Job hunt tips para sa mga Engineer

PHASE 1

Congrats graduate/gagraduate ka na..

Naka pagboard exam ka na ba? Ilang months pa bago ang board exam mo? (Kung may board ang course mo ex. CE, ME, ECE, EE, ChE etc.)

^Itong nasa taas ang tanong na pinaka-malaking factor ng susunod mong hakbang sa buhay mo.

Condition 1: Board Exam muna… Focus muna sa review.. Take one step at a time..

Condition 2: Kelangan ko ng magtrabaho tsaka na ang Board Exam na yan

Condition 3: Pag sasabayin ko ang review at ang trabaho

Dapat bago ka mag-martsa makapagdesisyon ka na. Pero syempre para sa ilan napaka-hirap mamili dahil parang lahat ng suggestion ng mga taong malalapit sa iyo ay tama. Ikaw ang magdedesisyon sa bagay na ito.

Mga advantage at disadvantage sa mga conditions:

Condition 1: Malaki ang tiyansa mong makapasa o mag-top sa Board Exam dahil logically mas mahaba at mas malaki ang magiging oras mo para makapagreview at makapag-aral. Ang sabi ko MALAKI ANG TIYANSA at hindi SIGURADONG PAPASA KA dahil kahit gaano ka kaluwag kung wala ka namang disiplina sa pag-aaral wala rin yan. Lahat ng pera mo habang nagrereview ka ay palabas. Renta ng boarding house, pamasahe, allowance, pagkain etc. Pero kung Heredera ka at mayaman, ba’t ka nga naman magmamadaling magtrabaho. Kaya kung mayaman ka o may kaya ok na ok sayo ito. Bagay din ito sa mga estudyanteng desidido makapasok sa top 10. Kung 1 -2 months after grad mo ay exam na, dito ka na sa condition 1 kahit gipit ka na. Oras na ang kalaban mo dito.

Condition 2: Hindi natin masisi ang ilan kung nawalan na sila ng interes sa board exam. Baka mayroon kasi talaga silang pangangailangan na dapat nilang tugunan. Ang iba naman ay hindi pa handa talaga dahil baka kagagaling lang nila sa isang malaking kabiguan at kinakabahan na silang masaktan at mabigo ulit. Ok ito dahil kikita ka agad ng pera. Pero pag naghanap ka ng trabaho, karamihan sa mga yan (lalo na yung malalaking kompanya) ay naghahanap ng board passer kaya baka mahirapan ka maghanap agad ng trabahong related sa pinag-aralan mo. Meron pa rin namang di required ang pagpasa sa board para makapag-trabaho kaya kahit papaano ay may tyansa pa rin. Alam kong gaano kaiba ang may lisensya sa wala hindi ba? Kaya kung hindi ka pa handa ngayon, sige lang, basta payo ko lang kumuha ka na hangga’t sariwa pa sa isipan mo ang pinag-aralan mo sa school.



Condition 3: Ito ang kalagayan na pinili ko. Gusto ko ng kumita ASAP. Gusto ko rin makapasa sa board ASAP. Hindi ko kaya mamili ng isa lang. Sa pagkakataong ito, dalawa ang puso ko para di na nalilito kung sino sa inyo.. Sa kalagayan ko, June pa lang ngayon at sa november pa ang exam kaya gusto ko ng magtrabaho dahil malaking oras ang masasayang.. Magiging busy ako sa trabaho at maliit ang tiyansa ko pumasa kesa sa mga nag-condition 1 logically dahil less ang time ko to review. Pero gaya nga ng sabi ko nasa disiplina na yan. Pag pinili mo to, times 10 na disiplina ang kelangan. Tingnan mo ang magiging advantage nito pag pumasa ka ng board exam. Board passer, Kumita ka na sa loob ng 5 months at higit sa lahat may experience ka na sa trabaho. Swerte ko lang dahil sa work related agad ang napasukan ko.

(OVERVIEW LANG YAN.. Maaring mali ako at kulang kulang.. pakidagdagan niyo na lang sa comment para lahat makinabang)

PHASE 2

Congrats sa pagpasa sa board! Napaiyak ka ba? Engr. ka na ayosssss…

Kung galing ka sa Condition 2 at 3 ng phase 1 at related sa tinapos mo ang trabahong nakita mo, wala ka ng problema sa magiging career mo. Itutuloy mo na lang. Kung hindi naman related, pwede ka na rin mag resign kung gusto mo para mapakinabangan mo na ang lisensya mo.

Kung galing ka naman sa Condition 1 ng Phase 1 at nag top ka, wala ka ng problema dahil pag-aagawan ka na nila at ikaw na ang mamimili ng trabaho. Kung nakapasa ka naman at di nakasama sa top at walang planong mag-aral ulit, isa na ang kahahantungan mo. At yun ay ang paghahanap ng trabaho.

Sa paghahanap ng trabaho dapat maging madiskarte ka lang. Ito ang pwede mong pagpilian:

***Connection at kakilala at kamag-anak na pwedeng mag-refer sayo.. Ok ito dahil malakas ang kapit mo pag nagkataon.. Pwedeng yung pinag-OJT han niyo, Teacher niyo  etc.

***Jobsdb at Jobstreet na pinaka-convenient na paraan para maghanap ng trabaho. Magsubmit lang ng magsubmit sa mga kompanya ng resume na maayos para marami kayong mapagpilian. Hindi naman kasi lahat yun tatawagan kayo for interview. Pag may tumawag sa inyo o nag text o nag e-mail for interview go ka lang.. Grab mo na yung opportunity pero bago yun tingnan mo muna yung pwesto at yung reputasyon ng kumpanya at kung anong matututunan mo. Pag na interview ka na, dun mo lang malalaman kung magkano ang sweldo mo. Wala kang babayaran sa jobsdb at jobstreet ni walang kaltas sa magiging sahod mo gaya ng agency. Kaya mag-log-in na kayo at syempre gumawa ng matinong resume.

