Money begins money. Nothing begins nothing.

Money begins money. Nothing begins nothing.


Narinig nyo na ba ang kasabihang yan?


Kung tatanungin mo ang ibang tao kung ano ba ang kanilang pinagkakaabalahan sa buhay, hindi nila ikahihiyang sabihin ang sagot na nagha’hanap-buhay’.


Hanap-buhay = Trabaho o Negosyo o Panghoholdap o Pangongotong o ano mang paraan para makahanap ng kikitaing pera para pantawid sa araw-araw na buhay, in short ‘Hanap-pera’ na ngayon ang katumbas ng hanap-buhay.
Pero ayon kay Mama Susan sa kuwento ng violet na libro ni Bob Ong, ang tao ay kayang mabuhay ng wala ang mga makabagong teknolohiya. Kahit walang kuryente, kahit walang TV at kahit walang computer. Kung tutuusin daw, ang mga teknolohiyang iyan at mga pera pa ang gumugumon sa atin tungo sa kasamaan, sakit,  kasalanan, di pagkakapantay-pantay at di pagkakaunawaan. Teknolohiya din daw ang sanhi ng mga nararanasan natin ngayong mga delubyo at pagbabago sa ating klima na kapareha rin ng sinasabi ni Al Gore. Ibig sabihin, hindi pala dapat ‘Hanap-pera’ angkatumbas ng ‘Hanap-buhay’ dahil ang iba ay nabubuhay pa rin kahit walang pera. Sa mga lugar na puno ng teknolohiya lang nagiging magkatumbas ang dalawang termino tulad ng Maynila na imposibleng makapamuhay ka ng wala kang salapi.


Money begins money.. Nothing begins nothing..Magkakaroon ka ng pera pag may pera ka..Magulo? Parang ganito yan. Mag-aapply ka ng trabaho sa Jollibee e kailangan mo ng uniform at pamasahe bago simulan ang training. Paano ka makakapagsimula kung wala kang pera? Gusto mo maglako ng mga kakanin sa kalye tulad ng Biko at Maha Blanca, e wala ka ngang pambili ng evaporadang gatas at malagkit na bigas. Paano ka makakapagtinda? At ang pinakamagandang halimbawa diyan ay si Mang Henry Sy. Kilala naman natin siya diba na nagmamay-ari ng mga SM sa buong pilipinas. Noon wala pang mga SM na mall pero nung pinasok ni Mang Henry, siya na ang nangunguna sa buong pilipinas sa larangan ng Mall. E medyo nabato yata siya kaya sinubukan niya na rin ang magtayo ng Bangko at ayun tinayo niya ang Banco de Oro at sa paglipas lang ng ilang taon, nilamon na niya ang mga bangko na nangunguna noon sa Pilipinas ng matagal ng panahon. Oo, naungusan na niya ang Metrobank at BPI. Ngayon naman ang pinasok na niya ay ang construction at tinayo na niya ang SMDC at kahit saan ka bumiyahe ay makikita mo ang kanilang mga proyekto na naglipana kung saan-saan. Money begins money.. Pag may pera ka na, mas madali na sayo ang magkapera pa. Kaya ang mayaman ay lalong yumayaman. At kung mahirap naman ang buhay mo, mas lalo kang ma-iistak sa pagiging mahirap dahil ‘Nothing begins nothing’.


