Sakit Dulot ng Ulan

 

Tag-ulan — Panahon kung kailan bumubuhos ang ulan. Karaniwang nagsisimula ang tag-ulan ng hunyo at nagtatapos ng disyembre.

Masama raw ang epekto sa kalusugan ng pagligo sa unang ulan ng tag-ulan. Pero yung sa pangalawa at sa mga kasunod nito ay hindi na raw ito masama.

Sa tingin ko, may parteng totoo at parteng hindi totoo sa paniniwalang ito.

Ang ulan ay importanteng parte ng ating buhay. Ito ang nagsisilbing taga-linis ng ating kapaligiran.

Kapag naglilinis ka ba ng paligid ng iyong bahay ay nililinis niyo rin ang inyong bubungan?

Ang trabaho lang ng mga metro-aid ay tanggalin ang mga kalat pero hindi ang mga alikabok. Sa tulong ng ulan at tamang disenyo ng kalsada, ang mga alikabok at dumi ng hayop na naipon sa inyong bubungan at kalsada ay malilinis kapag dumating na ang tag-ulan. Pero para maayos na maalis ang mga dumi ay kelangan ng maayos na drainage system, kung hindi, magbabaha at maiipon ang dumi.

Kaya nasasabi natin na masama ang maligo sa unang ulan dahil ang iba kakasimula pa lang ulan ay pupwesto na sa ilalim ng alulod o gilid ng bubong at mag-shoshower na. Ok lang siguro kung mag-aantay muna ng ilang oras bago maligo para malinis muna ang bubungan. Ang isa rin sa dahilan ng masamang epekto ng pag-ligo sa unang ulan ay ang baha, maruming tubig baha. Nakapunta na ba kayo sa divisoria? Isipin niyong bumaha doon at ang nahalo sa tubig ay ang katas ng basura tuwing umaga, jebs ng daan-daang aso, dura ng mga taong may TB, ihi ng libo-libong daga at daan-libong ipis na labas ang laman-loob dahil sa palo ng tsinelas. Lumusong kayo sa baha dahil wala na kayong ibang choice at habang lumulusong kayo ay nakanganga ang iyong bibig at natalamsikan ang bibig mo ng tubig dahil sa rumaragasang tricycle. Ano kayang sakit ang makukuha mo?



Nagiging masama ang epekto sa katawan ng pagligo sa ulan kapag:

  • Nabasa ng maduming tubig baha ang sugat mo
  • Nakainom ka ng tubig baha
  • Nakainom ka ng tubig na galing sa bubong na punong-puno ng tae ng pusa at kalapati na hindi mo alam dahil di ka naman umaakyat ng bubong niyo at di mo alam na sa bubong niyo binabato ang diaper ng anak ng kapitbahay niyo at di mo alam na puro kalawang na pala ang bubong niyo
Pero kung hindi ka naman lulusong sa baha at di ka iinom ng tubig na galing sa bubong ay hindi ka naman magkakasakit. Yung tipong diretso sayo yung tubig ulan at dama mo ang malamig na buhos nito. Pero para mas sigurado, pagkatapos niyong maligo sa ulan ay magbanlaw at magsabon sa inyong paliguan para makaiwas sa dumi.

Malinis ang ulan basta yung diretsang galing ulap ha. Kahit umulan ngayong April pwede niyong enjoyin ang ulan dahil alam niyo na ngayon ang tanging dahilan kung bakit ito nakakasama sa kalusugan. Abnormal na ngayon ang panahon kaya kahit bukas ay pwedeng umulan kaya dapat maging handa tayo. Baka nalilibang tayo sa init ng araw at makalimutan natin na ang ulan ay nandyan lang at handang manggunaw. Takpan na ang butas niyong bubong at tanggalin na ang bara ng mga kanal. Ayusin na ang dapat ayusin.

Tandaan na ang magnanakaw, sumasalakay kapag hindi ka handa. Tandaan abnormal na ngayon ang panahon. Uulitin ko, abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Abnormal na ngayon ang panahon. Kaya mag-ingat at maging handa. Maging langgam na sinasamantala ang tag-init para mag-handa sa tag-ulan.

Ulan

Karamihan ay nag-aabang sa pagdating ng ulan

Uhaw at pananabik  ang dama ng palayan

Ludlurang putik ng kalabaw, natuyo ng tuluyan

Sayawan mo man si Pati na diyos ng ulan

Alayan mo man ng buhay ay di ka niya pakikinggan

Dahil ang ulan ngayo’y mapangwasak na nilalang

Nag-iipon ng sakit na kanyang ipapanamnam

-Metaporista

0 thoughts on “Sakit Dulot ng Ulan

  1. nice post.. but do acknowledge please the artist behind the painting of children playing with the rain.. his name is Toti Cerda..

    🙂

Leave a Reply