Sagot sa Katamaran

 

Gumising ka sa umaga bitbit ang pangako mo kagabi sa iyong sarili na sisimulan mo na ang matagal mo ng binabalak simulan. Nag-alarm ka ng 3am at nag alarm pa ng 3:30 am para siguradong makabangon ka. Tumunog na ang alarm at napaupo ka sa iyong pagkakahiga. “Madilim pa ah.. 15 minutes pa promise babangon na ako.. promise! promise!” at hanggang ang pangako mo sa sarili ay napakong muli.

Pinangako mo sa sariling maghahanap ka na ng trabaho kaso lagi kang tinatamad..

Gusto mo ng simulan ang negosyo at unting kabuhayan kaso hindi ka makapag-ipon at lagi mong sinasabing sa susunod na buwan na lang sisimulan ang pag-ipon ng kapital.. O kung may naipon na, gagalawin ang ipon dahil gipit..

Tatapusin mo na ang thesis niyong kalahating taon ng inaamag dahil hindi niyo inaasikaso tapos pag malapit na ang deadline ay tsaka nagmamadali.. Ganun din sa mga exams.. Laging sinasabing 4 months pa naman yun tsaka ko na lang pag-iigihan mahaba pa naman ang panahon.. kahit na alam mong mabibitin ang oras na iyon ay pinipilit nating paniwalaain ang sarili natin na KAYA PA YAN.. KAYA NEXT TIME NA LANG..

2 lang naman daw ang solusyon sabi sa mga koleksyon sa El Dindo`s Principle (Principle na hindi lang math kundi mabubuting bagay na makakabuti sa ating buhay) Una, tanggalin mo lahat ng hadlang at problema na makakaapekto sa pagiging masipag mo. Pangalawa, mangarap ka.

Kung problema sa pagrereview sa exam ang computer games, I-uninstall mo. Kung problema at inuubos ng masamang barkada ang oras mo, layuan mo. Kung inaantok ka sa aircon, ipatanggal mo o kung inaantok ka pag mainit, maglagay ka ng aircon. Kung inaantok ka pag kumakain ng kanin, edi magnoodles ka, mag kape ka, mag-cobra ka atbp pa. Kung problema ang maiingay na tao sa bahay, umalis ka at maghanap ng iba. Ayusin mo muna ang problema mo dahil ang kasipagan, ayon sa El dindo`s principle ay hindi pinipilit. Hindi mo pwedeng pilitin maging masipag ka. Ang kailangan mo lang gawin ay mangarap ka. Iba yung mangarap sa  managinip. Dahil ang pangangarap ginagawa yun ng gising ka. Ang panaginip posible mo makalimutan pero ang pangarap mo hindi. Ano ba gusto mo mangyari? Mapasagot mo siya? e di ka naman nanliligaw.. Magkaroon ng trabaho at makabili ng Gucci na relo? e di kanaman naghahanap ng trabaho.. Makapasa sa board exam at maging top notcher? e di kanaman nag aaral..

Wag nating lokohin ang sarili natin. Mangarap tayo dude. Mangarap tayo. Hindi ang lakas ng katawan ang magpapagalaw sa atin kundi ang bagay na gusto mong abutin.

-Metaporista

wag tularan: Rugby boy

 

Mas magaang pa rin ang hulugan kesa sa full payment
Ikaw ang gumawa ng paraan

0 thoughts on “Sagot sa Katamaran

  1. Sabi ng mga kaibigan ko tuwing sinesermonan nila ako kapag lagi na naman akong late sa opisina, disiplina lang daw sa sarili ang katamaran. Edi ako na ang walang disiplina sa sarili!

    Maganda ang tip mo. 🙂

  2. tama !

    gusto mong pumayat? eh di mag exercise ka!

    ayun may kasabihan nga kapag gusto maraming paraan, kapag ayaw maraming dahilan.. its a matter of choice.. talagang sarili mo lang ang makakatulong sayo ika nga…

    ayun galaw galaw wag tatamad tamad 😉

  3. tama naaaaa!!! oo na. guilty nako. oo na!!! tatapusin ko na thesis ko! di na ako kukuha sa savings ko! di na din ako tatawad ng 15 mins sa kama. (pwede pa kung round 2. joke!)

  4. huwaw… kuha mow ser. :))

    i always find your blog insanely interesting.

    man you always keep me going.
    WRITE MORE.

    🙂 anonnimus

Leave a Reply