Iba’t Ibang Paraan ng Pandaraya sa Exam

Iba’t Ibang Paraan ng Pandaraya sa Exam

Naalala ko nung highschool sa values class namin na ang topic ay tungkol sa mga commandments. Hindi raw purkit hindi pinagbabawal sa 10 commandments ay pwede mo na itong gawin. Napakaraming halimbawa pero ang pinaka-the-best ay ang pandaraya at pangongopya sa exam.

“Wala namang `bawal mangopya sa matalino` sa 10 commandments diba? Pero bakit naging masama yun?” tanong niya.

“E mam sabi thou shall not steal e. Idea, pinaghirapan at pinagpuyatan yun ng iba tapos nanakawin  lang?” syempre sagot ko.

Pero wag na tayong mag banal-banalan. Hindi naman sa sinasabi kong nangongopya ka rin sa exam at homework noon pero malamang sa malamang, isang beses sa buong buhay mo ay na-late ka ng pasok at nakalimutan mong may homework pala kayo. Para sa ilan katanggap-tanggap naman pag homework lang ang ipapakopya pero minsan, pag nakakaramdam na ng pag-abuso ang `source` niyo at hindi niyo siya pinapa-softdrinks ay mawawalan yung ng gana magpakopya at malamang ay magdadamot na sa inyo pa-unti-unti.

Minsan bonding moment pagkokopyahan at minsan isa rin itong pagsubok sa mga tunay na magkakaibigan. Wala namang nagbabawal na mangopya ka. Actually kung gusto mo hahayaan ka lang nila e. Pero ang mga teacher kasi natin, hindi lang naman nila gusto makita na mataas ang score niyo. Mas natutuwa sila pag naiintindihan niyo ang pinaghihirapan nilang ituro sa inyo. Kumbaga hindi nasasayang ang laway nila kakadakdak at kakasulat sa board. Ayaw din nila na mamihasa tayo sa tulong ng iba dahil pag nawala na yang `source` niyo ay hirap ka ng makabangon sa sarili mong paa.. dahil di ka nag-aral tumayo dahil sarap na sarap ka sa pag-aba sa likod ng source niyo. Disiplina at mataas na moral ang ibubunga kung sasanayin natin ang ating sarili na hindi umaasa sa iba. Maging sigurista tayo.. Hindi mo alam kung kelan mag-titibi o lulugain yang “Bestfriend” mo tuwing exam. Mas masarap ang pag-pasa o pag-resolba ng problema pag pinaghirapan mo at sa malinis na paraan galing.

Para sa mga guro at estudyante, paki-basa ang link na ito: http://metaporista.wordpress.com/2010/03/10/isang-tagong-paraan-para-iangat-ang-antas-ng-edukasyon-sa-pilipinas/

Ang mga sumusunod ay mga picture na ginagawa mo nung nag-aaral ka:

Basta wag sa tanduay ice dahil bawal




Ingat sa ronda patrol
Kelangan mong kumain ng maraming carrots
mala-Dhalsim ng street fighter ang dating
Mini-headset para marinig mo ang bulong ng mga inupahan anghel
Kahit ang pinakamakupad niyong kaklase ay nagiging kagaya ni the flash sa pagpasa ng papel kapag oras na ng exam
Style na tinuturo sa mga anak ng mga tatay na nagbebenta at nagpapahula ng numero kapalit ng sisiw
Reduced answers = instant sagot.. hindi rin kasalanan ng estudyante paulit-ulit din kasi exam ng ibang teacher
techy amp pwede namang dhalsim style na lang
Isa pa tong techie na to.. desperado amp
Wag mong kalimutan mag-longsleeves
Legs legs legs mo ay nakakabutaw
Hightech.. de silyinyador
Hikaw ang dahilan ng lahat

Sana sa school ka lang mandaya at hindi madala yan hanggang sa pagtanda mo at pagiging opisyal mo sa gobyerno.. Kaso, nadadala yan ng karamihan lalo na pagnaisama na sa sistema mo.. Pilitin mong tanggalin.. Parang pangongodiko din ang pagtanggal.. Mahirap.. pero kaya kung kakayanin..

Metaporista

0 thoughts on “Iba’t Ibang Paraan ng Pandaraya sa Exam

  1. natuwa ako sa mga pinost mo… buti na lang nun nag-aaral ako di ko nagawa ang ganyan natatakot ako.. kinakabahan.. mahirap nang mahuli… kaya di ako mapakali.

Leave a Reply