Nilamon ng Dagat

Makasalanan ang Sodomma at Gomorra kaya ginunaw sila noon.

Makasalanan din ang bansang hapon dahil sa talamak na porn/kabastusan kaya parang ganun na lang din ata ang nangyari sa kanila.

Baka guni-guni ko lang ang relasyon.

Buti ligtas pamilya ko at malayo sila sa dagat. Akala ko nilamon na rin sila ng dagat. Teka, may Diyos kami e. Imposible nga pala mangyari yun.

Swerte ang kapatid ko dahil after 2 minutes pagkagaling niya sa banyo at nilabas ang jerbaks niya tsaka biglang nag 8.9. Kung hindi, niyanig siya sa pagkakaupo at bumalik sa pisngi ng puwet niya ang tubig na pinaglabasan niya ng sama ng loob.

Nagkaroon daw ng crack yung bahay nila dun. Daming natumbang pader. Ang pinaghirapan gawin ng tao, sa isang iglap kayang binuwag lang na parang bahay ng anay. Galing no?

Yung nuclear na nagleak, yun ang delikado. Pero wag masyado mag-alala dahil may plano na naman yan kung paano reresolbahin kung sakaling magkaroon ng leak. Dapat lang muna nilang lumayo muna. Kaya ayaw ng iba na magtayo ng nuclear plant sa pilipinas kasi delikado nga.

Pasalamat na lang ako, dahil di sila nasaktan. Pero sa 50 mahigit na aftershock, naaawa at natatakot pa rin ako sa kanila. Dahil baka bukas ay 9.6 naman ang tumama.

Papalubog na ang japan dahil sa position ng plate nila. Sabi nga ng KFC, “You can’t have it all talaga..” Mayaman at maunlad nga ang bansa, lindulin naman.

Madami pa namang pilipino sa japan. Malamang maraming nagalalang kamag-anak dito nung tumama yun.

Isa pa yung problema sa linya ng telepono na panandalian lang naman. NTT DOCOMO lang ang may signal.. Yung softbank wala daw. Buti nabalik sa ayos ang lahat. Akalain niyo nagbrownout sa Japan. Isa yun sa di ko mapaniwalaan. Walang nagawa ang mga Gundam.. Wala ring mahiwagang gadget na nailabas si doraemon.. Walang nagawa ang lahat.. Sabi nga sa abo tayo nagmula at sa abo rin tayo babalik.

Maghuhukom na. Naniniwala ka?

0 thoughts on “Nilamon ng Dagat

  1. Hindi ineexpect ng mga piloto ng mga gundam at macross ang pangyayari kaya wala sila nagawa.

    Saka para kanilang dalawa lang ni Nobita ang mga gadgets ni Doraemon.

    lol.

  2. hey, metaporista. sa japan ba based ang ibang kapamilya mo? :s

    weh, hwag kang mag-predict ng doom’s day – pangit ‘yon. saka ang natural disasters, di maiiwasan ‘yan. first world, third world and even second world, pwedeng tamaan. great leveler nga ang tawag, di ba?

    siyempre, kapag ang mga mas hirap ang tinatamaan, mas kawawa. ang mas malalaking bansa kasi, mas maganda ang latag ng kanilang disaster-preparedness programs, kumbaga.

    pero, grabe itong tumama sa japan recently. walang nagawa ang agencies nilang five to ten times na mas hi-tech [know-how and machines] kesa sa combined pag-asa and philvocs natin. walang sinabi ang shots ng dambuhalang agos sa marikina noong ondoy.

    if anything siguro, the event in japan yesterday should rouse in us empathy and sympathy. di ba, iyon naman ang mahalaga sa panahon ng devastation and suffering? na kahit paano, we’re fellow human beings however far apart we maybe in our daily economic and political lives.

    hayan ang sermon sa yo [hehe] ng isang dating pinaghinalaan mong titser. think positive pa rin. minsan, we’re actually capable of being our better selves, ‘ika nga. cheers. 😀

  3. Thank God safe po ang family mo sir M.
    May kaibigan ako at pamangkin nagtatrabaho sa mga farms ng Iwate Prefecture, Japan, thank God safe din sila at ang mga ibang Pinoy dun. Pero hindi nangangahulugan na magsasaya ako dahil may mga iba na nasalanta maging buhay ay nawala. Reminder lamang siguro sa atin na there’s superbeing behind all these. And the Laws of Nature as in Ecology still existing. That everything must go somewhere and nature knows best. Sapat man ang kakayahan nating idetect ang mga yan, di pa rin natin kayang lampasan ang wisdom ng Panginoon.
    Noted lang sa kaganapang ito na, na ang mundo ay parang prutas na papahinog na. Parte yan ng buhay at mabuhay sa mundo.

  4. Buti naman safe ang family mo Metaporista…

    ung nanay ng friend ko din ay umuwi ng pinas, to be safe….

    sang ayon ako sa sinabi ni pong…..

    Nagkalat din ang balita dito sa uae na pati pinas ay mag kaka stunami, buti nalang hindi natuloy, yung family ko pa naman nasa tabi ng dagat. Kaya sobrabng alala ako at sobrang pray ko… ang hirap…buti nalang mabait ang dyos para sa pilipinas… At sana hindi din yan mangyari dito sa uae. kundi patay kami….

    let us all pray na maging safe ang lahat….

Leave a Reply