Nakakabaog ang radiation: Lalabas ka pa?

Sampung araw daw silang walang pasok sa trabaho.

Sampung araw walang lalabas ng bahay.

Parang pelikula lang.

Di ko pa ata natatry sa buong buhay kong magkulong ng ganun katagal.

Mamumuti lalo singit ko nun at mamumutlang parang pugo.

Teknolohiya talaga ang papatay sa atin. Pasensiya na kayo sa aming mga engineer. Sana hindi na lang kami pinanganak para di na kayo nadamay. Ang ibig kong sabihin, ang kinatatakutan ng lahat na humalo sa tubig ulan ang radioactive subtance na yun.

Halos habang buhay ng magiging parte ng bahay natin yun kung sakali.

Mas ok pa ang terorista ang nanggugulo kesa  kalikasan na.

Takot tayo sa ulan na malakas kasi grabe kung magbaha. Ako at ang ibang tao ay sinisisi ang walang humpay na pagtatapon ng basura kung saan-saan. Pero kahit pala malinis kayo sa lugar niyo, pag nilindol kayo at na-tsunami, kakalat at kakalat pa rin lahat yan.

Sabi ng iba karma daw yun sa bansang japan. Naghiganti daw sa kanila ang kalikasan specifically ang karagatan dahil sila daw ang numero uno sa panghuhuli ng ‘Maguro’ o Whale na paborito nilang pagkain. Kaya nga walang baboy sa zoo kasi ordinaryo yun. Sa ibang zoo may whale kasi hindi yun ordinaryo pero sa mga hapon ay ordinaryo at pagkain nila yun. E hilaw ngang  talangka at squid ay kinakain nila e.. whale at dolphin pa kaya?

Pero kung nagkataon man yun o kapalaran talaga, wala na tayong magagawa.

Andami pa namang tinutulungan ng bansang japan na mga bansa lalo na yung talagang mahihirap though hindi nila pinangangalandakan yun.

Ngayon, alam kong hindi nila pinagsisisihan ang pagtulong nilang iyon sa ibang bansa. Maraming nakahandang tumulong sa kanila para bumangon ulit.

–Metaporista

EPEKTO NG RADIATION (Tingnan ang larawan)

0 thoughts on “Nakakabaog ang radiation: Lalabas ka pa?

  1. unforeseen event ang dala ng malakas na lindol na yumanig sa bansang hapon. naniniwala akong walang dapat sisihin na sinuman sa nangyari.

    nakakalungkot na nagkaroon nga ng leak yung reactor pero tingin ko, hindi ito malaking banta kumpara sa ksaysayan ng chernobyl dati. sana, mas mabilis maka recover ang japan dahil naniniwala akong malaki pa rin ang kanilang ginagampanan sa pagpapabuti ng mundo.

    kung hindi ako nagkakamali, sila ang nakatuklas ng pagkabutas ozone layer at ang kauna unahang gumawa ng hakbang para paghilumin at pigilan ang tuluyang pagkasira nito.

  2. Bilib ako sa Japan noon pa man. After ng WWII ay nakabangon sila, at isa sila sa pinakamaunlad na bansa sa buong mundo. Pride ng Asya kumbaga.
    Katulad ng usap-usapan namin ng mga kapwa Pinoy dito sa disyerto, walang nakakaalam kung bakit nangyari ang lindol at tsunami, pero ang panganib na dulot ng meldown ng mga reactor ay masasabi nating sanhi ito ng lindol at nasira. Ganun pa man, naniniwala ako (dahil naniniwala ako na may Diyos) na hindi man kayang abutin ng atin kaisipan kung bakit ito nangyari, magrerest na lang ako sa case na mas may maganda siyang plano. Agree ako na matulungin ang Japan at alam ko ang buong mundo ay kaisa din na tutulong para sial muling makabangon sa mala-pelikulang trahedya na kanilang dinaranas sa kasalukuyan. Titibay pa silang lalo niyan.

Leave a Reply