***Job Fair ay isa rin sa magandang puntahan kapag naghahanap ka ng trabaho.. Wag mag-aksaya ng oras at ihanda lang lagi ang resume, TOR, 2×2 picture lalo na ang sarili.

***Walk-in ay usually pinapayagan ng mga kompanya.. Mag-inquire ka personally sa kompanyang gusto mo pagtrabahuhan.. Tanungin mo kung may bakante etc.

Payo lang, Ihanda na ang mga sumusunod habang bakante ka dahil kakailanganin mo yan sa trabaho para mabilis kang makapagsimula:

Note: Laging ihanda ang  2 valid ID, birthcert, photocopy ng birthcert, photocopy ng ID, Wet Tissue (Lalo na pag sa NBI), 2×2 at 1×1 picture at bolpen pag kukuha ng mga requirements

NBI CLEARANCE (Di lalagpas ng 200 pesos pero dapat sa main pag bago.. Pumila ng maaga dahil mahaba ang pila at laging madaming tao..)

PHILHEALTH CARD/No. (Di lalagpas ng 400 pesos at makukuha mo agad ang card)

SSS ID/No. (“Personal” E-1 lang ang i-apply para makuha mo agad.. Walang bayad ito pero dapat 7am nakapila ka na para maaga ka matapos)

Tin no. (Pero usually ang kompanya na magbibigay sayo dahil pwede naman to online)

Pwede na ring magpa-medical pero para sigurado antayin na lang ang go signal ng kompanya dahil usually irerefer ka nila sa kakilala nila na nagbibigay ng discount. Pwedeng follow up na lang ang medical..

PHASE 3

Congrats may interview ka na bukas! Goodluck!

Magsuot ng maayos na damit pero wag naman yung mas maganda pa damit mo sa mag-iinterview sayo.. Longsleeves na polo o polo w/ slacks lang ay ok na. Tandaan mo tumingin sa mata pag iniinterview ka at wag kang lilinga linga. Eye contact dude! Pag tinanong ka sagot agad. Wag kang sasagot ng mga irrelevant o walang kinalaman sa tanong. Lagi kang mag-po-po at opo. Wag maging presko at feeling close. Makiramdam kung naiinip na sayo ang HR na nagiinterview sayo.

Parang beauty pageant lang ang pag-aapply.. pare-parehas ng tanong, ika nga e predictable pero syempre hindi ka tatanungin kung what is the essence of beauty. Ang karaniwang tinatanong sa mga engineer na kagaya mo ay:

Ano ka na 10 years from now?

Saang field mo gusto mag-specialize at bakit?

(ex. Kung CE ka pwede ka sa field/site(Magandang experience), office (Paper works and mga kalakaran mamamaster mo.. aircon pa), manufacturing(Production ng mga materyales etc), sales(Malaki pera dito.. may sweldo ka na at may commission ka pa pero di mo magagamit masyado pinag-aralan mo at dapat may charisma ka), safety, water, surveyor, estimator, designer, etc)

Bakit diyan ka sa school mo nag-aral?

What is your weaknesses and strengths? (Itong tanong na ito ang Paborito nilang tanungin.. Tip ko lang dapat sagutin mo ang weakness mo na positive pa rin ang dating.. Kunwari my weakness is that istrikto ako sa submission ng reqts ng mga group mate ko nung nasa college ako)

Ihanda mo na ang mga sagot sa tanong na ito bago ka iinterview.

Oo nga pala since engineer ka dapat WAG NA WAG MONG kakalimutan ang fundamantal canons sa code of ethics..

Wag niyo lang kakalimutan ang responsibilidad natin at yung moralidad na dapat nating isabuhay. Wag tayong maging makasarili. Tandaan natin na buhay ng maraming tao ang nakasalalay sa bawat proyekto na hahawakan natin. Ibigay natin sa employer natin kung ano ang nararapat nating ibigay sa kanila.

Fundamental Canons

a. Engineers shall hold paramount the safety, health and welfare of the public and shall strive to comply with the principles of sustainable development3 in the performance of their professional duties.
b. Engineers shall perform services only in areas of their competence.
c. Engineers shall issue public statements only in an objective and truthful manner.
d. Engineers shall act in professional matters for each employer or client as faithful agents or trustees, and shall avoid conflicts of interest.
e. Engineers shall build their professional reputation on the merit of their services and shall not compete unfairly with others.
f. Engineers shall act in such a manner as to uphold and enhance the honor, integrity, and dignity of the engineering profession and shall act with zero-tolerance for bribery, fraud, and corruption.
g. Engineers shall continue their professional development throughout their careers, and shall provide opportunities for the professional development of those engineers under their supervision.

http://www.asce.org/Leadership-and-Management/Ethics/Code-of-Ethics/

–Metaporista

0 thoughts on “Job hunt tips para sa mga Engineer

  1. Congrats ser M at grad ka na po, nawa’y makapasa po kayo sa BE. Tagalang helpful po ang mga tips niyo, mahirap ang BE kahit anong course pa na may BE dahil sa loob ng 4-10 years sa kolehiyo ay kukunin mo lang ang exam sa loob ng 1-3 araw.
    Isang mapagpalang araw po ng Kapanganakan po pala sa inyo ser.

    Be blessed po!

Leave a Reply