Azkals: Bakit nga ba ngayon lang kayo dumating?

Azkals

 

Bakit nga ba ngayon lang sumisikat ang soccer o football sa pinas?

Isa sa dahilan niyan ay ang bulag na pagmamahal natin sa bansang amerika. Ang soccer kasi ay main na nilalaro sa Europa kaya di natin ito masyado nakilala. Nabuhay kasi tayong mas kilala sina Larry Bird, Michael Jordan at Kobe Bryant na mga basketbolista at si Mike Tyson at Floyd Mayweather na mga boksingero.

Kilala niyo ba si David Beckham, Ronaldinho at Steven Gerard? Kung hindi ay malamang na ngayon niyo lang talaga minahal ang Soccer.

Sasabihin ng iba, “Kung totoo yang sinasabi mo, bakit hindi natin naibuhay masyado ang ilang sports tulad ng Rugby at Baseball na sikat sa America?”. Ang sagot diyan, dahil magastos.

Unang dahilan ay ang espasyo ng palaruan.  Pangalawa ay ang mga mamahaling kagamitan.

Ang Soccer field ay may minimum na 90meters na haba at 45 meters na minimum na lapad o minimum na 13279 sq.ft. na floor area at maximum na 35,433 sq.ft. na floor area.

Ang football field ay may haba na 360 ft at 160 ft na lapad o 57,600 sq. ft. na floor area.




Ang Baseball field ay nangangailangan naman ng 19,048 sq.ft. na floor area.

Samantalang ang basketball court ay 4700 sq. ft. lang ay makakapaglaro ka na ng full court. At kung gusto mo pang tipirin ay pwede kang mag half-court at kung gusto mo pang mas makatipid ay maglagay ka lang ng ring na may board sa kalye niyo ay solb-solb na.

Nanghihinayang siguro ang mga pilipino sa malaking espasyo na sa tingin nila ay masasayang. Dahil iniisip ng iba kesa gawing pang libangan ay tayuan ko na lang village o kaya naman ay mall at kikita pa sila ng malaking pera. Sayang, kung nalaman lang nila sana na marami pang pilipino ang may natatagong talento sa laro na ayaw nilang kupkupin at pagkagastusan. E di sana nabawasan ang mga kabataang nag-aadik at napapariwara dahil mas marami na silang pagpipilian na mapaglilibangan at mapagbubuhusan ng atensiyon.

Ngayon kasi sa atin, pag di ka katangkaran, kahit gaano ka kagaling mag-basketball at mag-volleyball ay di ka nila papansinin. Kung matangkad ka nga pero di kanaman magaling, hindi ka rin nila pagtutuunan ng pansin. Kung maliit ka at magaling kang mag-boxing may tiyansa ka ngang sumikat pero ilan lang ba sa mga boksingero ang naaabot ang rurok ng tagumpay na hindi naaaksidente at tinututukan ng gobyerno?

Obvious naman na sa mga sports na hindi magastos mahuhusay ang mga pinoy sa pilipinas hindi ba? Basketball.. Boxing.. Bowling (Exception dahil mga Pilipinong elitista ang sikat dito).. Billiards.. Badminton..

Makakapaglaro ka ng basketball basta may bola ka at ring na may board kahit sa kalye lang. Sa boxing kahit di ka na nga bumili ng gloves solb na e. Sa billiards tumambay ka lang sa bilyaran at magbayad ng 5 pesos kada laro solb na rin agad minsan may manlilibre pa sayo. Sa badminton bumili ka lang ng Raketa at shuttle cock ok ka na e. Yung bowling medyo mahal pero abot-kaya naman ng ibang pilipino.

E sa baseball, rugby at soccer? Sa baseball kelangan mo ng bat, gloves, protection kada player though pwede kayo manghiraman pero kailangan niyo pa rin ng malaking bakanteng lote kung hindi makakabasag kayo ng bintana ng kapit-bahay niyo. Sa rugby, nako mababalian ka ng buto kung walang sapat na proteksyon sa balikat, ulo at dibdib. Aba’y kuyugin ka naman ng sandamakmak na tao at syempre corny kung 10 metro lang ang haba ng laruan niyo.. Binato mo lang touchdown na. Yung soccer kung tutuusin pwede naman talaga yan sa bakanteng lote lang.. Nacocornyhan lang siguro yung iba dahil dun at dun lang sila nakakapaglaro sa bakanteng lote at di man lang nila maramdaman o ma-experience yung tunay na laro sa court.

Sayang talaga at ngayon lang niyakap ng mga pinoy ang larong soccer. Pero ok na yun kesa naman hindi nila ito yayakapain kahit kelan.

Salamat sa determinasyon ng Azkals dahil kung hindi sila nagpatuloy ay hindi nila mabibigyan ng hustiya ang laro at hindi nila mapapatunayan na iba ang espiritu na mararamdaman mo sa larong soccer.

