Dunong vs Kamalayan

`Knowledge is knowing how. Wisdom is knowing why.`

Sa buhay, hindi raw sapat na malaman lang natin kung paano ginagamit o ginagawa ang mga bagay-bagay.. mas maganda raw kung malalaman natin ang dahilan kung bakit natin iyon ginagamit o ginagawa..

Ba`t ba naglalagay ng suka sa adobo?

Para ibalanse ang alat ng toyo? para luminamnam at manoot? Para mawala ang baho ng sibuyas? Para hindi agad mapanis? Oo alam mo kung paano magluto ng adobo pero alam mo ba kung bakit ito ang mga sangkap nito? Kung malalaman mo ang dahilan kung bakit iyon ang ingredients ng adobo ay mas mapapasarap at mapapabuti mo ang pagluluto nito..

Alam mo ba kung bakit red, dilaw at green ang stoplight at hindi black, grey and white? Alam mo ba kung bakit qwertyuiop ang pagkaka-arrange ng keyboard ng computer at hindi abcdefghijklmnop? Alam mo rin ba kung bakit pinaka-safe magtago sa shear wall ng building pag may lindol? Alam mo ba kung bakit 5-6 ang tawag sa mga pautang ng bumbay? At kung alam mo kung bakit ganoon ang mga bagay-bagay mas magiging malalim ang pagiging pag-unawa mo.

Bakit? Ano bang silbi niyan? Para saan ba yan? <—– wisdom (Dunong)

Paano? Ganito ba? Tama ba tong ginagawa ko? <—– knowledge (Kamalayan)




Kung hindi mo alam kung bakit pinakamatibay ang shear wall (Usually sa mga fire exit daw ng building) sa lindol at tinanong ka kung bakit nga diyan ang pinaka-safe, ang isasagot mo malamang “Ito kasi shortcut palabas ng building pag nasira elevator at nag brownout.. E di para una tayong makalabas!”.. Pero kung alam mo, malumanay kang sasagot ng “Ito kasi ang bumubuhat ng sway at ito halos ang sumasalo ng seismic load. Ito ang huling guguho sa building kaya dito tayo magtatago tuwing may malakas na lindol..”.

Isa pa raw halimbawa: Pag nakipagbreak sayo ang syota mo at hindi niya sinabi sayo ang dahilan, mas mahirap raw tanggapin hindi ba? magtatanong ka maya`t maya sa sarili mo `bakit kaya?`.. `may putok ba ako? nadiskubre na ba niyang may asawa na ako? aha! baka may kinahuhumalingan na siyang iba?! o baka naman ayaw na niya sa kapwa babae?! o baka.. o baka.. o baka..` walang hanggang o baka hangga`t hindi nasasagot kung bakit. Pero kung nalaman mo raw agad ang dahilan, mas madali raw tanggapin ang lahat.

Pero masama rin naman daw kung puro sagot sa bakit ang alam mo pero hindi mo alam kung paano. Alam mo kung bakit kailangan putulin ang buntot ng tambakol at hugasan maige pero hindi mo naman alam kung paano ito lutuin. Alam mo nga kung ano ang mekanismo ng sasakyan pero hindi mo alam kung paano mag magmaneho.. Mahirap din hindi ba? Kaya dapat balanse.. pero dapat mas priority pa rin daw natin ang `bakit` kesa sa `paano`.

Imbis na ang tanong mo ay paano ba makakaiwas sa baha? tanungin mo, bakit nga ba may baha?

PAANO?: Bibili ako ng pump. Itataas ko ang bahay namin. Maghahanda ako ng bangka, salbabida at balsa. Maghahanda na rin ako ng Anti-Leptospirosis.. Ang dakilang proteksiyon, Safeguard..

BAKIT?: “ahhhhh kaya pala.. mababa pala kasi itong lugar namin at sinasalo ng bayan namin ang tubig ulan na galing sa karatig bayan kaya laging bumabaha dito.. Hindi nalang ako bibili ng bahay dito. Itataya ko pa ang kalusugan ng anak ko? Wag na uy! Pag may isang Ondoy lang na maligaw dito, mawawala lang agad sa isang iglap lahat ng pinaghirapan ko.”

Ayon kay wiki:

Knowledge is a familiarity with someone or something, that can include facts, information, description and/or skills acquired through experience or education

Wisdom is a deep understanding and realizing of people, things, events or situations, resulting in the ability to choose or act or inspire to consistently produce the optimum results with a minimum of time, energy or thought

Wisdom is to make the best use of knowledge.

-metaporista

reference: Engr. Lewdan Ferrer

0 thoughts on “Dunong vs Kamalayan

Leave a Reply