Mali

Pulis nahuling nag-shashabu..

Paring nang-momolestiya ng bata..

Bumbay na nangungutang..

Professor na tamad pumasok..

Magulang na nambubugbog ng anak..

Mali.. Parang may mali? Parang.. iba..

Iba sa pandinig, nakagawian at kinamulatan. Kung sino pa ang dapat na nanghuhuli ng mga durugista, sila pa pala ang mga suki at number 1 user. Kung sino pa ang dapat na walang ginagawang kalapastanganan, sila pa ang nangunguna at buong tapang na gumagawa ng kasamaan. Kung sino pa ang dapat na nagpapautang ay siya pa ang di makapagbayad sa kanyang mga pinagkakautangan. Kung sino pa ang dapat na masipag na nagchecheck ng attendance ay siya pa ang laging absent. Kung sino pa ang dapat na nag-aaruga at nagmamahal sa anak, sila pa ang walang habag kung mamalo at mambugbog. Kung sino pa ang inaasahan nating magbabago, magproprotekta at magpapa-unlad sa ย ating bayan ay sila pa ang nagiging ankla na nagpapabigat at nagiging dahilan para di na tayo makausad sa ating kinalalagyan.

Oo tao lang sila. Nagkakamali. Tao lang sila kaya pwede silang tumikim ng droga. Tao lang sila at pwede silang mang-molestiya ng bata. Tao lang sila kaya pwede silang mangutang at di na nila bayaran. Tao lang sila kaya pwede silang madalas na umabsent. Tao lang sila kaya pwede silang mambugbog ng anak. Unawain natin sila.. tao lang kasi sila.

Buti na lang pala naging tao sila. Buti na lang at mayroon silang paraan para takasan ang kanilang mga pagkakamali.

Hayop! Peste! Imoral! Mga dipunggol! Salot! Menopausal bitch!

Itawag niyo na kung anong gusto niyong itawag sa kanila. Ibato niyo na ang pinakamabigat at matalas na bato sa kanila. Laitin mo sila. Ipahiya. Duraan sa mukha. Bugbugin. Sumpain. At pag di ka makuntento, iyo silang patayin. Tutal may karapatan ka naman dahil malinis kang tao. diba? Wala kang kasalanan, perpekto ka at di ka nagkasala diba?

—-

Ang isang bote ng tinta kahit matapon sa buong karagatan, hindi madadamay ang buong katubigan.

Hindi porket may pulis na nagshashabu, lahat na ng pulis ay nagshashabu.

Hindi porket may professor kang tamad pumasok, lahat na ng professor sa school niyo ay tamad na.

—-

Ok lang sana magkamali kasi nga tao lang tayo. Kaya lang, ang problema dun kung minsan ay hindi mo na mababalik sa dati ang lahat. Ika nga ng Parokya ni Edgar na ang tsokolate ay parang tiwala pag nasira na mahirap ng ayusin pa di kayang ipagdikit pag nalusaw na sa init. parang tiwala pag naubos na bigla biglaan talaga! mahirap ng makita kapag minsa’y nawala..

Tinatanggap na lang natin ang pagkakamali ng iba. Mas ok yun. Kesa ang gawin mong solusyon sa pagkakamali ay isa pang pagkakamali.

May iba-iba rin kasing klase ng pagkakamali.. may nakakabadtrip at may nakakalaughtrip.. Ang halimbawa ng mga nakakabadtrip ay ang mga nasa taas ng paragraph na ito at ang nakakalaughtrip naman ay ang mga nasa ibaba.

1. Wrong Spelling

2. Wrong Grammar/double meaning

0 thoughts on “Mali

  1. hmn… di naman ‘ata dapat kamuhian ang bombay na nagungutang. siguro lang, tinitingnan sya ng masama ng mga magpapautang na bombay, hi, hi. ๐Ÿ˜€

    palagay ko, medyo mahirap kutsarahin ang baboy… pero, pwede rin, hehe.

    at hahaha, medyo may logic ‘yong sleep with a cop. :- dapat yong poging pulis, ha? ๐Ÿ˜€

  2. hahaha! the best yung gaurdian angel na tattoo! kumbaga eh paalala yun na huwag kang magtiwala sa ibang tao lalo pa’t may gagawin siya sa iyong likuran.

    on serious note, mapapansin rin kasi natin na ang dali nating makalimot sa mga pagkakamali at minsan, pinapalmpas na lang natin basta.

    basta ako,spellling bee champion ako!!!

    1. di ko lang alam kung anong magagawa ko dun sa nagtattoo pag sakin nangyari yun. Permanente pa naman at matindi pa nun ay tiniis ko pa ang sakit ng karayom para lang sa isang pagkakamali.

  3. hahaha para sa mgalaughtrip sir M.
    tanda ko pa nung HS ako sa isang unibersidad 1st year yata iyon ang unang oral defense namin sa Eng subject ay maghanap/picture-an ang mga may maling grammar, at one time sa mall habang bitbit at sabahy kuha ng maling pangalan ng isang stall ay nagkakomosyon at nareport pa kami sa management hahaha, pero yung iba naman ay cooperative at ni-aayos nila ang mag mali.

    dun sa mag seryoso naman na nauna, ewan ko ba kasi ako di ako naniniwala sa dahilang kasi “tao lang ako” ako siguro ang may problema.
    mahina din ako sa grammar hahaha

    1. sabi rin kasi ng iba sa laughtrip na pagkakamali, “basta nagkakaintindihan, ayos na! parehas lang naman yun..”

      Sabi nga, “Kahit ang magaling na manunulat ay gumagamit din ng pambura..”

  4. hahahaha mga simpleg bagay na hindi kadalasan napapansi ng iba parag yung nasa jollibee bab yun hehehehe…..sosyal nan security measure yung sa pulis. :p

    padaan po ๐Ÿ˜›

Leave a Reply