Tuwing manonood ako ng soccer ay mararamdaman ko ang pangangatog lalo na pag malapit ng matapos at dikit ang laban. Siguro hindi ito nararamdaman ng iba. Iba kasi ang soccer kumpara sa basketball. Sa soccer kasi, pwede niyong matapos ang laro na wala kayong score pareho kahit labas na ang dila niyo sa pagod. At ang isang goal sa soccer ay isa na talagang malaking biyaya. At ang pagprotekta na hindi dapat pa-iskorin ang kalaban ay isang napakalaking obligasyon. Sa basketball kasi pag nakascore ang kalaban ay mas madali mong mahahabol agad ang points sa pamamagitan ng maraming paraan tulad ng 3 points, foul-counted, simpleng 2-points o penalty. Pero sa soccer, hindi ganun kadali maka-score dahil laging may bantay sa ilalim di gaya ng basketball ay pwede kang mag-fastbreak.

Ang Azkals ang nagbukas ng bagong linya ng sport sa ating bansa. Bagaman hindi nila pansin, unti-unti ng dumadami ang mga kabataang nahihilig sa  soccer dahil sa kanilang pagpapakilala at pagpapatunay na hindi lang taga-europa ang magagaling sa larangang ito.. Kaya rin natin ‘tong mga pilipino..

Ang Azkals ay halimbawa ng invisible na bayani. Muli nilang pinatunayan na malaki ang magagawa ng pagkakaisa ng bawat miyembro para sa pagbabago.. Kung magtutulungan lang ang lahat.. Kung ibubuhos lang ng lahat ang kanilang makakaya.. Kung handa lang ang lahat na magsimula ng pagbabago kahit na ano pa man ang isakripisyo.. Matamo lang ang isang pangarap.. Pangarap na naabot dahil sa pagsisikap..

Azkals katumbas ay Asong Kalye. Aso na bagaman hindi kagandahan at kalakihan, sa amo nila ay mananatiling tapat pa rin. Aso na kahit tag-ulan at tag-araw ay bumabangon pa rin. Aso na walang kinatatakutan ano man ang harapin. Aso na kayang mabuhay kahit walang magpapakain. Mapamaraan, buo ang loob at kasalanan sa kanila ang tamarin. Asong hindi nahihiya at hindi nagkikimkim.. kahit na ang tingin sa kanila ng iba ay mababa pa rin. Handang patunayan at harapin, na sila ay di basta-bastang madaling durugin.

–Metaporista

0 thoughts on “Azkals: Bakit nga ba ngayon lang kayo dumating?

  1. hello.

    i-share ko lang. thirty years ago, sa lugar namin sa probinsya ay uso ang baseball bilang sports. mas sikat ito kaysa sa basketball. ang ginagamit na fields ay rice and cornfields sa pagitan ng harvest at bagong pagtatanim.

    tama ka na may economics behind our hilig na laro as a people. ang basketbol ay parang pop song – madaling kantahin kaya alam ng halos lahat. tingin ko lang… :s

    gusto ko ‘yong illustration ng courts/fields sa post. 😀

  2. Congrats sa Azkals
    sa college kung saan ako nagtapos at maging nung high school ay sikat din naman ang soccer
    yun nga lang wala tayong national facility nito at malamang budget.
    at meron din yang indoor version ang footsal (di ko alam kung tama ang ispeling sir M)

  3. tama lahat ng punto mo.dagdag ko pa na mahirap siyempreng bumuo ng malaking koponan. ang maganda pa sa soccer, kung hindi masyadong napapansin, nasyonalismo ang sinisimbulo nito. yung intensity lalo na sa world cup.

    goooooooooooaaaaaaaaaaaaaaaaaallllllllll!!!!!

  4. salamat sa pagbisita mo sa blog ko at natuklasan ko din itong blog mo. kakatuwa kang maghanay ng mga salita at matiyaga ka sa pagpapaliwanag. Sana dumami pa ang oras ko na mabisita ang mga blog mo at iba pa nating kasama.

  5. Tamad kc tayong mga pinoy,wala tayong tiyaga.gusto lng natin instant score,instant saya,instant panalo at lahat yan sa larong basketball matatagpuan.ang futball laro yan ng mga matiyaga,kaya nga lahat ng bansang ang paboritong laro ay futbol mayayaman kc matiyaga ang mga mamamyan nila.. Kung npapansin nyo karamihang naglalaro sa america ng basketball ay black people,karamihan din na nahuhuli doon dahil sa krimen tulad panghoholdap o pgnanakaw ay black,it means wala silang tiyaga..kaya hndi nakakapgtaka na karamihan sa mga pinoy basketball ang paboritong laro..pasintabi nlang nlang po sa mga tinatamaan

Leave a Reply