Motorsiklo sa Pilipinas

Motorcycle – kilala rin sa tawag na motor bike, brumbrum at motor

Sa mga di nakakaalam, ang motorsiklo ay isa sa pinakamurang motor-powered na behikulo na pwedeng maging pag-aari ng sinuman. At dahil dama ng mga pilipino ang pagtaas ng presyo ng gasolina at dumaraming kakumpitensyang mga pasahero sa taxi, mrt at lrt at ang trapik sa lansangan ay namumuhunan ang ilan para magkaroon ng sariling sasakyan. Sabi nga ng iba, hawak mo ang oras kapag may sarili kang sasakyan. Paano nga naman pag nasarahan ka ng LRT? O lahat ng dumadaang taxing pinapara mo ay laging may sakay?

Sa halagang 27,000 pesos ay pwede ka ng magliwaliw sa sarili at bago mong sasakyang motor. Di gaya ng mga kotse na kailangan mo ng halos 400,000 pesos para makabili ng bago. Makakatipid ka na sa gas, makakasingit ka pa sa trapik. Alam niyo bang ang Matzu Matsuzawa Honda XL125 ay umaabot ng 100km gamit lamang ang kalahating litro ng gasolina?

Bagaman makakatipid ang tao sa pagbili ng motor, kinakailangan ding ikunsidera ang mga disadvantages nito at hindi lang laging advantage.

  • Hindi accesible pag tag-ulan lalo na kung malakas talaga ang ulan
  • Kailangang naka helmet palagi
  • Mahirap kung may bitbit kang 7 grocery bags na puno
  • Vulnerable sa  fatal na aksidente di gaya ng kotse na kahit papaano ay may sapat na proteksyon

Sa ibang bansa tulad ng Vietnam, ito na ang kanilang  pinaka-popular na mean ng transportasyon.

 

Parang may rally lang
Parang bangaw lang na hindi nagbabanggaan

 




Posible ring dumating ang araw na ito sa atin. Pero dahil may jeep tayo, marami pa rin ang pinipiling mabuhay na lang sa commute. Ang dahilan ng iba, mas komportable daw, at wala ng maintenance na kailangang isipin. 8 pesos lang nasa iskul o trabaho ka na. Pwede pa mag 123. Ang iba naman, dibale ng mag-commute basta wag lang magmotor dahil delikado nga raw ito.

Noong 2009, umabot sa 525,000 na motor ang nakarehistro sa Metro Manila at malamang patuloy pa yung tumataas. Kaalinsabay ng pagtaas ng bilang ng motorsiklo ay ang bilang ng mga naaaksidente sa motor. Halos araw-araw sa balita ay mayroon tayong mapapanood.

Noong 2002, 285 lang ang naitalang aksidente ng mga motor sa Metro Manila pero noong 2005,  8381 ang bilang ng naging aksidente.

Ang pinakamataas na lugar kung saan nagkakaroon ng aksidente sa motor sa Metro Manila ay ang Quezon City partikular sa Real St., EDSA at Commonwealth. Ang pinakamataas na dahilan ng aksidente ay over-speeding. Malaking porsyento ng aksidente ay nagaganap sa major roads and highways at hindi sa minor roads. Malaking porsyento rin ng aksidente ay nangyayari tuwing gabi. (Source: Engr. Uy, Et al)

Di mapipigilan ang pagtaas ng bilang ng magmomotor at the same time di rin mapipigilan ang pagtaas ng aksidente sa mga nagmomotor. Ito ang ilang solusyon:

  • Hiwalay na kalsada sa mga nagmomotor sa major roads and highways
  • Mahigpit na iimplement ang paggamit ng PPE o personal protective equipment gaya ng helmet, jacket, maong at sapatos
  • Disiplina sa driver: Wag magdrive ng lasing, tamang bilis lang, wag magdrive ng inaantok at pagod, gumamit ng side mirror at mag-ingat sa mga pagsingit, mag-ingat pag basa ang kalsada, proper maintenance ng motor
  • Responsibilidad ng Gobyerno na gawing  maayos ang kalsada sa pamamagitan ng pagtanggal ng lubak, pagtanggal ng lumot sa kalye, pag-alis ng mga nakahambalang sa kalye at mga tamang warning signs and signals

Metaporista

0 thoughts on “Motorsiklo sa Pilipinas

  1. kinilabutan ako sa mga pikshurs. nakawitness na rin kasi ako ng live (oo live talaga) na aksidente involving motorcycles.. at may dalawang beses na rin akong nakiangkas sa nakamotor at sa dalawang beses na yun, 2 beses rin akong naaksidente, 2 years ago ung last, akala ko tadhana na (lol) kasi sa tapat ng loyola memorial pa kami naaksidente, alas 10 ng gabi.. ikseyrii lang..

Leave a Reply