Para pala makaangat sa buhay ay kailangan mo ng Kapital. Pwedeng mag-loan sa banko, humingi ng tulong sa gobyerno at ang pinakamaganda at siguradong kapital sa lahat, ang edukasyon. Kumbaga pag nakapag-aral ka ay sigurado ka na. Ngayon sasabihin ng iba, e ba’t andami ngang nurse ngayon na hindi makapagtrabaho kahit graduate na sila e. Aba’y wala na tayong magagawa dun. Una, nung nagdecide kang mag-nurse, ang nasa isip mo ba ay makatulong sa kapwa mo o para makapagabroad kasi in-demand at malaki ang kita? Kung makatulong sa kapwa ang iniisip mo at secondary lang sa iyo ang kita ay kahit anong trabaho pa iyan ay tatanggapin mo. Oo, alam namin na gusto mo lang makatulong sa pamilya at guminhawa ang buhay niyo kaya mo gustong makapag-abroad at kumita ng malaki. Isang sugal din kasi ang pagpili ng kurso, malaki nga ang kita pero mahirap naman makahanap ng trabaho ay katumbas ng paglalaro ng lotto na maliit ang probability na tumama kumpara sa Jack n’ Poy na mataas ang tiyansang mananalo ka. Pangalawa, magulang na rin ang tumulak at nagpumilit sa anak nila na mag nursing kahit ang gusto naman talaga ay HRM at Business Management tapos sisisihin niyo yung anak niyo kung bakit wala silang mahanap na trabaho? Kahit lalaki ang anak niyo at bata pa lang siya ay nakakitaan niyo na siya ng abilidad sa numero tapos pinilit niyo pa rin. Pangatlo, hindi kasi nalimitahan ng gobyerno ang pagbulusok ng mga kumukuha ng Nursing kasi nga naman may tinatawag tayong ‘Kalayaan’ na pwede silang mamili kahit anong kurso nila kahit na-foresee na nila na magkakaubusan at agawan na ng pwesto para sa mga nurses at bababa na ang value ng suweldo nila dahil sa sobra nilang dami.
Kaya sa mga susunod na henerasyon, pag sinabi na in-demand ang isang kurso at malaki ang kita sa US at Canada, pag-isipan niyo muna maige. Karamihan sa mga yan ay kelangan pa ng 3 to 5 years experience bago ka tanggapin.


2011 in-demand.

1st year college ka e 5 year course.

2016 graduate ka na.e kelangan ng 5 years experience.

2021 ka na makakapag-abroad.e hindi na indemand.

2029 andito ka pa rin at di pa rin nakakaalis.ok lang yun, atleast kasama mo pa rin ang pamilya, tunay na kaibigan at darling mo.
Payo ko lang, mas maganda kung ikaw ay magnegosyo pag handa ka na. Ikaw ang boss. Ikaw ang taga-utos. Ikaw ang kikita. Ikaw ang makakatulong at magtuturo sa mga tauhan mo kung paano umunlad, magsikap at magtapat. Mas maganda ang buhay ng taong yumaman dahil sa pagtitiyaga kesa yung biglang yaman lang. Kasi may value sa kanila ang pera dahil pawis at dugo nila ang pinuhunan doon. At hindi ang pagpila sa mahabang lottery na nag-papaasa sa milyon-milyong pilipinong uhaw sa pagtamo ng kaginhawaan sa buhay.

— Metaporista

0 thoughts on “Money begins money. Nothing begins nothing.

  1. Maganda nga ang pagnenegosyo, pero kung wala kang kapital, wala din. sabi mo nga, “Nothing begins nothing”. Medyo bias ito dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang magtayo ng sariling negosyo kasi madali akong masawa sa trabaho. Kawawa naman ang puhunan na malamang ay uutangin ko sa bangko at mga trabahador. Pero katulad ng sinabi mo, isa sa the best na hanap-buhay ay ang pagkakaroon ng sariling negosyo.

    Kapag tinatanong ako ng mga pinsan ko kung anong magandang kurso sa college, lagi kong sinasabi kung ano ang gusto mong gawin habang buhay hindi kung anong sikat na kurso ngayon. Isa din sa suggestion ko na kumuha ng kurso na hindi kilala, katulad ng BS Statistics. =) Dahil kung hindi popular ang kurso na kukunin kokonti lang ang ga-graduate. Less supply greater demand sabi ng Economics. Ah basta parang ganyan.

    Another great post metaporista!

  2. like ko ‘yong pic, hi, hi… 😀 saan bang branch ‘to ng mcdo at parang pamilyar? oo, pati si manong :s

    money begets more money. oo, iyan ay sa logic ng moneyed society where the most-prized commodity is money itself. yong m1+m2+m3 na inaaral sa disiplinang laging ang sabi ay ceteris paribus.

    ang masasabi ko dyan – ang money ay yong wala ako at meron sila, hwahaha… money ata is the rope society created for itself so it can hang itself in style. saan ko ba narinig ‘yon? :]

  3. super catchy. 🙂 honga honga. may mga punto ka nga.
    kelan kaya ako magkakanegosyo ng sarili ko? gah. good luck na lang siguro sa akin.. sa isang tulad kong gastador at one-day millionaire ang drama, nakow.. goodluck!

Leave a Reply