Ano nga ba ang kahulugan ISO?

 

baka mamaya masali kayo sa isang game show at ang jackpot question ay ano ang meaning ng ISO.. Naku yari ka pag ang sagot mo ay International Standard Organization which is malapit na pero mali parin.

Sa english, ang ISO kasi ay International Organization for Standardization. Siguro sasabihin mo ‘E di dapat IOS yun at hindi ISO?’

Nasalin kasi iyan sa maraming wika. Sa French ang katumbas nun ay OIN o Organisation Internationale de Normalisation. Sa english, IOS. Kaya nagkasundo sila na gawin nalang pare-parehas kaya ginamit nila ang greek word na ‘isos’ na ang kahulugan ay equal.

Hindi pwersahan ang ISO. Bahala ka kung gusto mo magpa-certify sa kanila. Sila kasi ay isang network na nangongolekta ng mga paraan para mapabuti ang kalidad ng serbisyo, proseso at produkto. Kung gusto mo, gamitin mo na lang yung standard nila sa pag-gawa mo ng produkto niyo ay ok na. Kumbaga ma-meet mo lang ay ok na. Pero iba talaga pag sinabing ISO certified ka e. Kumbaga e may tatak na buwayang Lacoste na nakaimprenta sa labas ng polo shirt mo. Samantalang yung hindi certified, yung imprenta ng buwaya ay nasa loob ng damit.

Ang ISO ay nangangalaga hindi lang ng kalidad kundi pati na rin ng kalikasan at kapaligiran.

Pag kabilang sa pamilya ng ISO 9000, ang concern nun ay “Quality Management”. Samantala, ang pamilya naman ng ISO 14000 ay concern sa “Environmental Management”.

Ang pinaka-susi lang daw sa pag-abot sa standard na galing sa ISO ay pagdodokumento ng mga proseso at continuous improvement.





Walang pinipiling laki ng kumpanya ang pagsunod sa standard ng ISO.

Ex.

Kung walang ISO..

*Mahirap matiyak kung maayos at stable ang isang kumpanya na iinvestan mo ng pera

*Hindi mo matratrace ang produkto dahil walang proseso at proper documentation

*Matagal ng wasak na wasak ang kapaligiran. Sila rin ang nagsasabi na dapat na ganitong dami lang ng pollutants ang pwede niyong itapon sa ilog kada araw. Kung wala sila, matagal na sana tayong walang ilog sa mundo na pwedeng languyan. Tinitiyak nila na tama ang proseso sa pag dispose ng dumi at may plano paano maiiwasan ang mga bagay na makakasama sa mga tao at kapaligiran.

Malabo namang maging ISO accredited ang lahat ng kumpanya sa Pilipinas dahil magastos nga naman.. Pero sana, pilitin ng lahat na mapataas ang kalidad ng produkto at serbisyo. Wag titigil sa kung ano ng meron. Laging maghanap ng bago. Laging mag-isip kung ano ba ang maitutulong mo sa kumpanya niyo. At para sa mga boss, wag rin kayong titigil sa pag-iisip kung ano ang maitutulong niyo para ganahan at mapanatili ang kalidad ng trabaho ng inyong trabahador. Give and take yan eh. Dapat Equal. Dapat ISO. Dapat lahat magtulungan.

–Metaporista

0 thoughts on “Ano nga ba ang kahulugan ISO?

  1. tama!
    natatandaan ko isang malaking unibersidad sa Pampanga ang nagpa-ISO
    at talaga namang nagkaroon pa sila ng ISO Week. Thank God Certified naman sila. Iilang mga government agencies na din ang ISO Certified.
    Sabi mo nga it’s always takes two to tango, give and take!
    Magbigay ng pakunswelo na pangmatagalan sa mga empleyado at for sure ibabalik yun sa kumpanyang pinagsisilbihan.

  2. hi, metaporista. ang ganda ng topic mo. may nabasa rin akong blog about this sa blogspot, student from mindanao ang gumawa.

    i agree with most of the things you said above except for the point about standardizing the currency symbol. medyo malayo pa yata para umabot doon sa ganoong situation. :s

    medyo technical ito pero babanda ako nang konti, ha? ang premise kasi yata ng world standardization of trades and businesses ay iyong tinatawag na parity o pagkakapantay-pantay ng mga players sa world market. kumbaga, level dapat ang playing field ng competitors, kung goods o services man ang ini-o-offer o business mo/ng kalahok.

    medyo contentious ito kasi, we know for a fact that in real life, hindi magkakapantay either ang countries na nagti-trade as a country or the business entities na nagpa-participate sa world competition. hayon, kaya voluntary ang compliance sa ISO at hindi mandatory.

    medyo iba ang foreign exchange market o currency market from the rest of the commodity market, sa pagkarinig ko. iba ang rules doon dahil magkakaiba ang strengths ng currencies ng mga bansa. naka-depende kasi ito sa stability [reserves] and sustainability [gnp. gdp, etc] ng actual economies of countries na siyang tinutuntungan ng flactuating currencies. in that sense, malayo itong magkapantay-pantay o ma-standardize, for that matter.

    usually, mayroon lang isang official currency that serves as the lead or reference of world trade. sa ngayon, US dollar pa rin ito although the Chinese are arguing na bumaba na raw sa trono ang dollar at ipalit ang currency nila. hayon…

    eniwey, sana may sense pinagsasabi ko. thanks. 😀

  3. hello uli, metaporista.

    natakot na atang mag-comment ang readers mo dahil sa lecture ko sa itaas. kamo ay huwag na lang nilang pansinin, ha?

    ang grade ko yata noong college sa international trade ay 3 at sa international monetary ekek ay 3 din. medyo naintindihan ko na lang ang mga ganyan sa work na. :s

    ayun lang, have a good week. keep on churning up orig’l ideas. 😀

Leave a Reply