Ang Pagbangon ng Daruma

May rayot noon. Ang mga Israelita at Filiseo.

Golayat: Oi, ba’t pa ba natin kelangan mag-away-away lahat. Ganito na lang, Humanap kayo ng ilalaban sakin tapos pag napatay ko siya aalilain namin kayong mga taga-israel pero pag napatay at natalo ako alilain niyo kami. (Matalino si Golayat.. Ok daw na alilain sila.. E syempre patay na siya nun kung sakali)

Nasindak si Haring Saul at natakot. Nakarating kay Dabid ang balita.

Dabid: Yabang naman nun Haring Saul. Papatayin ko yung Golayat na yun. Payagan niyo na ako please?

Haring Saul: Techies ka ba at gusto mong magpakamatay? May gatas ka pa sa labi e yung kalaban mo may kalyo na ang labi. Pinanganak si Golayat para maging isang mandirigma.. E ikaw?

Dabid: Anong tingin niyo sakin? Kaya ko patayin yung Golayat na yun! Pag sinusunggaban ng Ursa at Demon Witch yung mga tupa namin inaagaw ko ito sa kanila at inililigtas. Nakarami na rin akong napatay ng iba’t ibang klaseng mababangis na hayop.

Haring Saul: Ah ganun ba. Sige papayagan na kita. Pili ka sa mga Armor ko diyan. Ay hindi pala lahat, yung Shiva kasi kinakalawang na. Pili ka na lang sa Cuirass at sa Blade Mail. Ipapahiram ko na rin sayo ang mga armas ko. Gamitin mo yung Divine Rapier ko.

Dabid: Salamat mahal na hari. (Sinuot na ni Dabid kaya lang nabigatan siya at di siya komportable dahil di sanay ang katawan niya) Teka, nagbago na isip ko Haring Saul, masyadong mabigat e. Ako ng bahala kukuha na lang ako ng 5 makikinis na bato sa lawa.





————————————————————————-

Golayat the Giant                                     Dabid the Vivid

Stat: 367-0-0                                                   Stat: 11-0-0

Height: 9’0″                                                       Height: 5’3”

Weight:  3 Inahing baboy                           Weight: 1 Biik

Weapon: Tansong Tabak                             Weapon: Tirador

SS: Walrus Punch                                           SS: Headshot Assasination

———————————————————————————-

Simula na ng laban..

Bumunot ng isang bato si Dabid at nilagay sa tirador. Ayun SS kaagad tinamaan sa ulo si Golayat at namatay. Binunot ni Dabid ang Espada ni Golayat at pinugutan niya ito ng ulo.

Hindi porket, malaki ang problemang babanggain mo ay dapat ka ng matakot at umatras agad. Dapat kasi wag manangan sa sariling kakayahan. Isipin mo lagi na may tiyansa ka. Higit sa lahat, hindi ka nag-iisa. Wag kang susuko. Maubos man ang lahat ng nasa paligid mo, yung nasa taas kahit kelan hindi mauubos yun at mawawala.

Sabi nga ng lola ni Nobita

“Nobita.. Tingnan mo itong daruma.. Ilang beses mang matumba, kusang tumatayo.. Ikatutuwa ko kung magiging katulad ka nitong daruma.. Ilang beses ka mang matumba ay babangon ka ng babangon, di iiyak at magiging matapang na bata..”


Hindi  ka na ba babangon mula diyan sa kabiguan na pinagdaanan mo?

Bangon na dali.. Wag kang mapapagod tumayo hangga’t kaya mo pa.. Darating ang araw na habambuhay ka ng hihiga.. Gusto mo mang bumangon, wala ka ng magagawa dahil wala ka ng buhay..  Gustuhin mo mang itama ang mali, abutin ang mga di mo pa naabot, sabihin ang salitang di mo masabi ay huli na.. huli na ang lahat..

Sabi nga ng Siakol

“..Oras na para ikaw ay lumigaya.. Nasa isip lang ang takot.. Wag panghinaan ng loob, e ano kung ika’y mahuhulog.. May sasalo sayo.. Asahan mo..”

–Metaporista

0 thoughts on “Ang Pagbangon ng Daruma

  1. ang ganda nito sir M at dun ako sa dulong statement
    Na ang nasa Itaas kailanman, di Niya tayo iiwanan ni pababayaan!
    Parang pelikula lang na Facing the Giants.!

    Mabuhaya ka po!

  2. bumilis ka. bumagal ako. pero hahabol ako.

    as usual, isang magandang lathala na naman ukol sa pilit na pagmumulat sa karakter na dapat isabuhay ng tao.

    heto ang gusto ko sa panulat mo, laging may saysay. thumbs up tol met!

Leave a Reply