa list ko ng tambayan ng makabayan.well deserve kasi eh.

    salamat!

  14. Nice Article very informative… nakuha mo ang bawat anggulo…

    Kung tutuusin marami talaga tayong magagandang tanawin na hindi na natin kailangan gawin bagkus pagyamanin at pagandahin…

Leave a Reply