Tak gu

May kasabihan na first impression last..

Santambak ang mga bagay kong gagawin at tatapusin. Thesis, planning, design pero dahil sa isang palabas, inadjust ko ang mga schedule ko. Para lang panoorin ang isang palabas na magdadagdag at mananampal ng katotohanan. Walang iba kundi ang Baker king.

Napanood ko lang sa TV nung simula pero dahil nababagalan ako, bumili na ako ng DVD sa Quiapo. Awa ng diyos, malinaw ang kopya kaya lang minsan sablay ang subtitle kaya mas ok pa rin ang pag-abang nito sa TV gabi-gabi.

Kakaiba talaga ang istorya nito e. Hindi ako mahilig sa koreanovela. Pero aminin na nating minsan mas maganda at makabuluhan pa ang simpleng istorya ng koreanovela kesa sa pinagkagastusang pelikula sa hollywood na walang saysay. Ang pilipino kasi, kapag nakakarelate sila sa sitwasyon ng bida, agad nila itong tinatangkilik. Mas gusto ko yung movie lang tulad ng Forrest Gump at The Green Mile. Maiksi, pero may puso. Naiiba itong Baker king kasi.. kasi.. kasi…….

Dahil siguro marami kang matututunang bagay na hindi mo makukuha sa school o sa iyong magulang man. Kadalasan, ang mga makatotohanang bagay ay natutunan dahil sa kwentuhan. Pero kung wala kang kakwentuhan, san ka pa pupulot kundi sa libro o sa telebisyon na para bang binibigyan ka ng example. Yun ata talaga yung mahalaga.. Ang makita mo ang aplikasyon ng mga bagay na tinuro sa atin ng ating magulang, eskwelahan, kaibigan at mga kakwentuhan.

Kung papanoorin mo ang palabas na ito..



*Makikita mo ang isang natatanging pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak

*Malalaman mo kung gaano kalaking tapang ang kailangan nasa dibdib ng isang inang iniwan ng kanyang asawa

*Makikita mo ang pagkakaiba ng prinsipyo ng mga taong umunlad dahil sa hirap at ng taong maunlad na’t di nakadanas ng hirap.. Makikita mo rin na hindi sapat ang pagtamo ng mataas na edukasyon para maging maunlad.. Makikita mo rin na hindi sapat ang pera para maging maligaya sa buhay..

*Malalaman mo ang sikreto ng taong kahit anong problema ang maranasan ay nakukuha pa rin ngumiti

*Makikita mo ang pagkakaibang maidudulot ng pagsisinungaling at ng pagiging totoo

*Malalaman mo kung paano ka ba dapat makitungo sa iyong amo, kapatid, kaibigan, trabahador, magulang, kanang-kamay para hindi ka nila pagtaksilan kailanman

*Malalaman mo rin ang magiging bunga ng pagtataksil at pagpapa-asa sa taong nagmamahal sa iyo.. Bulag ang pag-ibig.. Hahamakin talaga ang lahat, makuha lang ang pusong nililiyag.

*Responsibilidad mong panagutan lahat ng sarili mong desisyon

*Maaalala mo rin na walang bahong, hindi sumisingaw. At sa lahat ng oras ng iyong pagkilos at paggalaw, may makatwiran, mahabagin at maawaing sa iyo’y tumatanaw. Mas madali mamuhay kung buhay mo sa likod ng tabing ay kapareha sa harap ng tabing. Mahirap ang magpanggap.. Ang pagiging totoo sa sarili, ang pagiging ikaw, diyan ka magiging komportable..

*Maaalala mo na sa buhay, minsan ay kailangan talagang maghintay.. ng tamang panahon.. tamang pagkakataon.. Minsan, para makapasok ka sa maliit na butas ng kuweba, kelangan mong gumapang at tiisin ang dumi, tusok at alikabok para ligtas kang makapunta sa dulo.. Pwede ka rin namang tumakbo sa kuweba, kaya lang baka di mo makita ng maayos ang iyong dadaanan at imbis na makarating ka sa dulo ay mabigo ka pa.

Kahit gaano man katagal

Ika’y aking iintayin.

Sampung taon man

Basta’t ika’y magiging akin.

Magkasamang lalaya

Sa mundo ng paninimdim.

Dudungaw sa bintana

Ng buwang tirik sa dilim.

–Metaporista



0 thoughts on “Tak gu

  1. wala kaming Pinoy TV (partner ng GMA7) dito TFC lang kaya di ko pa yan napapanood.
    pero sa mag realizations na binigay mo tunay nga namang ito’y kapupulutan ng maraming aral, sa lahat ng antas ng buhay.

  2. Ang ganda naman cgro ng kwento na yan… Wala akong GMA dito eh, TFC lang, pero nanonood ako ng temptation wife sa pinoy ako tv…. hayaan mo manonood din ako nyan dun…

    My mga teleserye talaga na napupulutan natin ng aral….

    ingats..

  3. Naadik din ako sa panonood niyan. Nakakabilib ang determinasyon ni Tak Gu Nakapagtanim man siya ng sama ng loob sa kanyang kapwa, pinili nya pa ring maging positibo…

    Kaabang abang ang paghaharap ni Sandra at ng nanay ni Tak Gu.

  4. Tag Ku ang basa ko sa pamagat, hahaha!

    mahusay na review ‘to ng moral lesson sa story ng baker king. sayang nga lamang at nasimulan ko lang pero dahil sa pabago bagong work shift, ayun…hanggang simula na lang na naman ako.

  5. Naalala ko nung nag-trip kami sa Sagada, pumasok kami sa kweba. Gumapang, tiniis ang dumi, tusok at alikabok para ligtas na makapunta sa dulo. Tinanong ko ang isang guy friend ko:

    Salbehe: Ganito ba talaga kahirap pumasok sa kweba?
    Guy Friend: Hindi ah! Masarap nga eh!

    And the last eight line is so poetic. Whatever that means.

Leave a Reply to salbehe Cancel reply