Ang Taong Tamad

Napakababang uri pala ng mga taong tamad sa mundo. Akalain niyo nga naman na ang dapat pag-aralan ng taong tamad ay ang mga insekto at hayop. Pag-aralan daw nila ang langgam na gumagawa kahit walang nagdidiktang kumilos para mapaghandaan ang kanilang makakain pagdating ng panahon ng tag-ulan. Tingnan din daw nila ang butiki na napakasipag ding manipat ng makakain. Kahit na ang mga butiki na nakatira sa palasyo ay ganoon din ang sipag dahil alam nila na kung hindi sila kikilos ay mamamatay sila sa gutom. Tingnan din daw nila ang kuneho na napakasipag gumawa ng bahay sa kagubatan. Walang silang iniisip kundi ang pag proteksiyon at paghahanda sa kanilang mga buhay.

Ang sabi, ang taong tamad ay masipag matulog, humilata at humiga. Isa rin daw libangan ng mga taong tamad ay ang manggulo sa paligid at magsimula ng kaguluhan. Isa sa mga patunay ay ang libangan ng mga kilala nating chismosa na nangangapit-bahay pa para lang manggulo. Kung iisipin, kaya nga lang naman pala nagagawa yun ay dahil wala silang pinagkakaabalahan. Ang mga taong tamad din ay yung mahilig sa away o gulo. Yung tipong pag may bubugbugin, sila ang nangungunang sumugod dahil wala nga silang pinagkakaabalahan kaya may oras sila sa mga ganoong bagay.

Napakahalaga ng pagiging masipag sa isang tao. Meron na raw ba tayong narinig na umunlad ang buhay dahil sa pagiging tamad? Ang karaniwan nating naririnig ay ang mga taong umuunlad dahil sa kasipagan. Ang ilan, kahit hindi nakapagtapos ng pag-aaral ay nagagawa pa ring matamo ang magandang buhay sa pamamagitan ng pag-sisipag. Ang iba naman, kahit nakapag-aral ay wala ring napuntahan dahil sa kanilang katamaran. Ang ilan nabuhay at pinanganak ng marangya ang buhay at iniwanan na sila ng kanilang magulang ng pagkakakitaan gayunpaman kapag tamad pa rin ang pag-iiwanan mawawala rin agad ang lahat.

Kung iisipin yung mga tamad na yan ay may mga pangarap din. Ang problema sa kanila ay sobra kung mangarap. Yung tipong “Pag mananalo ako sa lotto bibili ako ng ganito ganyan” at wala na siyang ibang iniisip kundi ang pagpila at pag-abang gabi-gabi sa bolahan ng lotto. Minsan, sa kakaisip kung anong gagawin niya sa pera kung sakaling manalo siya sa paborito niyang sugal ang kanyang nagiging libangan araw-araw. Tandaan, hindi masamang mangarap.. kelangan lang ay sabayan ng pagsisikap.

Isa sa kasabihan ng mga pilipinong hindi dapat parisan ay ang “Pag gipit, kahit sa patalim ay kumakapit”. Hindi dapat ganito ang nasa isip natin. Masyado itong pagiging makasarili. Kahit na alam nating makaka-agrabyado tayo ng iba ay gagawin natin para lang makatakas sa kalagayang gipit. Pag nagnakaw ka, mawawalan ang iba. Pag nangutang ka, mawawalan ang iba. Kung may dangal ka pang natitira at konsensiya, iisipin mo dapat na ang ninakaw o inutang mo ay gagamitin sana ng ibang tao at isa pa, pinaghirapan nila iyon. Hindi mo pawis ang tumulo para makuha ang perang iyon. Piliting wag manakaw at kung mangungutang, piliting mag-bayad sa oras ng inyong usapan. Ang iba, ay nagagawa pang pumatay. Mapag-iisip nila na kung inayos lang sana ang buhay dati at hindi naging tamad, naabot na sana nila ngayon ang kanilang pangarap.




Ang papatay sa taong tamad ay ang gutom.

Dapat sa murang edad pa lang ay maturuan na ang inyong anak o magiging anak kung papaano magsikap at pag-iwas sa pag-asa sa ibang tao. Matutong tumayo sa sariling paa, bumangon ng maaga para maraming aktibidad ang magawa at maging matalino sa paghawak ng pera. Kailangan itong matutunan ng lahat ng bata. Hindi lang ng mahihirap kundi pati ng mayayaman. Kasalanan ang pagiging tamad. Walang karapatang kumain ang taong tamad. Walang kwenta at dapat lang na ikahiya ang taong tamad. Taong laging palaasa. Taong laging nag-aabang ng himala. Ang sabi nga, nasa diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

Sa mga taong laging pala-asa, kayo rin ang mahihirapan pagdating ng araw. Paano kung mawala na ang inyong inaasahan? Paano ka gagapang? Walang tutulong sa atin kundi ang ating sarili. Ikatutuwa ng ating mga magulang kung makikita nilang ang lahat ng kanilang ginawang pagpapalaki sayo ay nagdulot ng pagkatuto para makamit ang mapayapa at maginhawang buhay.

Work hard, play later… Play hard, work later..

Trabaho ka muna maige para petiks na pag tanda.. Pag nagpetiks ka ngayon, uugod-ugod ka na kumakayod ka pa.

MGA KASABIHAN AT LARAWAN NG KATAMARAN

 

tamad1tamad

0 thoughts on “Ang Taong Tamad

Leave a Reply