Dating Heneral Nagpakamatay

Boom.

Parang Bombang sumabog ang balita.

Sabi nila lahat ng sundalo matapang. Pero napatunayan ngayon na hindi naman.

Sabi nila pag sinabing Heneral, katumbas noon ay matalino, tapat, matapang at makabayan na tao. Hindi rin naman pala.

Ba’t di mo harapin kung talagang wala kang nalalaman? Siguro ayaw mo lang mabulok sa kulungan.

Mas bilib pa ako sa sundalong nasa Mindanao, sa Visayas na nalalayo sa kanilang pamilya na tunay na nakikipaglaban at nagtatanggol para sa kapayapaan. Makabayan sila. Matapang sila. Tapat sila. At matalino sila kesa sa kanilang heneral. Bakit? Dahil mas alam ng mga sundalo na ang yaman na galing sa kasamaan ay magdudulot ng kapahamakan.

Matagal na pala sanang, nakaranas ng kaginhawaan sa buhay ang ating mga sundalo. Naipagamot na sana nila ang kanilang asawang may sakit.. Nabigyan ng magandang kabuhayan ang kanilang mga anak.. Lahat sana ng mga kagamitan nila ngayon ay bago na at matagal na sana nating naiayos ang kapayapaan..

Padami ng padami ang nadadamay.. Nakakahiya.. Yung perang pinangkakain sana ng pamilya ng libong sundalo natin ay ayun.. Naging magarang bahay.. Naging magarang kotse.. Naging allowance ng mga anak-anak nila..

“Natukso lang kami.. Sorry..”

Banal na aso. Santong kabayo. Kaya pala di makabangon ang mga Pilipino. Dahil pinanganak ang taong katulad niyo. Nabulag ng perang libo-libo. Busog sa kapangyarihang inyong natamo. Gusto niyong gawan pa namin kayo ng rebulto? Ipasasamba namin kayo sa mga aso at kabayo. Tutal yun naman talaga ang mga ka-uri niyo.

Bakit di niyo kasi pinakinggan si Trillanes noon? E di sana matagal ng nagawan ng solusyon. Malamang nakikinabang kayo noon.

–Metaporista

0 thoughts on “Dating Heneral Nagpakamatay

  1. nakakahiya.
    ang bulok ng sistema ng bansa natin.
    anong mapapatunayan nya sa pagpapakamatay?
    mabibigyan lang ng kumpirmasyon ang mga balita.. ang mga haka-haka..ang mga paratang..
    hindi naman naresolba ang problema.
    hindi nabigyan ng solusyon, bagkus dumagdag sa palaisipan,
    dumagdag sa problema ng bayan.

    kahit kailan hindi magiging sagot ang karuwagan

  2. nung nagtuturo ako, ang asaw ng principal namin ay isang colonel at masasabi kong may matitinong mga sundalo at matataas na opisyal.

    pero meron din mag opposites. nakakalungkot lamang isipin na sa halangang 35k kada buwan na sahod ay milyun-milyon ang kanilang ari-arian.
    at may kakilala ako na magpapatunay na ang bagging system kahit hindi sa military unit ay nagaganap, talk about government and GMA.
    sa sistemang meron tayo at kasama na yatang dumadaloy ang kurapsyon. pakapalan kasi ng mukha minsan ang labanan,
    many good military officials became evil because they’ve crossed the line, ika nga nila, “kasi ginagawa din naman ng iba, kaya gagawin ko na din.”

  3. seppuku. harakiri. kung pamilyar ka dito, parang yun yung punto ng ginawa ng heneral. by tradition sa japan, samurai ang way of life dati ng mga mandirigma. death before dishonor. madali kasing patawarin ang taong namatay.

    kung klkahihiyan sa sarili at sa bayan ang dahilan, tingin ko, kulang pa ang pagpapakamatay. boluntaryo muna sanang isinauli ang alin mang ninakaw, umamin sa harapan ng sambayanan at saka kitilin ang sariling buhay tanda ng pagsisisi.

    yun siguro ang katangian ng mga hapon na kulang sa atin. disiplina, nasyonalismo at dangal ng pagkatao.

Leave a Reply